Chapter 9

579 15 4
                                    

Edited!!! Inayos ko ung story at chapters.

---------

Laurice's POV

Natapos ang party na mind-blowing para saken at para sa mga bisita. Nandito pa din kami sa table namin pero nakatayo. Madami kasi ang nakikipagkamayan sa mga tao dito. Lalo na kay Tito Drew. May mga bumabati naman sken at nakikipagkamay at iisa lang ang sinasabi.....

goodevening Mrs. Derreck Beau

seryoso!??? O.O

Bigla kong nahila ang coat ni Drei nang makita ko si Beau na may mga kausap na mukhang nasa mid50s. Kyaaaa! Tinignan naman ako ni andrei at nagtatanong ang mga mata niya. Nagsalita na ako agad.

"Drei, iuwi mo na ako. please?"

"Di pwde Pen eh. Sorry!"

"At bakit hindi pwde?!"

"Si kuya kaya talaga ang date mo! Hindi ako. Siya ang maghahatid sayo sa bahay niyo. Nasabi ko na yun kay Tita nung kausap ko siya kanina."

"Planado?!"

"oo. Sorry na. Di ko naman matiis si kuya eh." Aaaaaaagggh! Alam talaga nila lahat! How come!???

"Haaaay! oo na! bwisit!" Wala na akong ibang ginawa kundi ang sumimangot dito.

Nakasimangot lang ako pero pag tuwing may bisitang lumalapit sa amin eh todo ang ngiti ko.

Napatingin ulit tuloy ako sa pwesto ni Beau na may tatlong mukhang hipon ang nakapaligid sa kaniya ngayon. Mukhang ang saya saya pa niya ah. Parang kanina lang, hinalikan niya ako at sinabihang kaniya tas nakikipaglandian pa siya!? Pero teka, bakit ba ako nagagalit? Argh! Nababaliw na ako dahil jan sa lalaking yan! Eh? Di ako baliw sa kaniya ah! Nababaliw ako dahil sa kagaguhang ginawa niya! 

Tumingin na lang uli ako kila tita. Kinausap nila ako tungkol kay Beau. Kung pano kami nagkakilala pero mukha namang alam na nila eh tas tatanungin pa ako? Arrgh! Pero. Ano naman ang sasabihin ko? Alangan namang sabihin kong naka-onenightstandkohoanganakniyo. Ang pangit pakinggan di ba? Sinabi ko na lang na sa isang fashion show.

Umalis saglit si Drei para kumuha ng tubig ko. Nauuhaw na kasi ako.

May nag-abot ng cup of water sken at ininom ko yun ng hindi tinitignan kasi alam ko namang si Andrei yun.

"You look hot when you drink that."

Bigla kong nabuga ang tubig pagkakasabi niya niyon. Buti na lang walang tao sa harap ko kung hindi, nakakahiya! Bwisit! Si Derreck pala to! Akala ko si Drei na!

Binigay niya sa akin ang panyo niya. Tinanggap ko naman.

Love and War (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon