Chapter 19: Movie date

50 5 0
                                    

I'm warning you. This chapter is short. Oki?

E.T! E.T! humighaaaad. Yes!

I haven't been able to watch this movie for a long time.

"Ano palabas?"

Hindi ko napansin na umupo na pala siya sa tabi ko.

"E.T!"

"Sobrang excited mo ata?"

"E kasi favorite ko kaya tong movie na to! Tagal ko na siyang di napapanuod. Ikaw ba? Di mo pa to napanuod?"

"Napanuod ko na. Kaso lang bata pa ko nun kaya di ko na masyadong alam."

Tumango nalang ako. Tinutok ko nalang yung paningin ko sa movie.

Nakatuon lang yung atensiyon naming dalawa dun sa pinapanuod namin hanggang sa may nagdoorbell. Nandiyan na ata yung pizza.

"Uy yung pinto. Buksan mo." Sabi ko sa kanya habang nakatuon pa din yung.paningin ko sa t.v.

"Bakit ako? Ako na nga tumawag kanina e."

"Nanunuod pa ko e."

"Ikaw lang ba?"

"Tsk. Punta ka na kasi dun! Baka yung pizza na yun."

"Oy ano ba?!" Hinatak niya kasi ako patayo. Nanunuod yung tao e. T.T

"Tayong dalawa na yung kukuha para fair."

Di na ko nakapagprotesta. Tss

Nung nasa pinto na kami dun ko lang naalala yung suot ko! Oversized polo ni Tristan tapos jogging pants! Sa liit kong to ano kayang itsura ko no. T.T

Pagkabukas ni Tristan sa pinto nagbayad na siya dun sa delivery guy na tinitignan ako na parang tinubuan ako ng isa pang mata. -.-

Pabalil na kami sa seats namin nung nagsalita ako. Commercial. ih

"Kung makatingin naman yung delivery guy sakin. Tss."

"Oo nga. Dukutin ko mata nun e."

"Wuuu. Ikaw nagdala sakin dun tapos gaganyan ganyan ka?"

"Tss." Inirapan ako ng bruho! Binuksan na namin yung isang box. Dalawa kasi yung binili niya. Siyempre bacon yung nauna! Bwahaha

"Ayan na ulit!"

Kumakain kami habang nanunuod. Nakadalawang slice na nga ata siya e, ako nakaka-isa palang. Baka ubusin niya to! Noooo!

Nung nagcommercial ulit hinati ko yung slices tapos ako na yung nagprisintang kumuha ng inumin namin. Okay na din naman kasi pakiramdam ko. Namumula nalang siya ng konti tsaka medyo may pantal nalang.

"Bilisan mo! Start na ulit! Walang pause to!"

"Oo nandiyan na!" Binuhat ko na yung tray, nagmamadali akong bumalik dun sa sala.

***

Oh no. Nasa part na kami na mukhang mamamatay si E.T dahil din sa mga stupid scientists! Nooo. T.T

"Nooo. *sniff* E.T. Don't die. :'("

"Oh." Nag abot siya ng tissue box. Huhu

*sniff*

"Umiiyak ka din? *huk* Tissue oh. T.T" Nag aabot ako sa kanya ng tissue kaso lang tinaboy niya yung kamay ko. Huhu

"Hindi ako.*sniff*"

"Bakit *huk* sumisinghot ka din diyan? *huk* *sniff*"

"Ha? *sniff* H-hindi no. Hindi ako umiiyak. *sniff* Pahingi nga ng tissue! Sinipon ako bigla!"

Aysus. Ayaw pang aminin na naiiyak din siya. Haha

**

Yung pizza na may bacon toppings lang yung naubos namin. Masyado kasi kaming nakatutok sa E.T kaya di na namin nabuksan yung isa pang box. TT.TT

"Oh ano nang balak mo? Isa pang movie?"

Anong oras na ba? Medyo nakaget over na din naman ako sa E.T kasi happy ending pa din naman. :')

"Ikaw? 9 palang naman. Sunday naman bukas kaya... Sige!"

Ngumiti nalang siya tapos humiga sa sofa. Bali nasa lap ko ngayon yung paa niya. -_-

Bastusing bata. Haha

"Hoy. Bakit ka humiga? Ang bigat ng paa mo!"

"Nangangawit na ko e, bakit ba? Di naman ako kasya sa single seater! Ikaw kasya ka dun, ikaw na lumipat dun o kung gusto mo humiga ka dito sa tabi ko. Pwede din." Tapos ngumiti siya ng nakakaloko.

"Che! Magtigil ka! Dito na nga lang ako. Hmp!"

Ano naman kaya yung papanuorin namin ngayon? :O

"Padaan sandali. Bubuksan ko na yung isa pa."

Tinanggal naman niya yung paa niya sa lap ko. Kumuha na ko ng dalawang slice ng pizza. Buti nalang at may mga side table sila. Hoho

Meron kasi sa side na inuupuan ko. :3

Pinaalis ko naman ulit yung paa niya tapos umupo na ko. At ayun nga. Pinatong.niya ulit yung paa niya sa lap ko. Pinatong ko naman sa coffee table yung paa ko.

Commercial palang. Di ko kasi nakita kanina kung ako yung susunod na movieng ipapalabas nila e. Arrr

Nananahimik ata si Tristan?

Ah. Nagse-cellphone. Sino naman kaya katext niya sa ganitong oras? Ay nako

"Sino katext mo?"

"Wala."

"Okay."

Napatingin naman siya sakin nung sinabi kong okay.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Galit ka?"

Huh? San naman niya galing yun? Bakit naman ako magagalit? Luh?

"Hindi ah. Bakit?"

"Ah. Wala wala." Tapos medyo kumunot yung noo niya. Ibinalik niya nalang yung tingin niya sa cp niya. Ano nga bang pakielam ko sa kung sino yung katext niya. Haha

Pero... Sino nga kaya yun? Nacucurious lang talaga ako. Girlfriend? O baka naman... BOYFRIEND?!

Tss. Di naman siguro siya homo diba? Tama, ano ba tong pinag-iisip ko? hahaha

I'm so funny. LOL

"Kung gusto mo nang matulog umakyat ka na."

Napatingin ako sa kaniya pero nakatingin pa din siya sa cp niya. Masyado na kong nacucurious! @.@

Nagitla ako nung bigla siyang nagtaas ng tingin.

"Oh?"

"Sino k-katext mo?"

"Wala. Girlfriend ko."

I felt a slight stinging pain in my chest. Why is that? May girlfriend pala siya?

Ouch.

To be continued...

I fell in love with a HORSE?! WTF!Where stories live. Discover now