Chapter 39

146K 3.2K 86
                                    

May mga bagong pangalan kayong mababasa sa chapter na ito. Pagpasensyahan niyo sana ang pagdescribe ko sa sayaw nila at sana mag-enjoy kayo habang binabasa niyo ito. Salamat sa pag-aabang ng mga sunod na chapters. Hanggang sa muli.
My other stories;

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

~💞~

Napatingin kaming lahat sa nagsalita. Hindi ko mapigilang manlaki ang mga mata ko sa nagprisintang maging kapartner ko.

"Pare, isa lang ang kailangan naming kapartner ni Cassandra. Ano na naman ba ang nakain ninyong dalawa at nagprisinta kayo ngayon? May binabalak na naman ba kayong kalokohan?"

"Kami na nga ang tumutulong tapos ganyan pa ang iniisip niyo." Ang sabi ng isa.

"Minsan na lang namin gawin ito kaya lubusin niyo na. Hindi kami basta gumagawa ng pabor sa mga taong hindi malapit sa amin kaya tanggapin niyo na lang."

Tumingin yung dalawa sa akin at ngumiti. Hindi ako makakilos ng makita ko sila. Lumapit sila at pinatayo ako.

"I'm Cellon and this guy over here is my twin brother Callen. Nice to meet you."

Nakalahad ang kanilang kamay at hinihintay na kamayan sila. Hindi ko alam kung tatanggapin ko o hindi dahil pareho silang nakangisi. Kinakabahan ako na baka gumawa nga sila ng kalokohan.

"Wala kaming gagawin sayo kung iniisip mo ang sinabi nila. Alam mo naman iyon, di ba?"

"Isa pa gusto ka naming makapartner ngayon. Matagal na rin ng huli naming gawin ito at iisa lang ang taong nakapilit sa amin na sumayaw para makapartner siya."

Hindi na ako nagdalawang-isip na tanggapin dahil sa sinabi nila. Wala na akong narinig sa mga kasama namin na umaapela sa pagtulong sa akin.

"Siguraduhin niyo lang na wala kayong kalokohan na naman. Hindi pa rin kami naniniwala, the devil twins will help someone without gaining something." Ren said while staring them.

Hinawakan ni Clyde ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya, "Win or lose, I'm still here to support you, baby."

Nilingon nito ang dalawa, "I will hunt you down if my girlfriend lose or hurt during the competition."

"Yes, sir!" They both said while saluting to him.

Hindi ko alam kung anong oras magsisimula at hindi ko na rin makita si Thalia. Paniguradong naghahanda na ito.

"Hindi ka ba maghahanda, Cassandra? Hindi ka man lang ba magpapalit o ganyan na ang suot mo mamaya?" Tiningnan ko ang suot ko. Hindi ako makakagalaw nito. Fitted ito sa katawan kaya hindi ako makakakilos.

"Wala naman akong pamalit."

"Hindi pwede yan. Si Thalia nga nagpalit na tapos ikaw ganyan lang. Ren, tawagan mo si Janna. Hindi pwedeng sumayaw si Cassandra na fitted ang gown."

Sinunod ni Ren ang sinabi ni Ally. Hinalikan ng katabi ko ang kamay ko kaya sa kanya ako napatingin.

"Don't stress yourself, baby."

Dumating si Janna makalipas lang ang 30 minutes. Hinatak niya ako papuntang restroom para makapagpalit. Kanina habang naghihintay kami sa kanya ay nag-announce na after 1 hour ay magsisimula na.

Pagkabukas ng pinto ay lumabas si Thalia na iba na ang suot. Nakangisi ito habang tinitingnan kami.

"Nandito pala kayo. Kailangan ko na palang bumalik sa loob at naghihintay na sila sa akin. Huwag ka ng mastress sa gagawin mo mamaya dahil ako naman ang mananalo pero kung gusto mo pa rin lumaban, okay lang naman basta binalaan na kita."

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon