chapter 58

4.6K 87 19
                                    

" yaya anong oras po dumating si Sarah...? tanong niya ng makarating sa bahay..late  na siya ng kalahating oras..

Yaya Lisa:" naku hijo dalawang beses na yun bumaba at itinatanong kung dumating ka na ba.."

Gerald:" galit po ba siya sa akin?"

" medyo kaya puntahan mo na dun sa kwarto niyo..."

Hindi nakakibo si Gerald, hindi niya mawari kung bakit takot siya tuwing nagagalit ang asawa.

Minabuti niya puntahan na rin eto...Nasa harap na siya ng pintuan ng room nila ng mapahinto siya

" ako ang dapat nasusunod sa bahay na ito, kahit mahal na mahal ko pa siya dapat ako ang nasusunod, kaya ako ang dapat galit ngayon at hindi siya" sabi niya habang kaharap ang pintuan

Samantala si sarah naman ay alam na ang pagdating ng asawa hinihintay niya lang itong pumasok sa kwarto nila ng makarinig siya ng nagsasalita sa tapat ng pintuan nila, kaya imbes na buksan niya eto ay minabuti niyang itapat ang tenga sa pinto para marinig kung sino man ang nagsasalita..
Nanlaki ang mata niya ng marinig ang sinasabi ni Gerald..

" ah ganun!!?...." sabi niya ng mabuksan ang pinto, nakaawang ang mga labing napatitig siya kay Sarah

" babe?..." ang tanging nasabi niya dito

Sarah: " what did you say? make it clear attorney kasi parang may mali sa narinig ko...! " inis niyang sabi dito

Gerald: " ah...wa--- la akong sina--sabi....' nauutal niyang sagot dito

" really? kasi before i open this door parang may narinig akong nagsasabing siya daw ang masusunod sa bahay na ito....sino kaya yun mister????"

" babe naman nagbibiro lang po ako..'  at niyakap na ang asawa papasok sa kwarto nila..

Sarah;" so sinong mas nasusunod sa atin sa bahay na'to?" taas kilay niyang tanong sa asawa

" babe tinatanong pa ba yan? syempre si misis Anderson.." bawi niya sa asawa

Sarah:" sinong misis anderson? mommy mo?"

" ahahaha babe nagpapatawa ka, syempre si Doctor Sarah Asher Geronimo Anderson..." natatawa niyang sabi habang yakap yakap parin si Sarah

" tatawa tawa ka pa jan, maligo ka na nga....at hihintayin kita sa baba para makapagdinner na tayo at gutom na ako..." tugon niya at humiwalay sa yakap ng asawa.

Gerald: " ako rin babe gutom na.....sa ibang putahi.."

" magtigil ka...hindi ako pwede ngayon, saka may atraso ka pa sakin.."

" babe naman biro lang yun kanina"

Sarah:" eh yun galit mo ng malaman mong magkasama kami ni ray na mag lunch? biro lang din yun..."

Gerald:" ah yun ang hindi! bakit naman kasi palagi ko na lang nalalaman na magkasama kayo? kayo lang ba ang doctor sa ospital na yan..' inis na sabi nito ng maalala iyon

" opo gov, kami lang naman ang tanging doctor sa ospital NATIN! kung maka yun ka parang hindi mo ospital ah..."

Gerald:" okay first thing in the morning yan ang aasikasuhin ko, we need to find more doctors para hindi lang kayo ang parating nag uusap o magkasama...!"

Amazed By YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon