Chapter 28

189K 3.8K 57
                                    

Nakakatuwa namang mabasa ang mga comments niyo sa last chapter. Sana ipagpatuloy niyo pa rin ang pagcomment sa story na to. Ang saya ko na umabot na ng 500 ang followers ko. Salamat sa inyo.

My other stories:

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment, and follow me.

************

Ilang araw na nakakalipas pero hindi pa rin nagpapakita si Alex sa office namin. Hindi pa rin ba siya nakakaisip ng paraan para makapag-usap sila ni Kim.

"Bakit ka nakatingin sa akin, Cassandra?" Hindi ko na napansin na nakatingin na ako kay Kim. Wala namang pagbabago sa kanya pagkatapos nilang magkita ni Alex.

Nagtataka na ako kung totoo ba ang sinasabi ni Alex na may 'past' sila. Hindi naman apektado si Kim. Wala akong magawa ngayon at ayokong namang itext si Clyde dahil nagtatampo ako sa kanya.

"Cassandra..." Bakit wala akong natanggap ngayon mula sa kanya? Araw-araw naman siyang nagbibigay at ngayon lang wala.

"Cassandra!" Nagulat ako sa pagsigaw ni Kim.

"Bakit ka ba sumisigaw dyan? Ang lapit ko lang sayo kaya huwag mo ng isigaw ang pangalan ko."

"Tinawag na kita kaso hindi ka naman lumingon. Anong ba ang problema at kanina pa kita nakikitang malungkot ka dyan." Pinaalala niya pa. Ayoko na ngang isipin.

"Alam ko na ang problema mo?" Hinayaan ko na lang siyang manghula kung bakit malungkot ako.

"Si sir Clyde." Masyado na ba akong halata? Kaya nalaman agad niya  na si Clyde ang dahilan kung bakit malungkot ako.

"Ano ang pinag-uusapan niyo? Isali niyo naman ako at wala akong magawa dito." Nilapit ni Laurel ang upuan niya malapit sa amin.

"Malungkot ang kaibigan natin dahil sa kanyang boyfriend na nagngangalang Clyde Villacorte." Kailangan ba talaga niyang sabihin ang buong pangalan ni Clyde.

"Ano ba ang ginawa ni sir, Cass?" Sasabihin ko ba sa kanila? Baka pagtawanan lang nila ako sa dahilan ko.

"A-Ano kasi... Si Clyde kasi..."

"Umayos ka nga, Cassandra. Hindi ka namin maintindihan kung ganyan ka. Gusto mo tawagan ko si Sarah para makausap namin si sir." Hindi pwede niyang tawagan si Clyde!

"Huwag! Wala naman talaga akong problema kaya hindi niyo na kailangang abalahin si Clyde."

"Bakit malungkot ka ngayon kung wala kang problema?"

"Nagtatampo lang." Nagkatinginan ang dalawa tapos tumingin sakin.

"Ano na ba ang nagawa ni sir?"tanong ni Laurel.

Nahihiya akong magsabi. Hindi ba nila ako pagtatawanan kapag sinabi kong nagtatampo ako kay Clyde dahil lang sa hindi siya nagbigay ng rose na lacing niyang binibigay sakin ngayon.

"Magsasalita ka ba, Cassandra o pipindutin ko na ang call sa cellphone ko? Kilala mo naman ang boyfriend mo, kapag ikaw na ang pinag-uusapan ay sasagutin niya agad ang tawag ko kapag sinabi ni Sarah." Hindi naman siguro siya seryoso sa sinabi niya.

Ilang minuto pa akong nakatingin sa kanya at nagulat ako ng pindutin niya. Nilagay niya pa sa loud speaker at naririnig namin na nagriring.

"Sasabihin ko na! Ibaba mo na yan, Kim!" Nag-end call na yung cellphone niya. Kinabahan ako sa ginawa niya.

Napalingon sa amin sila Brix at Hanz ng sumigaw ako. Pakiramdam ko namula ako sa kahihiyan.

"Bakit ka sumisigaw dyan, Cassandra?" Lumapit si Brix sa amin.

My So Strict Boss (Bachelor Series)Where stories live. Discover now