Chapter 40: Against All Odds

27.8K 507 22
                                    

Enrique's POV

"P-Pasensya ka na... Pero h-hindi ko kasi mapaniwalaan. " halos pabulong na wika niya. Nakagat nya ang labi niya at tila pinipigilan ang maiyak. "Naaawa ka lang siguro s-sakin. Pero hindi iyan love. Wag mong p-pilitin ang sarili mo."  she weakly smiled again.

I heaved a deep sigh. Kinuha ko iyong kamay niya at itinapat sa naghuhurementadong puso ko.

"Sandra, naririnig mo ba? Nararamdaman mo? Ang bilis ng tibok ng puso ko at yan ay dahil sa'yo. Hindi ito ang unang beses. Pero madalas mong ginagawa sakin 'to. Hindi ko na pipilitin na maniwala ka sakin. Basta ipapakita ko na lang at araw araw kong sasabihin sayo kung gaano kita kamahal.... Pero ang ipipilit ko ay ang lumaban ka. Please promise me that you'll fight. Dahil desidido akong talunin ang sakit mo. Sana ganun ka din. " malumanay na wika ko. Muli na namang naglandas ang mga luha sa mata niya.

Napapikit siya ng mariin. Saka marahang tumango.

Sa sobrang tuwa ko ay nayakap ko sya. I kissed her all over her face.

" Lalaban tayo ha. Walang susuko, mahal ko. Dadalhin kita sa US para dun ka magpagamot. Mas advance ang technology don kesa dito. " malambing na sabi ko sa kanya.

" US? P-Pero malaki ang magagastos —"

Like I always do, I shut her with a kiss.

"Shhhh. Wag mong isipin ang gastos. Basta tatagan mo ang loob mo. Ako na ang bahala sa lahat. " wika ko. I kissed her forehead once more. Naramdaman ko na lang mahinang pagkabig niya sa may leeg ko. Yakap yakap ako ni Sandra habang humihikbi.

" I-I love you. Para sa inyo ni Sam, hindi ako susuko. " pabulong na sabi niya.

***

Siguro ay ilang oras ko na syang minamasadan habang natutulog. Nakuntento na lamang ako sa ganoon. Hawak hawak ko pa rin ang kamay niya. Believe it or not, ayaw ko yung bitawan. Pakiramdam ko kasi ay mawawala sya kapag binitawan ko iyon.

Maya maya pa ay dumating si Roy.

"Tol, kamusta? " bungad niya saka lumapit sakin.

" Bakit hindi mo sinabi sakin? Wala man lang nagsabi para agad na nagamot ang asawa ko. " hindi ko na naitago ang hinanakit ko. Pakiramdam ko talaga, wala akong kakwenta kwentang asawa.

Napakamot siya na ulo.

" Pasensya na, tol. Pero wag ka mag alala dahil nang malaman namin ay ipinagamot naman sya agad ni tatay. " wika niya. Naghila siya ng upuan at tumabi sakin.

Napailing na lamang ako. Kahit naman kasi sumbatan ko silang lahat ay wala ring mangyayari. Itinuon ko na lang ulit ang atensyon ko kay Sandra.

" Anong plano mo? " biglang tanong niya.

" Dadalhin ko sya sa US para ipagamot. Ikaw muna ang bahala sa shop at sa car wash habang wala kami. Pihadong magtatagal kami don. " sagot ko. Pero nakatingin pa rin ako kay Sadra habang hinahaplos ang kanyang kamay.

" Kelan ang alis nyo? "

" Hindi ko pa alam. Pinaayos ko na yung visa naming dalawa. Bukas ko pa malalaman. "

Hindi na sya nagtanong pa. Binalot na kami ng katahimikan.

" Hindi koa ba magtatanong kung sino yung donor mo? " bigla nyang tanong.

Napalingon naman ako sa kanya.

" Sino nga ba? Nang mapasalamatan ko sya. " wika ko.

Ngumisi siya sakin at matamang tiningnan ang asawa ko.

Beyond ReasonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon