Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter 5

20K 682 131
                                    

Five

"Nadulas ka ba? Ang putik mo, brad," tanong ni Chino sa akin. Tumingin lang sa 'kin sina Pipo at Esso na abala sa paglalaro ng Call of Duty. Si Julian naman ay abala sa pangungusina.

"Ah hindi, saglit lang maliligo lang ako," paalam ko sa kanya.

Nasa ilalim ako ng dutsa at si Rachel ang nasa isip ko. Ito ang unang pagkakataon na ibang babae ang nasa isip ko. Unfair nga ba ako kay Rachel? Hindi nga ba talaga ako dapat nakikipaglapit sa kanya? Wala naman akong masamang intensyon.

***

"P're, kain na!" Si Julian. Sa loob kami kumain ngayon dahil umuulan pa rin hanggang ngayon. Nasa hapag na silang lahat at ako na lang ang kulang kaya dumalo na ako sa hapag.

May Red Horse sa ibabaw ng lamesa at may ilang bote na ang walang laman. Ginawa na namang tubig ang beer.

"Ayos ka lang? Tahimik mo, ah." Si Esso.

"Ha? Oo, ayos lang ako."

"Magkasama kayo ni Rachel kanina, 'di ba?" Si Chino naman.

"Oo."

"Kaya ka ba maputik, eh, dahil ..." Ibinitin niya yung tanong niya. He was grinning from ear to ear, kalokohan na naman ang nasa isip. Bigla namang naglapitan yung tatlo para makinig.

"Gago, hindi."

"Eh, anong ginawa niyo?" Si Pipo, iba rin ang ngiti niya sa akin. Napailing na lang ako.

"Nagpaulan kami, nanood ng soccer at nahiga sa baseball field."

"Habang umuulan? Lakas trip niyo, ah." Si Julian.

"Oo, habang umuulan. Hindi ko alam pero nag-enjoy ako, sobrang nag-enjoy talaga ako na para bang ayoko nang matapos yung araw. Ngayon ko lang nagawa ang mga 'yon. Si Rachel, wala siyang inhibitions sa katawan, wala siyang pakialam sa iba basta gagawin niya kung ano ang gusto niya. P're, sobrang ganda niya kanina habang inuulan kami. Hindi ko maialis yung tingin ko sa kanya kahit maputik siya, kahit may dahon na siya sa buhok, kahit basang-basa kami, ang ganda-ganda niya sa paningin ko."

Narinig ko ang pagpalakpak ni Chino.

"Tangina, pare! Sa wakas, naka-appreciate ka na rin ng ibang babae maliban sa ex mo!" Tumayo si Chino at naglabas ulit ng ilang bote ng beer mula sa ref.

"Iba talaga si Rachel, ang bilis, ah, sabi sa 'yo rebound lang katapat niyan, eh." Si Esso.

"Hindi. Hindi pa ako buong-buo, alam ko may feelings pa rin ako kay Andrea at magiging unfair lang ako kay Rachel kung papasukin ko ito."

"Magiging unfair ka kay Rachel kung hindi mo susubukan." Si Julian.

"Hindi kaya nagiging unfair ka rin sa sarili mo? Bigyan mo ng chance ang sarili mong magmahal ng iba, Jacob. Sagutin mo ang tanong ko, palagay mo ba kaya mong mahalin si Rachel?" Si Pipo.

"Oo," walang kurap na sagot ko.

"'Yon naman pala, eh. Ligawan mo na si Rachel." Si Esso.

"Jacob, ang main concern namin dito ay ikaw. Siguro nga mahirap kalimutan si Andrea lalo pa sa lahat ng pinagsamahan niyo pero tapos na kasi 'yon, eh. Wala na kayo matagal na, paulit-ulit na tayo rito, p're, pero may bagong twist na. May Rachel na." Si Chino.

"Bahala ka, kapag 'di mo niligawan si Rachel, ako manliligaw diyan." Si Esso. Unconsciously naramdaman ko ang panlilisik ng mata ko kay Esso.

"Gago!" Si Chino sabay sapak sa batok ni Esso.

"Aray! Biro lang naman, ah!" reklamo nito.

"Look, pare, they're two different ladies. Pareho silang maganda, yung isa nga lang nakaraan na at yung isa naman ang kasalukuyan at puwedeng pang-hinaharap. Yung isa minahal mo noon, yung isa mamahalin mo ngayon. Hindi naman talagang rebound si Rachel, eh, lalo pa at ganyang mamahalin mo naman siya. 'Wag kang maging unfair sa sarili mo at 'wag ka ring maging unfair kay Rachel. Bukas makalawa habang kasama mo siya, nasisiguro kong mabubura din si Andrea diyan sa puso mo. Subukan mo lang, p're. I think Rachel is a good catch." Si Pipo pa rin.

How To Mend A Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon