Chapter 8

570 5 1
                                    

Edited version

<3

----------

Laurice's POV

Magstart na ang party. May nagsasalitang lalaki sa harap-which is the MC.

"GoodEvening ladies and gentlemen. We will start our program. Sir Andrew, please give us your welcoming speech."

Pumunta na sa harap si Tito at nagsalita na. Di ko na inintindi kasi busy ako kakakain.

"........ Please give a round of applause for my eldest son......"

Yun lang narinig ko at tumingin na sa stage.

"............ Derreck Beau ............."

At pumunta na sa harap yung lalaki.

Parang slow motion kung lumakad sa paningin ko. Di ko pa nakikita yung mukha niya since paakyat pa lang siya ng stage. Dahan dahan siyang humarap sa audience, dito samin.

-.-

-.O

O.-

O.O

-.-

O.O

Ganyan lang mga mata ko.

Naestatwa pa buong katawan ko.

Si ano.

Si

Si

Si

Si

Si

Si

Si naka ONE NIGHT STAND ko at muntik makabangga sakin, iisa!

Hooooo hooooo hooooo

Give me air..

I can't breathe!

Omygosh!

Grabe! Joke ba 'to? Di na kasi nakakatuwa... Yung taong iniiwasan mo, makikita mo. Is it destiny? Fate? Sheeeeet! I'm doomed! >…< Suuuuper doomed!

Sobrang liit ba ng mundo at hanggang dito magkikita kami?! And take note, step brother pala siya ni Drei and mas kinagulat ko, kapatid siya ni Daniel! Kaya pala parang may namumukhaan ako sa feature ng mukha niya. Yun pala, si ano yun. Teka. Di ko alam pangalan niya. Ano nga ulit? Pero, di naman siya nagpakilala diba? Ata? Ewan ko. Aaaaahh!

Nakatingin lang ako sa kaniya.

Di ko ipagkakaila na gwapo nga siya. Di lang gwapo, super gwapo niya! Parang diyos sa kagwapuhan.

Napatingin ako sa paligid, yeah right! Tulo-laway na mga babae dito.

Binalik ko sa harap tingin ko. Gwapo talaga. Lalo na sa suot niya ngayong 3 piece suit. Ahhh! Nakakaloka.

Natauhan lang ako ng magsalita siya…

"Good Evening.. Thank you for coming for this welcome back party for me. It's been 10 years since I came back to the Philippines. I definitely missed this country especially the pollution. HAHA!" Ang sexy at hot niya tumawa. Amp! Natawa na din ang mga tao.

Nadako ang tingin niya sa table namin na parang may hinahanap, at nagtama ang mga mata naming dalawa.

Ngumiti siya ng malapad, abot hanggang mata. Parang nakita ko ang longingness, passion and love sa mga mata niya? Duuh! Lust kamo! Argh! >.<

"And also, thank you for all the people behind this party, especially my family. Mom and Dad, Daniel, Drei and Dale. Thank you for this. And to the most special girl...."

Napahinto siya sa pagsasalita kasi naghiyawan ang mga tao. Napangiti siya. Maraming nagside comment sa salitang special girl. Maswerte raw at kung maganda ba raw, ganun ganiyan. Seriously? Itsura na ba ang batayan sa pagiging special someone niya?

"...Laurice.."

Natigil ang ingay nang napatingin siya sa akin. Super nanlaki mga mata ko. Napatingin sakin lahat ng tao, may mga nagpicture sakin pati buong family niya nakatingin sakin. Nalibot ko tingin ko sa kanila, nakangiti silang lahat sa akin. Alam nilang mangyayari to? Di ko sinasadyang mapatingin kay Daniel, Nakangiti siya pero malungkot ung mata niya, bakit? Napatingin lang ako kay Beau ng magsalita ulit siya.

"...I did everything to see you again, and it happened..."

Bumaba siya sa stage at naglakad ng naglakad. Oh shit! Papunta dito! Ano kaya gagawin niya. waaaah! Nag-iinit na mga pisngi ko. Naghiyawan na mga tao, lalo na mga kasama ko sa table. Nang makalapit siya sa table namin, huminto siya sa tapat ko. Ngumiti siya ng malapad.

"...Babe, you can't runaway from me again this time."

He kissed me in my lips and grinned! Nanlalaki mga mata ko at napatulala sa nangyari. Di magsink in sakin ang sinabi niya. Maraming nagpicture at video sa ginawa at sinabi niya.

Oh shit! Oh shit! Nangyari talaga yun!

Pero ang sarap talaga sa pakiramdam ng mga labi niya against saken. Parang kami lang ang mga tao dito. Parang tama ang lahat ng nangyayaring to. Di ko namalayang tinutugon ko na ang mga halik niya. Hindi ko na pinansin ang mga media na kumukuha ngayon ng so called scandal namin ngayon. Hindi ko na rin pinansin ang mga taong naghihiyawan dahil sa mga nasaksihan nila. Basta ang alam ko lang, sobrang sarap at saya ng nararamdaman ko ngayon habang magkalapat ang mga labi namin.

Medyo napakunot noo ako dahil sa pagkakahiwalay ng labi namin. Si Beau ang nagkusang ilayo ang labi niya saken. Napatingin ako sa kaniya na nanlalalaking mata. Napagtanto kong MALAKING SCANDAL ANG NANGYARI! Bigla akong napatungo at humarap na lang kay Andrei. Alam kong namumula ang mga pisngi ko ngayon. Kaso sobrang nakakahiya talaga!

Ngiting aso lang ang binigay niya saken. Walang hiyang to! Tinignan ko siya na para bang sinasabi ko sa kaniya na walanghiyaka! tulunganmko!

Pero alam niyo bang ginawa niya?

Tatlong beses na iling ang binigay niya with his mischievous smile! argh!

Bigla akong hinarap ulit ni Beau sa kaniya. Lalo pang namula ang mukha ko with matching laking mata. Lumapit pa siya sakin pero nilayo ko pa ulo ko. Ayoko na mahalikan niya pa ako noh! (isang isip: weh? di nga? gustong gusto mo nga e! landeeeeeeey!)

Ahhhh! Pero seriously, lumapit siya sakin at naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa tenga ko. Bigla niya akong hinalikan sa pisngi pagkatapos niyang ibulong sakin ang mga salitang naging dahilan ng pagtayo ng mga balahibo ko....

"see you later babe. wala ka ng takas saken. akin ka na. akin. tandaan mo yan."

At bigla na siyang umalis at naglakad papuntang stage habang ako ay nakatulala pa din sa kawalan. Hindi ulit mag sink in sa utak ko ang mga nangyari. Nabalik lamang ako sa realidad ng tapikin ako sa balikat ni Andrei. Napatingin ako sa kaniya at umayos ng upo.

Tinignan ako ng mga tao sa table namin na para bang ikaw ah. Waaaaaaaah! -//////////- Tinakpan ko ang buong mukha ko dahil sa pamumula nito.

Nagtawanan ang mga tao na nasa table after nila makita reaksyon ko. Sabay sabay silang nagsalita maliban kay Daniel pero nakangiti siyang di umaabot sa mata..



"Welcome to our family, Laurice."

Love and War (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon