WHB. 6 - "I Will Take You Forever"

1.5K 46 8
                                    

Hello po. Dedicated sakanya 'to!! Very SUPPORTIVE nya kasiii!!! ^_____^

ENJOY this Chapter! HAHAHA...

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

CHAPTER 6

KATHRYN’S POV

 

 

“Do-Re-Mi-Fa-So-La-Ti……La-Ti-Do”

Nag-vovocalize ako ngayon.

Ngayon kasi ang competition namin di ba? Kaya eto maaga akong gumising para makapag-ready na ako.

Na-eexcite ako hindi lang para sa sarili ko, kundi para rin kay DJ. First time nya kasi sumali sa mga gantong competition.

At isa rin ‘tong paraan para malaman nya kung talagang gusto nyang ipagpatuloy ang pagka-hilig nya sa musika.

Pagka-tapos kong magvocalize ng kaunti ay lumabas na ako ng kwarto ko.

Pagkabukas ko ng pinto ay nagulat ako dahil nandun sina nanay at tatay.

“Nay, Tay. Anung ginagawa nyo dyan?” ako

“Ah-eh… wala naman anak. Nakikinig lang kami sayo” Tatay

“Tatay talaga. Pwede naman kayong pumasok sa kwarto ko eh” ako

“Baka kasi makaistorbo lang kami” Tatay

“Hindi naman Tay” ako

When Heart Beats (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon