Never Let You Go - Chapter 38; Part 2.

1.9K 21 13
                                    

<-- Vote.

I told you guys sinadya kong bitinin yung last chapter! HAHAHA ADIK LANG. =))))) 

O eto na oh. >:P

---------------------------------------------------------------------------------------------------

[Chase's POV]

For the past months, she was ignoring me. My wallposts, my calls. I believe nagpalit siya ng SIM. Laging hindi mareach yung number niya eh.

And for those months, I have discovered my new hobby.

....Ang magsulat sa diary.

Oo, gay. Pero.. ewan. Dun ko nalalabas lahat. Mula nung iwasan niya ako, nagsulat na lang ako sa notebook tas ayun biglang naging daily routine na. 

Ayoko namang magshare ng magshare sa kapatid ko o sa mga kaibigan ko. Kasi paulit-ulit na lang. Baka isipin nila sirang plaka na ako. 

Paulit-ulit ko kasing iniisip kung anong ginawa kong kasalanan. Eh, wala naman akong matandaan. Pero yung mga status niya sa Facebook, puro parinig sakin. Ano ba. 

ANO BANG GINAWA KONG MALI?! CAN'T SHE JUST TELL ME? Gaano ba kahirap sabihin yun? Grabe.

I want her back. I really do. Its just that.. tao rin ako -- naiinis. For two freakin months, di man lang siya nagparamdam. Di man lang niya ako pinansin. Di man lang niya sabihin kung ano yung mali. Pinagmumuka niya akong tanga.

Pero since mahal ko siya.. okay lang. Pero sana naman maisip niya diba? Tao ako, naiinip.. naiinis. Hindi ko kayang maghabol habangbuhay. Hindi ko kayang magpakatanga habang buhay. 

One more thing, hindi ko siya maintindihan! Lagi siyang nagpapatama sakin. Lagi niyang sinasabi sa Facebook na nasasaktan siya.. mga ganung bagay. 

Tapos nakikita ko siyang nakikipagtawanan at kasama si Niel. 

Parang hindi tama. Sabi niya nasasaktan siya.. tapos kung kasama niya si Niel parang wala namang mali sa kanya? Parang ang saya saya pa nga niya.

Of all guys naman. Bakit pa yung kapatid ko. Tss.

I grabbed my diary. Binasa ko yung mga sinulat ko noong mga nakaraang araw.

December 20

Nakita ko si Niel sa kwarto, hawak hawak yung phone niya. Katext nanaman niya siguro si Yana. Siya na!! SIYA NA ANG MAY NUMBER NIYA! Kahapon sinubukan kong kunin yung phone nitong kapatid ko tapos tignan yung number ni Yana, kaso may security code. Damn. Si Eli naman wala rin daw number ni Yana. 

Pagtapos ng ilang minutong kakatutok sa cellphone, nagbihis agad si Niel. May lakad NANAMAN sila, for sure. Grabe.. ilang beses ko na ba silang sinusundan tuwing may lakad sila sa mall. Buti nga hindi ako nahuhuli. 

Ang saya saya nila lagi. Nagseselos ako, bwisit. 

Susundan ko sana sila ulit ngayon. Pero, haay. Tama na muna. Wala rin akong mapapala. Masasaktan rin lang akong nakikita silang magkasama. Dito na lang muna ako sa bahay, magmumukmok. Pambihira.

Grabe Alyannah Leigh Ordonez! Miss na miss na miss na miss na kita! Okay lang kahit pagmukain mo akong tanga! Basta alam ko miss kita at mahal kita! Tapos!

December 21

Start na nga pala ng Christmas break namin noong isang linggo pa. Ang aga ko nagising ngayon! Kala ko may pasok pa kami. Ilang sem na lang, 4th year college na ako.. 5 years tong course ko. Malapit na akong mag-goodbye College world.

Never Let You Go (Book 1 - Complete!)Where stories live. Discover now