Chapter 3

111K 2.9K 130
                                    

"Leia, kailan mo babayaran ang utang mo sa'king renta?! Nako ilang buwan na ang nagdaan wala pa rin ang pangako mong isasauli mo sakin ang singko mil ko!"

Napapikit ng mariin si Heleia nang sigawan siya ng may-ari ng kanyang inuupahang bahay. Napa-tingin siya sa orasan at bumuntong-hininga nang makitang maga-alas siyete pa lang ng umaga.

"Mamaya pa po ako s-swelduhan ng amo ko. Pwede po bang hintayin niyo muna ang pera hanggang mamaya?"

"Naku! Hindi ko na mabilang kung ilang beses mo na sinabi sa akin yang palusot mo na yan Leia! Nab-bwisit na ako! Kung ganito lang naman na hindi ka magbabayad ng upa ay lumayas ka na lang!"

Kinagat niya ang kanyang ibabang labi at tumungo. Totoo, ilang beses niya na iyong sinabi sa landlady niya pero hindi niya naman sinasadya e.

Madami kasi siyang babayaran sa ospital, nakakahiya namang mang-hiram ng pera kay Flare dahil ilang beses na rin siyang nanghiram rito at hindi niya pa rin nababayaran ang iba niyang utang.

"Promise po ma'am, m-mamaya ay babayaran ko na ang utang kong renta. Isang araw na lang po. Marami po kasi akong binayaran sa hospital e." Pagmamakaawa niya sa matanda. Narinig niya naman ang pagbuntong-hininga nito.

"Leia! Kung hindi lang talaga dahil sa may sakit ang anak mo ay matagal na kitang pinalayas rito! Hala sige! Bibigyan pa kita ng isang linggo, kapag hindi mo pa rin mababayaran ang renta ay mapipilitan talaga akong palayasin ka!"

Mabilis na nag-liwanag ang kanyang mukha nang marinig ang sinabi ng matanda. Alam niyang may pagka-masungit ito ngunit alam niya rin na mabait ito. Sadyang masungit lang dahil sa tumanda itong dalaga.

Napangiti siya at mabilis na tumango-tango.

"Salamat po talaga ng marami ma'am! Promise hahanap po ako ng paraan para mabayaran ang renta!"

Hindi siya nito sinagot. Tinaasan lang siya nito ng kilay, umirap at tsaka mabilis na tumalikod. She smiled.

"Salamat po talaga!"

Sigaw niya pa ulit. Hindi pa rin ito sumasagot kaya't napag-desisyunan niya na lang na pumasok ulit sa kanyang kwarto sakto namang tumunog ang kanyang cellphone.

Binigay lang iyon sa kanya ni Flare two years ago kaya't iniingat-ingatan niya talaga ito.

Napangiti siya nang makitang si Flare ang tumatawag. Mabilis niya iyong sumagot.

"Hello?"

"Leia!"

Kumunot ang kanyang noo nang marinig ang boses ni Flare. Parang natataranta ito na ewan.

"Ano'ng nangyayari sa'yo?"

"Leia, ang baby mo! She's in critical condition right now! Please pumunta ka na sa ospital!"

Nanlaki ang mga mata ni Heleia. Parang biglang tumigil sa pag-ikot ang kanyang mundo nang marinig ang sinabi ni Flare.

Her eyes clouded with tears. Kahit nanghihina ang kanyang tuhod ay mabilis niyang kinuha ang mga kakailanganing mga gamit para sa ospital at tsaka mabilis na lumabas ng bahay. Sumakay siya ng tricycle patungo sa ospital.

Mabuti na lang at hindi kalayuan sa kanilang bahay ang ospital kaya't ten minutes lang ay nakarating agad siya.

Mabilis siyang tumakbo sa kwarto kung saan ang kanyang anak at napaluha nang makita ang napa-karaming tubo na naka-kabit sa katawan nito. Natutop niya ang kanyang bibig at humagulgol.

"Leia..."

"A-Ano'ng nangyari?"

Napa-iwas ng tingin si Flare sa kanya at tsaka bumuntong-hininga.

Sexy Beast: Kalev De La ValliereWhere stories live. Discover now