Chapter 16: Masaya ka ba?

51 7 0
                                    

Picture ni Tristan sa side. Basahin niyo nalang at imaginin na ganyan. xD ---------->

Nakahiga na ko sa kama ko ngayon. Nakatitig nalang nanaman ako sa ceiling. The faint taste of that bitter cake is still lingering on my tongue. Oha?! English yun!

Pano ba kasi nila nagawang bitter yun? Sweetened naman yung chocolate powder na nandun tapos may suugar pa. Ano kayang nangyari?

Kinain pa din naman nila yung cake. Di ko alam kung pano nila natagalan yung cake na yun. Pero sabi naman ni Mark :"Alak nga mapait iniinom tapos yung amplaya din na mapait kinakain, eto pa kaya?"

Napatanga nalang ako sa tatlo. Alam na alam mong tunggaero e. -_-

Hinayaan ko nalang silang ubusin yung cake tutal hindi ko naman matagalan yung lasa. Eeeeeh.

*knock knock*

napatingin ako sa pinto. Si Tristan yan sigurado.

Hay. Nalulungkot na ko dito. :(

May 1 week ko na ding hindi pinapansin si besty. Nagtatampo pa din kasi ako.

Totoo ga yung kasabihan na kapag may bf/gf na yung kabarkada/kaibigan mo bigla ka nalang niyang makakalimutan. Nakakalungkot lang kasi na mas matagal kaming nagsama (chos! parang live-in! HAHAHAHAHA) kesa sa kanilang dalawa no. Tapos mas kilala ko pa siya mula ulo hanggang sa kasingit-singitan niya tapos ipagpapalit niya ako. huhu

Di naman sa against ako sa relationship nila, sana lang nababalance kahit papano yung time diba? Kasi di lang naman dapat yung boyfriend yung binibigyan ng atensiyon pati mga friendships dapat. :'(

Handrama dre!

*knock knock*

Tumingin lang ulit ako sa pinto. Hay. Ayaw kong bumangon e. Nakakatamad tsaka nagdadrama pa ko dito.

"Galit ka pa rin ba?" Tristan

"Hindi. Tinatamad akong tumayo, kunin mo nalang yung susi ng kwarto ko. Pasok ka nalang."

"Ok."

Wala, medyo close kami na hindi. haha

Minsan kasi dito siya tumatambay sa kwarto ko. Sobrang plain daw kasi parang library. -_-

Bumukas yung pinto sa kwarto ko, ang bilis naman niyang nakuha yung susi.

"Tamad na tamad ka nanaman?" Tristan

"Yeah. Wala akong ganang tumayo. Bakit pala?"

Minsan lang kaming ganito. Kapag wla kami pareho sa mood para magbangayan dinaig pa namin yung dagat sa sobrang kalmado. -_-

"Tambay lang. May dala akong cake. Don't worry hindi ito yung gawa namin. Grabe! Ang fail nun. -_-"

"Yan ang gusto ko sa'yo e! Hahaha! May dala kang plato tsaka fork? Pang-slice?"

"Ano? Gusto mo ko? Ikaw ah. May lihim ka palang pagnanasa sa'kin!"

"Heh. Yung kapag nagdadala ka ng pasttries kapag tumatambay ka dito sa kwarto ko. -_-"

"Ah. Akala ko naman nahuhulog ka na sakin."

"hm?! You wish. haha"

"Nag-wish na nga ko e."

"ha? Ano sabi mo?"

"Walaaa. Fork lang dala ko, diyan nalang natin sa box kainin. MAliit lang yan, pampalit lang sa cake na di mo nakain."

"wuuu. Salamat!"

Inabot niya sakin yung cake tapos umupo siya sa floor, nakasandal lang siya sa gilid ng kama ko. Ano nanaman kaya nasa isip nito?

I fell in love with a HORSE?! WTF!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon