Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

13) Bida ang Saya

191K 4.5K 415
                                    

May mga kontrabida man, aangat at aangat pa rin ang bida sa sarili niyang istorya.


"Hi, tita!"

Nagulat si Janica nang mapagbuksan ng pinto sina Desiry at Ayder. Umakyat lang kasi siya para kunin ang reviewers niya dahil balak niyang sa gazebo sa may lawn area sana tatambay para pasadahan ang mga notes niya sa review center. Kapag sabado kasi ay wala siyang review at wala ring pasok sa opisina.

"Hi!"

Napatitig siya kay Leandrei na bigla na lang sumulpot. Ang fresh ng itsura nito. Naka-plain semi-fit blue shirt lang kasi ito, denim pants at sneakers.

"Sorry to disturb you." Ngumiti ito ng alanganin. Napatango naman siya.

"Naniningil kasi itong si Desiry. May utang daw ako," nakangiti nitong hayag. Napakunot-noo siya. 

Anong kinalaman niya sa sinasabi nito?

"If you remember, you were there when I promised Desiry to take her and Ayder to the fastfood restaurant you were at. Magpapasama sana kami sa 'yo," dire-diretso nitong hayag. Saglit siyang natahimik.

"Bakit sa akin kayo magpapasama?" tanong niya kalaunan.

"I just figured, mas sanay ka doon kaya magpapasama sana kami sa 'yo. If it's okay with you?"

Napaisip siya sa sinabi nito. Sa kanya talaga magpapasama?

"Daddy Leandrei, you're saying the wrong thing," reaksyon ni Desiry. Napatingin siya sa bata na inosenteng nakatingala sa tiyuhin nito.

"You said we're not going kung hindi kasama si Ti---"

Hindi na naituloy ng bata ang sasabihin dahil tinakpan nito ang bibig ng bata.

"Don't mind her. She's imagining things lately," natatawang baling ni Leandrei sa kanya. Pati si Ayder ay tumatawa rin.

"If you don't like, it's okay. No pressure..." nakangiti nitong saad. Binitawan din nito ang bata.

"Tita?" sambit ni Desiry. Parang nakikiusap pa ang ekspresyon ng mukha nito.

"Sige, magbibihis lang ako," tugon niya. Nag-high five pa ang dalawang bata. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagngiti ni Leandrei pero ayaw niyang bigyan iyon ng iba pang kahulugan.


*****

"Bakit hindi 'yong Saturday at Sunday na schedule ng review ang kinuha mo?" tanong ng binata nang nagda-drive na ito. Nasa passenger's side siya samantalang ang dalawang bata ay nasa backseat. Tumingin ito sa kanya at hinintay ang sagot niya. Medyo mabagal kasi ang usad nila dahil may kaunting traffic jam.

"Ang totoo niyan ayoko ng whole day review kasi mas lalong nagugulo ang utak ko. Sakit sa ulo masyado," tugon niya rito. Na-appreciate niya na nagbukas ito ng usapan. Kanina pa kasi siya naaasiwa sa puwesto niya.

"Ayoko nga rin sanang mag-enrol sa review center kaya lang ayokong magsisi sa bandang huli," dagdag niya. Napatango naman ag binata.

"Hindi ba may on-line review naman?" tanong nito.

"Oo pero mas gusto ko kasi 'yong may nakikita akong tao na nagsasalita, mas natatandaan ko kaysa magbasa ng makapal na modules at reviewers," paliwanag niya. Ngumiti naman ang binata.

"Hindi ba kadalasan sa mga matatalino, magaling magbasa ng makakapal na libro? 'Di ba sa law ang kakapal ng mga libro ninyo?" nakangisi nitong tanong.

The Empire Series 2: Von Leandrei PlayfulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon