Chapter 8 - Agency

1.3M 37.8K 5.8K
                                    


Lalo akong kinilabutan. Was it that person? Was he the one emitting a killing intent?

"Shit! Sino 'to?!" sigaw ni Ken habang tumatakbo pa rin kami papunta sa may gubat.

Hindi ko tinanggal ang tingin ko sa aninong naaaninag ko kahit na alam kong may hawak siyang baril at nakatutok sa akin. Hindi ko naman masabi sa kanila dahil ayokong takutin sila. However, I gasped when he suddenly adjusted his aim, and this time, it was pointing at Riye's direction. The next thing I knew, I was already screaming Riye's name because that person pulled the trigger.

Itinulak ko si Riye at sumalubsob kami sa lupa nang gawin ko 'yon.

"Akemi! Riye!" sigaw ni Akane. "Anong nangyari? Bakit—"

"G-gun!" sigaw ko.

Riye suddenly groaned and I almost stopped breathing when I saw her blood on her sleeves. May tama siya sa braso niya.

"Oh my god. I'm sorry," mangiyak-ngiyak kong bulong.

"I-I'm fine, nee-chan," she said as she winced while trying to sit.

"Hindi ka okay. May tama ka at—"

"Akemi, don't worry about Riye. More importantly, saan mo nakita 'yong may hawak ng baril? We need to—"

"H-ha? Pero si Riye . . . kailangan muna natin siyang dalhin sa—"

"I'm really fine, nee-chan. Besides," sabay hawak niya kung saan siya nadaplisan, "he only got my deltoid muscle, not the posterior cutaneous nerve."

Napanganga na lang ako sa narinig ko. Ano raw? Deltoid muscle at poste—what? Biglang sumakit ang ulo ko. I really hate science.

"Tara na, Akemi," sabay hatak ni Akane at tumakbo kami papunta sa lugar kung saan ko nakita ang anino habang binantayan naman ng tatlong lalaki si Riye.

"Akane, anong sinabi kanina ni Riye?" tanong ko habang tumatakbo kami at bigla naman siyang tumawa.

"She sounded like a geek, right? Well, that's her sixth sense," she said. "She can identify the specific parts of a person's organ system, their conditions and peculiarities just by touching his or her body. She knows every bone, every nerve and every muscle in your body."

My mouth was hanging open after I heard that. Para pala siyang may x-ray sa kamay niya, pero ang kaibahan, hindi lang buto ang nakikita niya kundi lahat. That's was amazing.

"Wait, damn it! We're late!" she grumbled as she gripped the pearl which had already reverted to its original color. That meant the person either got away or did not have any killing intent anymore.

Wala naman kaming nagawa kundi bumalik kina Riye at pagdating namin ay buhat na ni Reiji si Riye. Itatanong ko pa lang sana kung bakit siya ang may buhat sa kanya dahil mukhang mas kaya ni Hiro o Ken si Riye nang bigla na lang silang nawala sa paningin ko.

W-what was that?

"That's his sixth sense," bulong ni Akane. "He can manipulate his muscles to extremities to fully utilize their functions. He may look physically weak but never underestimate his hidden strength."

Matapos kong marinig 'yon ay hindi na ako nakapagsalita. Both Reiji and Riye's sixth senses were incredible. I knew this world was beyond normal, but it was still surprising to see these kinds of abilities.

Pagkapasok namin ni Akane sa room namin ay nandoon na si Riye at may bandage na ang braso niya. She was typing something in her laptop. Dumiretso naman sa C.R. si Akane habang ako ay nag-collapse sa kama.

"Mukhang napagod ka ngayong araw, nee-chan," mahinang sabi ni Riye habang nakatingin lang ako sa kisame.

"Oo. Medyo hindi pa rin napa-process ng utak ko lahat ng nangyayari. Parang . . . parang panaginip lang ang lahat. It feels surreal," pag-amin ko sa kanya.

Tantei High (Erityian Tribes, #1) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon