String One [Clueless]

9.3K 144 17
                                    

Hey Dakilang Readers :))

To be honest hindi po to talaga ang first chapter.

Ayaw ko lang talaga doon sa unang version kaya pinalitan ko.

I'm going to update this regularly pagtapos na ang Flipped so far ito muna ang update.

(*u*) anywayssss....

ito na po ang chapter one ng Marionette.

***

STRING ONE [Clueless]

[Kathryn’s POV]

“WHAT?!” sabi ko.

Naglalakad kami ni Julia, galing sa ballet practice namin. Ihahatid nya ako papunta sa service ko para daw may time kami magchismis.

“Ay grabeee, bes! ex ka din nya?” ngiti naman ni Julia.

Ginaya ko kasi yung reaction ng mga fellow ballet dancers namin ng sinabi ni Julia na dadating na ‘SIYA’. About 69% ng females sa ballet class ay ex ‘NIYA’. Sino ba siya? Sya lang naman ang pinsan ni bes na hindi ko alam kung ano ang pangalan kasi hindi naman nila sinasabi.

“Sorry na teh! Nakikiuso lang..” sagot ko naman.

Tumawa si Julia.

“Sino ba yan na pinsan mo?” sabi ko naman.

"Kilala mo yun!" sabi naman ni Julia.

Nakakairita na kasi eh, sino ba yan!?

“Bes, you're so clueless...” sabi ni Julia "Si DJ Ford.." 

“Disc Jockey siya bes? Cool!” sabi ko.

“No Kath, that’s his name DJ, as in DANIEL JOHN..”  sabi ni Julia.

Kung may iniinom ako tubig pwede ko na sana yun maluwa.

“Si Insan Daniel?” sabi ko naman.

Hindi ko naman talaga sya pinsan, Insan Daniel lang talaga kasi super tight ako sa family nila ni Julia.

“Ay hindi tuloy bes, si John!” sabi naman ni Julia.

“Seryoso kang si Daniel yan na DJ Ford na yan?”

“Ay hind! Hindi,  Diba si John?” sagot naman ni Julia.

Binatukan ko sya.

Ang sarcastic eh!

“Ba’t hindi na Zobel ang surname niya?”  tanong ko naman.

Marionette [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon