WHB. 7 - "Bonding Time"

1.5K 59 1
                                    

Hi GTBelievers!!!!!!!! ^___^

Tgal ko mag-update noh? Kelangan demanding na ehh... SORRY

Dedicated to sakanya for following me!! TENKYU

So guys, eto na po ang Chapter 7. ENJOY!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 7

KATHRYN’S POV

Announcement na ng winners. Nandito na kami ngayon lahat sa stage.

“For the 3rd place….. Pair number 5!!”

“For the 2nd place…. Pair number 6!!”

WOW! 2nd Placer kami!!! Ang saya naman. OK lang kahit di kami nanalo atleast may plac kami.

Kita ko kay DJ ang saya at tuwa sa mukha nya. Masaya ako para sakanya.

“And for the 1st Place….. Pair number 2!!!!”

Pagkatapos ng awarding ay nagusap kaming tatlo

“Congrats sainyo!!!!!!!!!!!” bati samin ni Julia

“Thanks!” ako

“Sabi ko naman sayo DJ eh, kaya mo ‘yan! Grabe kilig much ako sa inyo kanina” Julia

Natawa si DJ. “Well, thanks for both of you dahil inen-courage nyo ako”

“At ngayon ko lang napagtanto na baga--” Julia

Agad kong tinakpan ang bibig ni Julia.

“Julia, wag mo na sabihin. Magkaibigan lang kami ni DJ, diba DJ?” sabay tingin ko kay DJ

“Ah..yeah. HEHE..” natawa nalang si DJ

“Diba sabi ko sayo ehh..” sabay taas-kilay ko kay Julia

“Ano wanna celebrate?” tanong ni DJ

“Sure!” Julia

“Ikaw Kath?” tanong ni DJ

“Ah-eh, sabi kasi ni Tatay uwi daw ako agad. Tsaka late na oh. 10pm na, at isa pa hindi naman ako katulad nyo na walang naghihintay sa bahay” ako

“Ganun ba? Tayo nalang Julia?” DJ

“Wag na, gusto ko kasi kasama si Kath. Next time nalang” Julia

Nag-nod nalang si DJ.

Napagdesisyunan na naming umuwi..

Pagka-uwi ko ng bahay ay nakita ko si Nanay at Tatay sa salas na tulog sa sofa. Ginising ko sila.

“Nay, Tay. Nandito na po ako”

Maya-maya ay nagising na sila

“Oh anak nandyan ka na pala. Musta? Panalo ba?” Tatay

“Opo. Pang-2nd Place po kami” ako

“Congrats kung ganon..” Nanay

“Sige po Nay, pumunta na po kayo sa kwarto, mukhang pagod na po kayo eh. Bukas na lang tayo mag-kwentuhan” ako

Tumayo na sila Nanay at Tatay at pumasok na sila sa kwarto

Pumasok na din ako sa kwarto ko. Nagpalit na ako at humiga na para magkapag-pahinga.

When Heart Beats (KathNiel)Where stories live. Discover now