Chapter 10

52.4K 496 65
                                    

Chapter 10






Matapos mag shower at mag bihis ng dalawa ay agad nilang kinain ang pagkain na binigay ng madre kanina ng bumalik ito sa opisina upang bigyan sila ng kumot at unan. Ngayon ay naka upo sila sa sofa at halos nasa apat na dangkal lang ang pagitan nila dahil sa liit nito.

Napa tingin si Lowiee kay Dafnhie. Nalulunod rito ang kanyang malaking t-shirt dahil payat at maliit lamang ito. Napansin din nya na sobrang haba ng kanyang pants para dito.

Kinuha nya ang dalawang paa ng dalaga at pinatong sa kanyang hita.

"What are you doing?" tanong ni Dafnhie. Nagkibit balikat lamang ang lalaki at itinupi ang mag kabilang dulo ng jogging pants.

"Masyadong mahaba yung pants. Baka madapa ka..." tas ay tumingin sya sa mga mata nito "madapa ka sa kagwapuhan ko."

Gustong matawa at mainis ni Dafnhie pero pinigilan nya ito. Kahit kailan ay hindi nakakalimutan ng lalaki na isingit ang mga biro at pagiging mahangin nito.

"All done." sabi nito ng matapos itupi ang kanyang pants.

Hindi inalis ni Dafnhie ang kanyang mga paa mula sa pagkakapatong sa hita nito.

"I'm sorry." seryosong sabi ni Dafnhie.

"For what?"

"For what's happening right now, if I didn't insist, it wouldn't have happened."

"Apology accepted." 

Dafnhie raised her right eyebrow. "That's it?" 

"What?" 

"You're not going to fight me?" 

"Fight you? For what?" takang tanong ni Lowiee. 

"For being stupid enough to ask you to travel here even in this kind of situation." 

Napangisi ang binata "So, you admit that you are stupid?"  

"See. That's what I am saying."

"Hm. I'm honestly a little bit mad at you right now." 

"I already apologized, and you already accepted it. And I don't care if you're mad." 

"Hm, I'm mad at you for being reckless."

Natigilan ang dalaga "What?" 

Hindi tumitingin dito ang binata. Marahan na minamassage nito ang binti ng dalaga kahit wala naman sa loob nito. Si Dafnhie naman ngayon ay nakasandal na sa arm rest ng sofa.

"Imagine going here without me."

"So?"

"So? Dafnhie pwede kang mapahamak. At kung driver mo lang ang kasama mo, anong gagawin mo? Your dad can't help you. No one from your family's security squad can help you. It's the nature we are fighting here. You should know when to be stubborn and when to be rational."

"Fine. Stop nagging."

"I'm being serious here, Daf. "

"I know and I'm not used to it. I honestly prefer when you're being Justinsht."

"You need to be serious in this kind of situation."

"I know that. I just don't like you being serious. It's giving me creeps."

"Why? Mas naiinlove ka ba sakin pag nakikita mo yung other side ng personality ko?" mapang inis na tanong nito.

"See? I fcking hate that side of you as well. I guess I just hate your whole existence."

NemesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon