Vamp 3rd Chap: The Kiss

5 0 0
                                    

A/N Alert! SPGAlert! (Medyo lang)


***


"Aaahhh!!"

"Myleen?" Nagulat ako sa sigaw siya. Para siyang nakakita ng Dyosa. Kung makatili akala mo nabagsakan ng kagandahan pero wala naman.

"Bakit ka nandito at bakit mukha kang terorista?" Ginagawa niya rito at mukha siyang magnanakaw? Nilapag ko ang bag ko nagtungo sa closet ko. Shet! Ang baho ko pala talaga! Di bale pamatay naman ang prettylicious kong fes!

"Anong nakain mo at mukha kang kulto?"

"Belle.."

"Oh?" Tumingin ako sa kanya. Sa mismong pagmumukha niya at may napansin akong isang bagay.

"Teka ano yan!?" Tanong ko at lumapit sa kanya. Nagtataka rin siya at hinawakan ang parteng dinuro ko.

"Wala naman ah?" Nakangusong saad niya kaya kita ko tuloy yung naghihimutok niyang dry lips. Ang sarap pagbabaklasin ang balat hanggang sa maging dinuguan ang nguso niya.

"Ayan oh! Ayan kita mo?!" Saka ko pinagdudut-dutan yung pimple niya sa ilong ayan tuloy napisat sa daliri ko. Agad kong pinunas sa pisngi niya yung sabaw at kinalat-kalat. Ayokong mahawa no! Bahala siyang maging kagaya ni Miss Pimple na naging epidemya na yung pimple sa mukha niya na nagmistulang sardinas dahil nagsisiksikan sila.

"Waaaah!! Pinaputok mo si labidabs ko! Bad! Bad!" Nangingisay nitong saad at napaupong akala mo nalugi sa nasalihang networking.

"Asus parang pimple lang, dadami rin yan!" Tiningnan ako saka inirapan. Inirapan ko din siya akala niya ha.

"Ano palang ginagawa mo rito? Bakit nakaganyang ayos ka saan lakad mo?" Nawiwindang at nagugulantang ang buong kagandahan kong tanong sa pangit niyang pagmumukha. Char! Para siyang may sinalihang samahan ng mga kultong nais mangidnap ng bata para makabenta ng laman-loob. Siya yung tipong hindi gagawa ng maganda sa kapwa.

"Don't judge me by this pretty outfit because my fashion sense is beyond your expectations! Hmp!" Humalukipkip pa siya kahit tumutulo pa yung dugo sa tigyawat niya. Kadiri! Itong Myleen na ito juice colored kababaeng tao napakadugyot, e kulang nalang dilaan niya yung ilong niyang sugatan. At ayun nga, tumama ang predictions ko dahil ginawa nga niya. Kitang-kita ko kung paano maglandas yung naninilaw niyang dila sa sugatan niyang ilong at sarap na sarap siya! Chocolate?

"Teka Belle ano yung pinahid mo sa mukha ko bakit ang sarap?"

Kita mo? Ang shonga ng gaga! Nasasarapan sa sarili niyang dugo? E kung ganun pala magtatabi ako ng napkin ko at gagawin kong tsa-a niya. Instant right?

"Pero seryoso Belle, nagpunta ako dito dahil may lead na ako patungkol sa insidente sa Baryo Ugong. Ayon kasi sa former investigator ko lahat ng bruises at incisions na natamo ng biktima ay masyadong risky which means sinadya talaga na wakwakin ng salarin ang katawan ng biktima which will lead it to her/his death." May kinuha ito sa bulsa ng outfit niya at inilahad sakin ang isang brown envelope. Tinanggap ko ito at binuklat. Mga litrato ito ng mga samu't-saring crime scenes na pinapakita ang katawan ng mga biktima na halos pare-parehas lang ang sanhi ng pagkamatay. Karamihan ay may laslas sa leeg at butas ang dibdib. Nanginig ang kamay ko habang hawak ko ang mga ito.

"S-saan mo ito nakuha?"

"San pa ba?" Nakangiting sagot nito na parang tuwang-tuwa sa ginawang katangahan.

"No, huwag mong sabihin--"

"Exactly! Babagal-bagal kasi yung informant ko kaya ako na mismo ang umaksyon! Masyadong kilos pagong yung isang yon kaya kumilos na ako. Di ba halata sa costume ko?" Ngiting-asong saad niya at proud na proud sa sarili. She's hilariously crazy! Kaya ba siya nagmistulang kulto dahil nagnakaw siya ng mga files? P-paano I mean saan niya nakuha? Kung sa mismong presinto niya kinuha ay di malayong makulong siya dahil sa pagnanakaw ng informations. Anong gulo nanaman ba ito? Mamumuti buhok ko nito e. Dahil dumiretso siya dito ay malamang sasabit ako dahil any how baka may nakasunod sa kanya ng di niya nalalaman at syempre iisipin nilang kasama niya so dawit ako! Yung magandang Dyosang si Ako! Buti sana kung pwedeng ipam-pyansa ang kagandahan ko pero hindi naman. Ewan ko ba kung bakit yung kagandahan ko ay di bumibenta sa iba. Alam niyo bang dati sinubukan kong magpacute sa jeepney driver sa may kanto para pasakayin ako ng walang bayad? Ayon sinigawan ako at sinabihang hindi tindahan ang jeep niya na pwedeng utang na kahit mismong tindahan ngayon ay bawal na ring mangutang. Tapos minsan habang naglalakad ako sa isang mall ay nakita kong showing yung paborito kong movie e ang kaso wala na akong pera kaya sinubukan kong magpaganda para makapasok tapos ang sabi bawal daw ang clown sa loob? Aba'y kung may dala akong itak baka natapyasan ko na ang pagmumukha niya. Palibhasa pangit at walang taste! Char!

For The Love of a Vampire (On-Going)Where stories live. Discover now