Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte

7) Etniko

184K 4.6K 230
                                    

Huwag manghamak ng ibang tao, hindi mo lang alam mas magaling pa pala siya kaysa sa 'yo.



"Just leave it there," saad ni Leandrei nang akmang lilinisin ni Janica ang pinagkainan nila. Napatingin naman siya sa binata pero pinagpatuloy niya pa rin ang pagliligpit.

"Okay lang. Saglit lang naman 'to," tugon niya. Inilagay lang naman kasi niya ang mga ito sa paper bag at may basurahan naman malapit sa table kaysa pabayaan niya roon.

"Gustong-gusto mo ba talaga 'yang ganyang trabaho?" tanong nito nang may nakakalokong tingin.

"Konti lang naman saka pinagkainan ko rin naman," depensa niya.

"Kahit na. May ibang tao naman na binabayaran para gawin 'yan." Kumunot ang noo ng binata.

"Hindi naman dahil may binabayaran para gumawa ng mga bagay-bagay ibig sabihin bawal na ring gawin," komento niya.

"Eh di inagawan mo na sila ng trabaho kung gano'n?" naiiling nitong saad. Naglakad na ito papunta sa table nito.

"Hindi rin," tugon niya rito. Ewan niya kung bakit kapag ang binata ang nagsalita pakiramdam niya ay pinapahiya siya nito. Parang wala itong katiwa-tiwala sa mga sinasabi niya.

Umupo ito sa swivel chair at tumingin sa kanya.

"Kung 'yong maliit na bagay katulad ng pagliligpit ng pinagkainan mo ang ikagagaan ng trabaho ng ibang tao, ipagkakait mo ba?" saad niya rito para makabawi sa pagkapahiya.

Napailing ang binata habang napapangiti.

"Depende kung busy talaga ako," tugon nito.

Hindi na lamang siya nag-react. Sabagay ganyan talaga ang mga lumaki sa karangyaan. Pati yata tubig na iinumin ay ipaaabot pa sa mga maids.

"'Yon pa lang kinain mo, bayad na 'yon sa 100 pesos na hiniram ni Desiry noong sinundo ka namin," natatawa nitong saad.

Bahagya siyang natuliro sa sinabi nito.

"Seryoso?" wala sa sarili niyang tanong rito. Tumawa naman ito bago nagsalita.

"Yeah. I can't think of a better way of returning it. Bakit may iba pa bang dahilan para ilibre kita?"

Mas lalo siyang napipi sa tanong nito. Napailing na lamang siya.

Akala pa naman niya bumait na ito. Iniisip lang pala nitong ibalik 'yong ginastos ng bata. Hindi naman siya naniningil at nakalimutan na rin niya. Isa pa sobra-sobra pa nga iyong pagtira niya sa bahay ng mga ito para isipin pa niya ang isandaang iyon.

"Don't tell me kinilig ka?" natatawa nitong tanong.

"Don't be," dagdag nito na tuluyang ikinapamula ng mukha niya.

"Hindi, ah," mahina niyang tugon bago tumalikod at lumabas ng opisina.

Pumasok sa opisina si Famela matapos ang breaktime para ipaalala ang meeting ni Leandrei sa conference area. Tinanong pa siya nito kung bakit hindi siya nakasunod sa food court nang mapadaan sa desk niya. Nagdahilan na lamang siyang sumakit ang tiyan niya. Sinabihan pa siya nitong may clinic sa 8th floor at puwede siyang manghingi ng gamot doon.

Kumpleto pala ang buong building ng mga amenities para sa mga empleyado. Nabanggit din kasi ni Famela na may gym pa yata sa 8th floor. Ibang klase rin talaga ang mga Filan.


"Janica, sit down with us at the conference area," saad sa kanya ni Leandrei nang lumabas na ito ng opisina.

The Empire Series 2: Von Leandrei PlayfulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon