CHAPTER : 2

1.3K 45 6
                                    

"Ayos na si Bella, may nakain lang siya na hindi maganda kaya siya nagsuka nang nagsuka." wika ni Den na ang tinutukoy ay ang Japanese Shitsu.

"Thank you talaga Doc, hindi ko talaga alam ang gagawin ko kanina no'ng makita ko si Bella na nagsusuka." sabi ni Aillysse na siyang may-ari ng aso na si Bella. Tahimik na nakahiga sa kandungan nito ang alaga nitong shitsu. "Buti na lang talaga at malapit lang itong clinic ninyo sa bahay namin."

"Bantayan mo na lang nang mabuti 'yong mga kinakain niya para hindi na maulit ang mga ganitong pangyayari." Bilin niya kay Aillysse.

"Yes, Doc."

Pagkatapos niyang magbigay rito ng ilan pang paalala ay umalis na rin ito. Mula sa upuan ay nag-inat siya. Tapos na ang oras ng pananghalian pero hindi pa rin siya nakakaalis ng kanyang clinic para kumain. Sunod-sunod kasi ang dating ng mga pasyente niya.

Pero mas mabuti na rin iyon para naman kahit paano ay mayroon siyang pinagkakaabalahan. Mula kasi noong isang araw, nang sabihin sa kanya ng daddy niya na uuwi na si Ara, ay halo-halong emosyon na ang nararamdaman niya. From eager anticipation of her arrival to flat-out fear of facing her again.

Napasubsob na lang siya sa kanyang desk. Ano na lang ang gagawin niya kapag nagkaharap na sila nito? Baka manigas na lang siya sa harap nito.

Umayos siya ng upo at nagplano na para kumain sa labas nang kumatok sa pinto ang assistant niyang si Amy. Pumasok ito at may dala-dalang mga take-out na pagkain mula sa isang fast-food restaurant.

"Nagpa-deliver na ako ng food Doc, alam ko kasing hindi pa kayo kumakain eh." Wika nito, saka nito pinatong ang mga pagkain na dala sa kanyang mesa.

"Thanks Amy, you're a lifesaver." Nakangiting sagot niya. kahit kailan talaga ay maaasahan ito.

"Sige na Doc, kumain ka na. kapag may dumating na pasyente, sasabihin ko na maghintay na muna."

"okay! Kanina pa nga ako nagugutom eh." Nakangiting sabi niya rito.

Pagkalabas ng kanyang sekretarya ay nagsimula na siyang kumain. Nasa kalagitnaan na siya ng pagkain nang muling bumukas ang pinto ng opisina niya. akala niya ay si Amy ang makikita niya ngunit nang mag-angat siya ng mukha ay laking gulat niya nang makitang nakatayo roon ang kapatid niyang babae.

"Jus!" tawag niya rito. Agad siyang napatayo at sinugod ito ng yakap. "Ano'ng ginagawa mo rito?"

"Dinadalaw ka, ano pa ba?" sagot nito sa kanya, saka ito gumanti ng yakap sa kanya. "I missed you ate."

"na-miss din kita." Sabi niya. pagkasabi niyon ay humiwalay siya rito. "kadarating mo lang ba? nagpunta ka na ba sa rancho?"

"yes, kadarating ko lang and yes, galing na ako sa rancho. 'kaso parehong wala sina Mom at Dad sa bahay kaya pinuntahan na lang kita rito." Pag-iimporma nito.

Nagtaka naman siya sa sinabi nito. "well, wala akong ideya kung saan pumunta si Mama but I'm pretty sure na nasa palayan na naman si Dad."

STEPSISTERWhere stories live. Discover now