Chapter 02: His Name

1.9K 54 4
                                    

Chapter 2:

"Manong dito na lang po, ito po bayad oh. Salamat"

Nag abot ako ng 500 sa Manong driver at bumaba na .



Tinitigan ko ng maigi ang bahay na nasa harap ko.





Nung kailan lang nag lalaro pa kaming dalawa ni Unicesa loob ng bahay at sa garden .Pero ngayon mukhang ang laki ng pinag bago ng bahay , bagong pintura, bago din ang mga bintana .





Kung tutuusin , hindi naman talaga mayaman sila tita .Dahil na rin siguro sa tinatawag na 'sipag' ay yumaman sila ng ganito,tatlong palapag ang bahay at may terrace pa.





Hindi din biro ang bayad nila sa Architect nito na mula pa umano sa America , at base sa narinig ko noong bata palang kami ay umabot umano sa 5million ang gastos , maliban pa sa bayad sa  Architect .




"Hay ! sobra ata ang pag ka miss ko dito sa baahy nila tita .. ang mabuti pa mag door bell na ako."

kinakausap ko sarili ko .Pina gulong ko na ang gulong ng maleta ko at pumunta sa gate.



*Dingdong*





"Sino yan ?"

Narinig kong sabi ng tao sa loob, mukhang katulong ata.





"Ah , Nayumi Yuki Chua po ."

Sagot ko.






"Nayumi ? , sandali lang  ."

Narinig kong binubuksan na ang kandado ng gate.






"Nayumi hija? ikaw na ba yan ?."

Gulat na tanung sakin ng matandang babae sa harap ko.







"Nana Feli ??? kyaaah."

Nilusob ko ito ng mahigpit na yakap.









"Ako nga iha , sobrang na miss kitang bata ka."

Tinatapik niya ang likod ko.

Na miss ko si Nana Feli , siya ang maid nila Unice mula pa noon , at dahil madalas ako dito , kaya naging Nana ko na din siya .



"Ako din po Nana , pasensiya na kayo wala po akong pasulubong kasi po rash masyado ang pag balik ko dito."

 



"Anu ka bang bata ka , ok lang yun ! Masaya ako at nakabalik kana.Ay halika kana pala pumasok kana at kanina ka pa hinihintay ng tita at tito mo."

Sinirado na ni Nana ang gate.



"Ah , sige po . Na miss ko na din sila."

Naglakad na kami papasok .

.

Sa sala pa lang nakita ko na si tita na parang kinakabahan at si tito na nag babasa ng dyaryo.

.

"Helo po tita , tito."

Masayang bati ko.

Agad naman sila napalingon sa kinaroroonan namin ni Nana.



"Nayumi ?? Aba ang laki at ang ganda muna ah."

Sabi ni tita habang papalapit sakin kasama si tito.Mukhang hindi sila tumanda kung pag babasihan ay ang mukha nila.





"Yan din ang napansin ko sa batang ito pag kakita ko sa labas ng gate."

Proxy FianceeWhere stories live. Discover now