//1

37 2 1
                                    

“Z, come on. Kumain ka naman kahit konti. Baka ka magkasakit sa ginagawa mo eh. Don’t torture yourself. Alam kong nasasaktan ka sa ngayon, pero wag mo naman pabayaan yang sarili mo.” Nag aalalang sabi ni Joselle sa kanya.

Ilang araw na rin itong halos di natutulog at kumakain. Kung hindi pa siya paiinumin ni Joselle ng pampatulog ay mananatili sigurong tulala ang babae.

Bigla namang humarap ang babae rito. Walang kaemo-emosyon ang mukha, “Why do you even care?” malamig na tanong niya.

“Malamang! Kaibigan kita Zoey! Ano ka ba?!” Sarkastikong natawa si Zoey sa narinig nya.”Kaibigan? Psh. Simula nang araw na yon, wala na akong kaibigan. Lahat tinalikuran na ako. Ano pa bang ginagawa mo dito? Gusto mo bang iwan ka rin nina Denise? Iwan mo nako rito. Tutal lahat naman sila iniwan na ako.” Ani Zoey at muling tumingin sa kawalan.

“Pero—“ magsasalita pa sana si Joselle nang sigawan siya ng kasama, “UMALIS KA NA! HINDI KO KAILANGAN NG AWA MO. ALAM KONG TINITIIS MO LANG AKO. IWAN MO NA AKONG MAG ISA. DIYAN NAMAN KAYO MAGALING EH DIBA? ANG MANG IWAN.” Nagulat ang babae sa mga sinabi nito sa kanya. Hindi niya na napigilan ang pagtulo ng luha, kaya’t dali-dali nitong kinuha ang bag at lumabas ng kwarto ni Zoey.

Sa pagbagsak ng pinto ay saktong pagpatak rin ng luha ni Zoey. Si Joselle nalang ang huling nagtitiyaga sa kanya. Sinubukan nya kung totoo ba ang intensyon nito, pero dahil sa pag alis niya, doon niya nalaman. Wala na talaga syang mapagkakatiwalaan ngayon.

Nahiga na lamang sya at tumingin muli sa kawalan habang tumutulo pa rin ang luha. Maya-maya’y tumunog ang kanyang cellphone. Alarm. Pinapaalala na bukas na ang third year anniversary nila ni Jacob. Para bang on cue na napahagulgol siya nang maalala ang kaisa-isang lalaking minahal niya at minahal din sya ng lubos. Lalo pa nang nakita niya ang wallpaper niya; picture nilang dalawa, masaya, tila walang problema.

“Jacob, miss na miss na kita. Hirap na hirap na ako dito. Gusto mo ba sumunod na ako diyan? Ayoko na dito..” Sabi nito na parang kinakausap ang lalaking nasa wallpaper nya. Tumigil na siya sa paghagulgol at tahimik na lamang siyang umiiyak doon nang biglang may bumukas ng pintuan ng kwarto nya.

“Hoy Zo—umiiyak ka nanaman?!” Napatingin siya sa nagsalita, si Zorell. Kuya niya. “Hindi ka na ba titigil diyan? At wala ka bang balak pumasok ha babae ka? Wala ka nang ibang ginagawa kundi magmukmok diyan, wala ka talagang kwe—“ punung puno at sawang sawa na sya sa mga paulit ulit na litanya sa kanya ni Zorell. Hindi na niya tinapos ang pakikinig sa sermon ng kuya niya kaya’t dumiretso na sya sa CR at ibinagsak ang pinto nito.

“Aba at tinatalikuran mo na ako ngayon!!! Wala ka talagang modo! Wala kang kwe—“ Hindi na niya napigilang hindi sumagot, “OO NA OO NA WALA NA AKONG KWENTA! ALAM NA ALAM KO NA YON! HINDI MO NA KAILANGANG IPAGDIINAN PA SAKIN, KUYA.” At saka niya binuksan ang shower at tahimik nanamang umiyak doon.

***

 “MISS ZOEY SHAINA ALVAREZ! ARE YOU LISTENING?” Sigaw ng prof nito. Mukha nanaman kasi siyang tulala sa klase. “Aba Miss Alvarez, ngayon ka na nga lang ulit pumasok, tutulala ka pa diyan?!”

Tinignan niya lang ang prof na para bang wala itong pakialam. Napa-ismid naman ang professor at biglang sinabing, “Fine. Miss Alvarez, please stand up.” Tumayo naman si Zoey, wala pa ring kagana gana.  “Please explain the Self Perception Theory.” Tinignan niya ang guro at natawa ng bahagya ng sarkastiko.

“Ma’am, the Self-perception Theory explains that individuals do not always have access to their opinions about different objects. Bem argued that that this is especially likely when the person’s attitude is particularly weak or ambiguous. This theory assumes that when inner states are ambiguous, people infer these states by observing their own behavior.”

Pagkatapos nitong sumagot, umupo ito agad at tumingin ng diretso sa pisara. ”V-very good, Miss Alvarez.” Napalunok nalang ang prof nito at nagtuloy na sa pagdidiscuss.

***

*Text message received*

From: Dan

Zoey, can we talk later? 2pm. Sa may field.

Si Dan. Bestfriend ni Jacob. Bigla siyang nakaramdam ng takot dahil sa nataggap niyang text. Ayoko na. Sisisihin nanaman nila ako. Hindi ko na yata kakayanin kapag narinig ko nanaman silang akusahan ako. Sabi ni Zoey sa sarili.

Pero nang mag 2pm na, wala rin siyang nagawa kundi ang magpunta sa may field. Natanaw niya naman si Dan, kasama sina Kobi, Hutch at Ashley. Si Ashley ang kakambal ni Jacob. At ang unang taong nanisi sa kanya sa pagkamatay ng kapatid nito.

Lumapit siya sa kanila, “A-anong kailangan niyo..?” sabi nito habang nakayuko. “Zoey…” Hindi inasahan ni Zoey na si Ashley ang unang magsasalita. “Na…Nahuli na yung snatcher na pumatay kay.. kay Jacob.” As if in an instant ay napaangat ang ulo nito at tumingin kay Ashley. “Ta-talaga? Nasan siya? Naikulong na ba? Ashley, gusto ko siyang makita…” Nagsimula na itong umiyak habang kausapa pa rin sila, “Ash please, gusto ko siya makita, gusto ko siyang saktan, gusto kong iganti si Jacob, gusto ko siyang mabulok sa kulungan, gusto ko siyang magdusa. Gusto kong—“ Nagulat nalang siya ng bigla siyang yakapin ni Dan.

“Shhh. Tahan na Z, nakulong na siya. Sinampahan na rin siya ng kaso.” Sabi nito habang inaalo si Zoey at pinapatahan.

“Kaya kami nandito para itanong kung pwede ka bang tumestigo sa hearing.” Sabi ni Ashley.

“Oo! Gustong gusto kong tumestigo nang mabulok na ang hayop na pumatay kay Jacob! Hayop siya…. Hayop….” Napaupo na si Zoey habang umiiyak. Sobrang humahagulgol na siya. Hindi na rin napigilan ni Ashley na maiyak at inalo na rin si Zoey habang pinapatayo. “Zo, salamat. Sana makulong na ng tuluyan yung pumatay kay Jacob… Ikaw nalang pag asa namin para mangyari yun, Z..”

“Wa-walang anuman Ash. Salamat din… Iisa lang naman tayo ng gusto, ang maikulong ang hayop na yun. Pero… pinapatawad niyo na ba ako?..” Umaasang tanong ni Zoey.

Napatungo naman siya nang makita niyang nilihis ni Ashley ang tingin niya at sina Dan naman ay napatungo lang. “A-ahh. Sige. Naiintindihan ko naman kayo….. Pero wag kayong mag alala, tutulong talaga ako para maikulong siya. S-sige. Mauna na ako sa inyo…” Tumalikod siya sa kanila at umiyak muli.

***

“Z-zoey…” Natigilan siya nang may bumanggit ng pangalan niya. Kilala niya ang boses na yon. Kilalang kilala niya. Hindi niya ito nilingon pero nagsalita pa rin ang tumawag sa kanya, “K-Kamusta ka na?”

“Sa tingin mo, okay lang ba ako?” napatungo naman ang kausap nito nang marinig ang sagot sa kanya ni Zoey. “Rain, tinuring kitang higit pa sa best friend. Kapatid, R. Tapos hindi ko akalain na sa isang iglap iiwan mo ako dahil nagpapaapekto ka sa mga sinasabi nila tungkol sakin. And now, you’re gonna ask me kung kamusta ako? Wow Rain. Wow.” Pagkatapos noon, umalis na siya, iniwan ang dating bestfriend na mag isa.

Ano, wala na bang katapusan tong pag iyak ko? Kelan ba titigil ‘tong mga luhang to sa pagbagsak? Nakakainis na. Sabi nalang nito sa sarili. Pagod na pagod na ako…

Natigilan siya nang may marinig siyang boses.

“Miss. Panyo?”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 07, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She had enough.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon