Vamp 4th Chap: The Hiking Part I

7 0 0
                                    

Two days passed but it seems like it happened yesterday at hindi ako makamove-on. I can still feel his lips lingered on mine. Hindi ko makalimutan yung feeling na yun. Yung habang nakahawak siya sa batok ko at shock na shock naman yung mukhang tangang si ako. Juice me! Hindi ako makapaniwala na nagpahalik ako sa isang estranghero. To the point na hindi ko siya lubos kilala na baka mamaya e may hepa pala edi nahawa ako. Yung healthy living na Dyosa biglang magkakaroon ng hepa? Aba magkalimutan na. I just realized na siya yung guy na tumulong sakin. Yes, nagpapasalamat ako at utang na loob ko yun pero wala pa rin siyang karapatang i-kiss ako! Makita ko lang ulit yun at masasapak ko siya ng todong-todo!

Pakyu siya mga pito. Ang lakas ng loob niyang gawin sakin yun pakibhasa sobrang gwapo kaya na-starstruck ako. Imagine, yung laway niya ay pumasok sa bibig ko at yung laway ko naman ay pumasok rin sa kanya so para kaming nagsasalo sa mga saliva namin. Gross! Pero nung time na yun parang hindi naman ganon kadiri dahil in fact ay nagustuhan ko naman. Para nga siyang juice e. Masarap, matamis, at nakakaadik. What the heck! Did I just complement him? No! Erase! Nakakarimarim isipin na na-enjoy ko yung halik niya.

"May problema ba Belle?" Gusto kong hatawin ng dos por dos itong pesteng ito dahil nagulantang ang nagmamaganda kong katawan sa gulat.

"Problema? Yang kapangit mong mukha! Ang sarap kasing ibaon sa lupa." Nakasimangot kong sigaw sa mismong mukha niya. Medyo nabasa ng konti dahil nagtilamsik ang mga baby saliva ko.

"Palabiro ka pa rin talaga. Hahaha!" Saka pinunasan ang mukha gamit ang kamay saka dinilaan. Chos! Ngumiti ito kaso walang epekto sakin. Feeling naman niya kikiligin ako. Siya nga pala si Puchito ang aking camera man na hanggang ngayon ay nakakapagtakang hindi pa siya nasisibak.

"Mukha ba akong nagjo-joke joke joke? Kabaon-baon naman kasi yang mukha mo."

"Talaga? Saan nakabaon?" Napalingon ako sakanya like duh? Nakangisi pa siya at may pilyong ngiti sa mukha niya. Napatingin ako sa likod niya at ngumisi din.

"Eto oh ganto!" Saka ko tinulak kaya sapul yung mukha niya sa may tae ng kalabaw. As in yung buong fes niya ay nakalapat doon.

"Hahaha! Ganda no?"

"Belle!" Frustrated nitong sigaw. Pero agad siyang napangiti na parang may narealized na katangahan at kadramahan sa buhay.

"Siguro ganyan ka ka-harsh dahil ganyan mo iparamdam ang pagmamahal mo. Sabi ko na nga ba at may gusto ka sakin e. Nice!" Hanu daw. Nice? Tipaklong pala siya! Pagmamahal niya mukha niya. Hahatawin ko na dapat siya ng marinig ko ang boses ni Myleen.

"Belle halika nandito na sila!" Napangiti ako dahil sa wakas dumating na ang mga sampid! Char! Naglakad ako palapit ng may mapansin akong pamilyar na tao. Napatingin ako sa lalaking nakasuot ng v-neck na asul. OMG! Totoo ba to? Si Olly? Yung yummylicious fafa! Hala, destiny ba to? Mukhang pinagtatagpo talaga kami ng kapalaran.

"Hoy Belle tulala lang?" Pumiksi ako.

"Anong tulala bakit naman ako matutulala aber?" Sumimangot ako sa babaeng nagsalita. Ang sarap talaga tadyakan ng babaeng to. Panira ng moment putragis. Nag-eenjoy pa ako e.

"Malay ko sayo kanina ka pa jan nakatitig kay Olly." Namula ako sa sinabi niya.

"Oh kita mo? Nag-blush ka pa! Type mo siya no? Naku Belle wag ka nang umasa dahil di ka papatulan niy-- aray!" Binigyan ko siya ng upper-cut.

"Exagerated kang bruha ka!" Saka ko siya binigwasan ng mga tatlo at sinundan ko ng side-kick mga apat. Charot!

"Grabe ka sakin Belle parang di mo ko kaibigan kung itulak mo ko!" Nakasibangot siya. Nararapat lang yan sa isang hunghang na kagaya niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 01, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

For The Love of a Vampire (On-Going)Where stories live. Discover now