CHAPTER : 4

814 26 7
                                    


Mabilis ang ginawang pagpapatakbo ni Dennise sa kabayong si Flakes. Balak kasi niyang pumunta sa ilog. Matagal na rin kasi siyang hindi nakakapunta roon. Tamang-tama iyon dahil sa sobrang init ng panahon. Tiyak na mag e-enjoy siya sa pagbababad sa ilog. Nasa bandang dulo iyon ng rancho. Nasa masukal na parte iyon ng gubat kaya kaunting tao lang ang nakakaalam kung nasaan iyon.

Nang medyo malapit na siya ay binagalan na niya ang pagpapatakbo kay Flakes. Medyo madulas na kase sa parting iyon at marami ring nagkalat na matutulis na bato kaya kailangan niyang mag-ingat. Habang tinatahak niya ang daan patungo sa ilog ay hindi niya mapigilang alalahanin ang nangyari kaninang hating-gabi, Nang makita siya ni Ara sa kusina.

Nang iwan siya nito ay saka lang niya napansin na oversized T-shirt lang ang suot niya. Halos makita na ang panty niya sa suot niyang iyon. Nakakahiya. Nasanay kasi siya na ganoon lang ang suot kapag natutulog kaya kampante siyang pumunta sa kusina na ganoon ang kanyang hitsura. Hindi naman niya akalain na gising pa pala si Ara nang mga oras na iyon.

Napabuntong-hininga nalang siya. Ano ba ang inaalala niya? Mukha namang hindi ito naapektuhan sa nakitang ayos niya. Cool na cool pa nga ito nang iwan siya nito. What did she expect? Nakakatiyak naman siya na hanggang ngayon, isang bata pa rin ang tingin nito sa kanya. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Habang-buhay na lang ba siyang magiging bata sa paningin nito?

Agad na niyang hinila ang renda ng kabayo para huminto ito nang marating na niya ang lugar na kanyang pupuntahan. Hindi na niya napigilang mapangiti nang makita ang magandang tanawin na nasa kanyang harapan. Napakalinaw ng tubig ng ilog. Naroon sa paligid nito ang nag gagandahang rock formation. Nagpapasalamat talaga siya at kaunting tao lang ang nakakaalam ng lugar na iyon. Dahil doon ay na-preserve talagang mabuti ang kagandahan ng lugar.

Bumaba siya kay Flakes at itinali na ito sa isang malapit na puno. Nag-inat siya. Hindi ito ang oras para isipin niya ang problema niya kay Ara. Nasa isa siyang magandang lugar. Tama lang na magsaya siya. Isa-isa niyang tinanggal ang mga damit na suot at ang tanging itinira lang niya ay ang suot na panloob. Pagkatapos ay tuluyan na siyang lumusong at sumisid sa ilog.

Naalimpungatan si Ara dahil sa sunod-sunod na katok na kanyang narinig sa pinto. Pinilit niyang dumilat. Kahit inaantok pa siya ay pilit siyang bumangon at lumapit sa pinto para pagbuksan ang kung sino mang kumakatok doon. Pagbukas niya ng pinto ay ang kanyang ina ang tumambad sa kanya.

"Mom, do you need anything?" tanong niya, saka siya humikab.

"Wala naman, anak. Gusto lang kitang gisingin. Mag-aalas-onse na kasi ng umaga. Nalipasan ka na nang agahan, ayoko namang pati pananghalian ay malipasan ka na rin."

Napangiti siya, kahit kalian talaga ay napakamaalalahanin ng nanay niya. "Thanks, Mom. Magbibihis lang po ako, pagkatapos ay bababa na din po ako."

"Sige, bilisan mo."

Nang makaalis na ito ay isinara na niya ang pinto. Kumuha siya ng T-shirt at pantalon sa kanyang cabinet at isinuot iyon. Napatingin naman siya sa orasan na nakasabit sa dingding. Fifteen minutes before eleven o'clock. Hindi siya maka paniwalang tinanghali siya ng gising, hindi kasi siya dalawin ng antok nang nagdaang gabi.

Nais niyang sapakin ang kanyang sarili nang maalala niya ang dahilan kung bakit hindi agad siya nakatulog. Nang dahil lang sa nakita niya ang mapuputing hita ng kanyang stepsister. Marahas siyang napailing. It was only Dennise. The same Dennise she grew up with. Ang batang lagging nakasunod sa kanya. Napabuntong-hininga siya, naninibago lang siguro siya dahil ilang buwan din niya itong hindi nakita. Oo, iyon lang ang posibleng dahilan nito.

Bumaba na siya mula sa kanyang kuwarto at dumeretso na sa kusina. Naroon na ang kanyang ina at tinutulungan ang mga katulong na magluto.

"Nasaan na 'yong mga bata, Mom?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang dalawang nakababatang kapatid at si Dennise. "Hindi ko yata sila nakita pagbaba ko." Kapag ganito kasing Linggo, kadalasan ay nasa living room lang ang mga ito at naglalaro.

STEPSISTERWhere stories live. Discover now