Ms. Loner Girl and The Popular Mr. Playboy Prince Chapter 1 (Loner Girl's POV)

2.8K 10 12
                                    

Ms. Loner Girl - Nichole Erica Villanueva  

Mr. Playboy/Popular Prince - Joshua Jonathan Ramos

Chapter 1 - You Treat Me Just Like Another Stranger...

[POV NI LONER GIRL/Nichole, yung version na ito (dahil Loner girl sya wala masyadong usapan)

First day at a new school nanaman. Yan lang ang masasabi ko ngayon. Mamemeet ko nanaman ang mga iba't ibang klaseng tao , yung mga nerd, emo, brats, jocks, mga normal people, mga maarte, mga rich kids, mga mahihirap na rin, mga playboy at playgirls? Pati na rin siguro ang mga teachers pet. Ako kung tatanungin nyo kung saan dapt ako mabelong sa mga namension kong mga grupo, ang sasabihin ko lang ay WALA...Dahil ayaw kong masyadong magsocialize ayaw ko ng masyadong maraming taong nakapaligid sa akin, ayaw ko na laging may kausap, at ang gusto ko ay tahimik lang. In others words I'm a Loner... 100%. Kung may kakausapin man siguro ako kung may nagtanong pero mostly teachers lang ang sasagutin ko, dahil sila lang naman ang siguradong kakausap sa akin.

Naglalakad ako nun sa corridor ng school para pumunta sa locker ko, kaso nga lang biglang may lalaking bumunggo sa akin na pinaghahabol ng mga babae.

"ARAY!"

Tinignan nya lang ako nun, tapos tumakbo na sya ulit. Tumabi naman ako para hindi ulit ako mabangga this time ng mga babaeng naghahabol sa kanya. Grabe naman yung lalaking yun hindi man lang marunong mag sorry. Grabe talaga ang mga tao dito. Dumiretso na ako nun papuntang locker ko tapos sa classroom na agad....

#

Natapos na ang klase nun, as usual wala akong masyadong kausap sa first day, napansin ata ng mga kaklase ko na ayaw ko ng kausap kaya, hindi nila ako pinagpapansin. Pero ang mean naman nila ganun pala sila magtreat ng mga new students. Naglalakad ulit ako ngayon papuntang locker ko para naman ilagay yung mga extra ko na notebook, incase, pero hinid ako maiiwan ng libro kasi kailangan kong mag-aral kahit magbasa lang ng 5 minutes para sa lahat ng subjects ko. Nung nalagay ko na, pagsara ng locker ko nagulat na lang ako ng may lalaking nakatingin sa akin at naka smile pa. Teka lang ito yung nakabangga ko kanina ah! Bakit kaya ganito ito. WEIRD nya ah. Hindi ko na alng siya pinansin at umalis na lang.

"Ui! Sandali lang saan ka pupunta?" hinawakan niya ako sa may braso ko.

"Aray! Ano ba sino ka ba?"

"Hindi mo kilala?! Alam kong bago ka pero diba dapat may nagsabi na sa iyo kung sino ako?!"

"Sorry pero walang nagsabi at walang magsasabi. Okay?"

"Anong walang magsasabi eh di ako na lang. I'm Joshua, but you can call me Josh for short. Pero nickname ko rin Jojo, dahil sa first two names ko. Ikaw anong name mo?"

"Pwede ba leave me alone! I Don't want to talk to you and to anyone! And I didn't even ask what you're name is! Ang I have no intention on giving you my name!"

Nakakainis yung lalaking iyon ah. Nakakbadtrip ang hangin eh. Akala mo kung sino syang gwapo, medyo. Pero aaaaaahhhh! ayoko sa kanya.! Kaya tinakbuhan na lang sya.

"Ok! Kung hindi mo ibibigay ang pangalan mo, tatawagin kitang Ms. Sungit!" Sigaw nya sa akin habang tumatakbo naman ako

Akala nya siguro titigil ako, dahil tatawagin nita daw akong Ms. Sungit! Eh ano ngayon! Care ko sa kanya! Tumakbo na ako hanggang makarating na ako sa labas ng school. Desperada na talaga ako na hindi niya ako mahuli. Ayaw ko talaga sa lalaking iyon! I don't like his type of guys at ayaw na ayaw ko sa mga ganoong klaseng lalaki. I swear hindi ako magkakagusto sa lalaking yun. Or so I thought...

Note: May isa pa pong version nito na ginawa ni makaLOL at yung version na po na yun sa POV po ni Playboy prince.

Ms. Loner Girl and The Popular Mr. Playboy Prince (Loner Girl's POV)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt