Chapter 03: Meet His Mommy

1.7K 43 2
                                    

Pa Vote and Shout your Comments Please ! :))

***********************

Chapter 3:

"Ito ang magiging kwarto mo hija , habang wala pa si Unice."

Sabi ni Nana Feli habang tinutulungan akong mag-ayos ng gamit ko.

Pinag masdan ko ng maiigi ang buong silid, napakalaki at halos pink lahat.Kikay na kikay ang dating . Meron din posters ng mga sikat na model , hindi ko nga lang mga kilala , pero im sure mga sumali ito sa American's next top model.

"Ikaw ba ay sigurado na sa desisyon mo na pag papanggap bilang si Unice.?"

Tanong ni Manang sakin, agad naman ako napalingon dito.


"Oo naman po, bestfriend ko si Unice at parang pamilya ko na din sila tita at tito at parang kapatid ko na din si Unice , kung tutuusin nga po ay kulang pa itong ginagawa para suklian ko sila sa kabaitan nila sakin ."

Pinag patuloy ko na ang pagtutupi at inayos sa aparador na nakita ko.


"Ang akin lang naman ihaj , ay baka sa huli ikaw ang umiyak at masaktan."
Makahulugang sabi ni Nana habang pinag mamasdan akong ilagay sa kabinet ang gamit ko.

Napahinto ako at lumapit kay Nana.

"Ano ba naman kayo Nana , bakit naman po ako masasaktan ? dapat pa nga maging masaya ako at makakatulong ako kay Unice."
Umupo din ako sa kama kung san nag tutupi si Nana ng damit ko.


"Hindi natin alam  ang kapalaran ihaj , lalo na puso hindi natin ito hawak."

"Hahahaha ! Bakit namn po nasali si puso dito ? Naku masyado na po ata kayo sa panunuod ng teleserye."

Kinuha ko ang nailigpit ni Nana at inilagay na sa kabinet.

"Osha , sha ! ikaw ang bahala , basta andito lang ako !."

Tumayo na si Nana Feli .

Lumapit ako dito at niyakap si Nana ng mahigpit.

"Salamat po, na miss ko talaga kayo."

"Ikaw talagang bata ka , pasabi sabi ka pang na sobrahan ako sa panunuod ng tv aba'y ikaw pala ang nasobrahan ang drama mo ."
Pinapat niya ang likod ko habang nakayakap sakin.



"Hahaha, mukha nga po .. hahaha."

Pa simpleng pinahid ko ang luha na bigla na lang pumatak.

Siguro nga sa tagal na panahon , sobrang na miss ko talaga si Nana .

Hindi ko nga aakalain na babalik pa ako dito .

"Goodnight na , pahinga ka ng maaga at mukhang pagod ka pa sa byahe."

Kumals na ito sa pag kakayakapsakin at tinungo na ang pinto.

"Sige po, kayo din , goodnight."

Sabi ko.

Gumanti ito sakin ng ngiti bago sinara ang pinto. Sumalpak ako sa kama at nakaharap sa kisame.


"Kaya ko kaya ito ? kakayanin ko ! Kaya ko ito ."

Pag papalakas ko ng loob sa sarili ko.

*************************

"Ihaj ! Gising na .. umaga na . !"

May uma alog sa balikat ko at pilit akong ginigising.

Proxy FianceeWhere stories live. Discover now