chapter 39

8K 104 47
                                    

" ang bango naman ng baby girl ko..." habang inaamoy ang dalaga

" uu naman, kaso ikaw ang asim ng amoy mo.." biro niya dito....kasalukuyan na siyang nakahiga sa braso ng binata

Gerald: " babe naman., nagpunas ako ng maigi..."

Sarah: " binibiro lang kita...ang bango mo na nga eh..." sabi nito at inamoy ang leeg ng binata...napabuntong hininga naman ng mariin si Gerald dahil sa ginawa ng nobya..

" asus ayan ka na naman....tama nah, awat na baby boy kailangan na nating magpahinga..."

Nakangiting niyakap na lang niya ng mahigpit ang nobya...

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

" oh son how are  you? okay ka na ba? " tanong ng ama ng makauwi na siya kinabukasan.

Gerald: " yes dad, alam niyo naman ang best medicine ko diba? " 

Anderson Sr: " yes i know! "

" si mommy po? "

" naku ayun busy sa pagpaplano ng pamamanhikan natin..."

" sir tawag po kayong dalawa ni maam." ang kasambahay nila

Agad nilang pinuntahan si mommy vangie...

" no way! mommy naman, pwede naman tayong kumuha ng gagawa niyan eh..." si Gerald ng malaman ang gustong mangyari ng ina

Anderson Sr: " gerald is right, kahit ilan pa ang gusto nating gagawa niyan pwede,,or else order na lang tayo mommy para hindi na tayo mapagod..

Mommy vangie: " alam niyo ang kikitid ng utak ninyo., mag-ama nga kayo....kailangan may effort ang gagawin natin, hindi yung basta pamamanhikan lang ang gagawin natin..."

Gerald: " but mom! alam niyo naman kung gaano ka hirap yan, at saka hindi kami marunong ni daddy..."

Mommy vangie: " no buts! nagawan ko na ng paraan yan, pupunta kayo kina mang efren para maturuan kayo kung paano gawin ang masarap na lechon.."

Anderson Sr: " mommy paano kung palpak ang gagawin namin eh di nakakahiya yun sa pamilya ni Sarah..."

" tatlong araw ang training ninyo kina mang efren,at magsisimula na kayo bukas.." mommy vangie insisted

Gerald: " ilang lechon ba ang kailangan natin para sa pamamanhikan? "

Mommy vangie: " apat."

" what!? at kami lahat ang gagawa niyan? "

" aalalayan kayo ni mang efren....pwede ba itigil niyo na yang kakareklamo niyo, at ikaw Geraldo mahiya ka nga, ng magpropose ka sa girlfriend mo para ka lang nagtanong kung ano ang favorite color niya...hindi ko alam kung paanong pang bablakmail ang ginawa mo at napapayag mo si Sarah ng magpakasal sayo..." sermon ng ina...bigla naman natahimik si Gerald dahil sa sinabi nito.

 " oh hindi ka na nakapagsalita? kasi tama ako? dinadaan mo kasi sa mabilisan, naku Geraldo hayaan mo naman na maexperience ni Sarah na mag effort ka sa mga bagay na ginagawa mo para sa kanya, lalo na tungkol sa nalalapit niyong pagpapakasal...

Anderson Sr: " i agree with that! "

Mommy vangie: " tse!!agree ka diyan eh panay rin reklamo mo sa plano ko..." irap nito sa asawa..

Amazed By YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon