Chapter 1

14.1K 225 15
                                    

SETH'S POV


"Seth! Pare! Grabe, hindi ka nagparamdam buong bakasyon ah! Ano bang pinaggagagawa mo?!"


"Wala ka na dun, bro." sabi ko habang nagfist-pound kami nina Jason at Ross, my two best mates. 


"Ulol! 'Di na namin alam kung buhay ka pa eh." Sabat naman ni Ross.


I'm Seth Alvero. Ang hari ng Beaufort College Academy, a private institution for the elite students. Hindi sa pagmamayabang pero talaga namang gwapo ako. Yung typical Bench model, literally. Hindi lang gwapo, matalino't mayaman pa. Sinong matinong babae ba naman ang hindi magkakagusto sa katulad ko? Well, maliban sa kanya. Pero ibang usapan yon.


I'm a 3rd year Operations Management and Supervision student and today ang start ng first semester. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong tinanong kung anong ginawa ko nung bakasyon. Asan daw ba ako? Bat hindi daw ako nagpapakita? Bat hindi daw ako nag-aaattend ng mga parties? Syempre, wala akong binigay na sagot, that's none of their business.


"Gago! Hahaha. Hinde, pare. Nasa bahay lang ako, wala ako sa mood lumabas eh." Totoo naman kahit papaano, nasa bahay lang talaga ako, pero hindi na nila kailangan pang malaman kung anong pinaggagagawa ko doon.


"Boring, bro! Ano ba yan." Comment ni Jason habang naglalakad kami papuntang entrance ng school.


"Tsk. Hahaha. Pabayaan mo na. Gwapo pa din naman." Ngisi kong sabi.


"Yabang! Hahaha.... Oy pare oh, si Margaux. Akalain mo yun, dito pa rin pala nag-aaral. Tsk tsk." Tinuro ni Ross yung babaeng naglalakad sa hallway. Tiningnan ko lang sya – nagkatinginan kami. Syempre, umiwas agad sya.


Kung may badboy ang school, hindi din mawawalan ng No. 1 nerd, si Margaux Castillo. Kabatch namin sya pero Advance Corporate Administration ang kinukuha nya. Still, same department lang kami kaya may mga klase ako na kasama sya. For some unknown reason, nagstop sya sa pag-aaral last year at ngayon lang sya bumalik. Margaux is definitely smart. Kailangan nya yon since sya ang tagapagmana ng hotel and resort chain business ng pamilya nya. Pero kung gaano sya katalino, ganoon naman sya kawalang alam kung paano dalhin ang sarili nya. For an heiress of a multi-million company, she definitely don't act like one. She's meek and awkward. Lahat ng katangian nya simply calls for bullying. 


In this kind of school where privileged students loiter around, competition is high and social status is essential. You gotta have a backbone or else, tatapakan ka ng mga spoiled, trust fund babies in here. Hindi sya bagay dito where everyone exudes beauty and class. And that is why Margaux is being eaten alive now. But I don't know. Iba na situation namin eh. Still, I need to keep my distance kung gusto kong i-save ang image ko.


"Hoy, Margaux! Kamusta bakasyon?" ayan nanaman si Ross, magsisimula na.


"Huh? O-okay lang."


"Wehh. Had fun dating your books?"


"H-huh?"


"Tagal mo nawala ah. San ka napadpad? At bakit ka pa bumalik?" Ngising tanong ni Ross. Tsk tsk. Loko talaga 'tong taong 'to.


"A-ah... nagkasakit ako nun eh."


"Look at you. Ganda mo ngayon ah. Hahaha."


"What? T-talaga?" Nahihiyang tanong ni Margaux na medyo naiilang na makipag usap.


"Mukha ba akong seryoso? Of course not! Wake up, woman." Natatawang sabi ni Ross. With that, umalis si Margaux. Tsk, si Ross talaga.


"Nakakayamot talaga itsura nung nerd na yun." Sabi niya sa'min habang naglalakad papuntang stairs. Sa hindi ko malamang dahilan, naasar ako sa sinabi ni Ross and I was about to tell him off nung magsalita si Jason.


"Pare, wala namang masamang ginawa yung tao sa'yo. Plus, she just came back after a year. Why don't you give her a break?"


"Bakit naman? Nakakatawa nga yung mga reactions niya eh. Hahaha."


"Kahit na. Kawawa naman."


"Tsk. Ang lambot mo pare."


"Gaya ng sabi ni Jason, lubayan mo na." diin ko kay Ross, nakakapika eh.


"Woah. Chill lang mga bro. Tsk. Labo niyo." tinaas ni Ross yung dalawang kamay as a sign na tama na. Hindi na kami nag-usap non at tuloy tuloy lang umakyat papunta sa kaniya-kaniyang classroom. Pareho kami ni Jason ng course habang si Ross ay International Business Management ang kinukuha.


"Mamaya na lang. Punta na akong room." with a fist-pound, naghiwahiwalay na kami.


☀️


Bumaba na ako sa kotse ko. Locking my car, chineck ko yung time. 12:47 am. Shoot! Patay ako sa kanya nito. With my car locked, naglakad na ako sa bahay ko – namin. Sarado lahat ng ilaw. Unbuttoning my shirt, dumiretcho ako sa kwarto ko – namin. There, I saw her. Tulog na sya at wala akong balak gisingin sya. She had a rough day for sure.


Changing as quickly and as quietly as I can, lumabas muna ako ng room at pumasok sa katapat na kwarto namin. A nursery room. Sa left ay may mga toys, cabinet and a mini table set na nakalapag sa isang purple teddy-shaped mat at sa right naman ay isang crib. Lumapit ako sa crib and there I saw my angel. Isang salita lang ang tumatakbo sa isip ko. Beautiful. Smiling, nagbend ako at hinalikan sya sa noo.


Sinisimot ko yung ilang toys na nasa sahig nang bumukas yung pinto ng room.


"Seth?" Nakita ko syang nakatayo sa may pinto, still holding the doorknob while rubbing her tired and sleepy eyes.


"Hey. Sorry, ngayon lang ako. Nagpafirst-day party si Ross eh, hindi ko na namalayan yung oras." I explained habang inaayos na yung mga pinulot kong laruan sa isang toy box sa gilid.


"Mmm... It's alright. Have you eaten? May left-over sa ref, painitin mo na lang kung gusto mo."


"Sure. Go to sleep. Tatapusin ko lang 'to."


"Okay." Lumapit din sya sa crib and at hinalikan sa noo yung baby na natutulog. "Sleep well, my baby." Tumingin sya sa'kin habang naglalakad na palabas, "Goodnight, Seth." I nodded.


Lumabas na sya pero bago sumarado ang pinto I called out to her, "Goodnight... Margaux."


✂︎

Hi. 🌻

Kindly leave some comments and suggestion 💖

DADDY?! REALLY?!Where stories live. Discover now