Wattpad Original
Masz jeszcze 4 darmowe części

Chapter 4

21.2K 625 140
                                    

Four

"Wala naman, itatanong ko lang sana kung anong oras tayo babalik sa OSA bukas." Reply ko sa kanya. Tangina! Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko. Malamig ang hangin dito sa labas pero nag-iinit ang pakiramdam ko. Nahilot ko ang sintido ko dahil sa mga naiisip ko. Saan nanggaling yung "Ikaw sana"?

"May klase ako sa umaga, eh, baka mga 1 ako bumalik sa OSA."

"Okay sa umaga lang din ang klase ko, sabay na tayo mag-lunch bukas tapos sabay na rin tayo pumunta ng OSA."

And, I was pushing my luck. Hindi ko napansin na nag-cross fingers na pala ako at nananalanging sana ay pumayag si Rachel.

"'Wag na, sa apartment na ako kakain. Kita na lang tayo sa OSA."

Wala talaga. Napapailing ako sa mga reply niya. Madilim na daan yata itong tinatahak ko.

"Sunduin na lang kita riyan sa apartment niyo."

"'Wag na, sa OSA na lang tayo magkita."

"Hindi, okay lang sa 'kin. Sunduin kita."

"Ang kulit mo, de Lara! Alas dose ng tanghali sa Tum's bukas, sabay na tayong mag-lunch at sabay na rin tayong pumunta sa OSA nang magtahan ka!"

"Yes, Ma'am!" Reply ko sa kanya at may emoji pa 'yon sa dulo.

Napangiti ako sa reply niya sa akin. Alam kong nakukulitan na siya sa akin at nai-imagine ko na rin na nanlilisik na ang mata niya o 'di naman kaya ay umikot na ang mga iyon habang sumisigaw ang kalooban niya sa pagkainis sa 'kin. Magkikita kami at sabay mag-lunch, ayos 'yon. Yung Tum's, eh, yung kinainan namin kanina.

Hindi na niya ako ni-reply-an pero nag-text pa rin ako sa kanya.

"Good night, Rachel, see you."

Palagay ko, inis na inis sa 'kin 'yon ngayon kaya hindi na ako ni-reply-an. Baka kung tatawagan ko siya ay pagbagsakan lang ako ng cellphone matapos sigawan.

Muli akong tumingala sa langit habang nakangiti.

Umulan man o umaraw bukas ay wala na akong pakialam.

***

Makulimlim ang kalangitan at pagsapit ng alas onse ng umaga ay nagsimula na ang pag-ulan. Hindi naman sobrang lakas ng ulan pero may kasama itong hangin kaya naman nagdala iyon ng lamig.

Ang kambal ay hindi na pumasok dahil nga maulan. Sina Pipo at Julian naman na panghapon ang klase ay wala na ring planong pumasok palibhasa ay mga takot mabasa ang mga iyon.

Binuksan ko ang payong ko at madali akong pumunta sa Tum's. Ayokong mauna sa akin si Rachel doon. Pagdating ko ay wala pa si Rachel. Kinuha ko ang cellphone ko, ang laki ng ngiti ko nang makita kong may text siya sa akin.

"Nasa Tum's ka na ba? Papunta pa lang ako, eh."

Agad ko namang sinagot ang text niya at sinabing nasa Tum's na nga ako. Naupo na ako sa lamesa malapit sa bintana. Ang sarap kasing tingnan ng ulan, nakare-relax. Mga ilang minuto lang ay nakita ko na si Rachel na pumasok ng Tum's. Ang cute niya sa suot niyang T-shirt, skinny jeans, at chucks.

"Sorry, late ako."

Naupo na siya sa harap ko. Medyo basa yung buhok niya dahil sa ulan.

"Okay lang, kararating ko lang din naman halos."

"Order na tayo, gutom na ako, eh."

Nag-order kami ni Rachel. Gaya kagabi ay may extra rice rin siya.

How To Mend A Broken HeartOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz