Chapter 31: Paano Na?

24.3K 434 19
                                    

Sandra's POV

Napatingin ako sa relo. Alas dos y media na pero wala pa rin si Enrique. Hindi ako makatulog. Kaya naman, bumaba muna ako sa kusina para uminom ng gatas.

Pero pagkuha ko ng tasa ay nabitawan ko iyon at nabasag. Ewan ko ba pero biglang sumalakay ang kaba sa dibdib ko. Agad kong naisip si Enrique.

Argh. Ano ba 'tong pinag iisip ko?

Pinalis ko ang isiping' yon. Nilinis ko na lamang yung nabasag kong tasa saka nagtimpla muli ng panibago.

Tiningnan ko muli yung cellphone ko pero wala pa ring text o tawag si Roy. Napa buntong hininga na lamang ako. Pabalik na sana ako sa aming kwarto nang mag ring ang land line namin.

Napalunok ako. Muli na namang sumalakay ang kaba sa dibdib ko. Sinong tatawag ng ganitong oras?

Baka naman si Roy 'to.

Inangat ko ang receiver para sagutin iyon.

"H-Hello.".

[Hello! Good morning po. Kayo po ba si Sandra Chavez, asawa ni Enrique James Chavez III? "]

Napakunot ang noo ko.

" Opo. Sino po sila? "

[Ma'am, si SPO1 Jack Jimenez po ito ng Parañaque Police District. Pasensya na po sa abala at kung nagising kayo, pero Ma'am kailangan nyo pong magpunta sa Metropolis Medical Center. Kinalulungkot ko po pero, may nangyari po sa asawa nyo.]

Hindi ko na narinig pa ang ang mga sinabi niya. Dahil ang tanging rumehistro lamang sa utak ko ay ang katotohanang may nangyaring masama sa asawa ko. Ni hindi ko rin alam kung nakapag paalam ba ako ng maayos.

Agad kong ginising ang anak ko. Dahil wala akong mapag iiwanan sa kanya at dali daling nagpahanap ng taxi sa guard ng subdivision.

"Mama, san tayo pupunta? " wika ni Sam pagsakay namin ng taxi.

" Manong, Metropolitan po. " wika ko sa driver bago bumaling kay Sam." Pupuntahan natin si Papa mo, anak. " mahinahong wika ko kahit dinedelubyo na ang buong pagkatao ko ng takot at kaba.

Agad kong tinawagan si tatay. Pero hindi sya sumasagot. Kaya tinext ko na lang sya. Maging si Roy ay ganon din.

Pagdating namin sa ospital ay agad akong nagpunta sa admissions at doon ko na pag alaman na nasa ER pa si Enrique.

Karga karga ko si Sam na nagtungo doon dahil nakatulog ang bata. Pagdating doon ay sinalubong ako ng mga pulis.

"Sir, ako po si Sandra. Asawa ko po si Enrique. A-ano pong nangyari sa asawa ko? " nangingig na sabi ko.

" SPO1 Jimenez po. " wika niya saka nakipagkamay sakin." Bumangga yung motor nya sa island malapit sa Hillcrest Subdivision Ma'am. Ang hinala namin ay nakainom sya kaya nangyari iyan sa kanya. Hindi pa lumalabas yung mga doktor kaya hintayin na lang po natin. " magalang na sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko.

" Hillcrest? Ibig sabihin, malapit na sya sa subdivision namin nang mangyari iyon! "

Tumango tango ang pulis. Nanghihina akong napaupo sa bench doon. Parang nawalan ako ng lakas sa sinabi ng pulis na kahit mabigat si Sam na buhat buhat ko ay hindi ko na maramdaman.

Umagos ang luha ko. Taimtim na lamang akong nagdasal sa isang tabi.

Maya maya pa ay humahangos na dumating si tatay at halos magkapanabay pa sila ni Roy.

Kinuwento ko sa kanila ang nangyari at maging sila ay hindi makapaniwala sa sinapit ng asawa ko.

"Shit! Kasalanan ko 'to eh! Tang ina. Pasensya Sandra, kasalanan ko' to. Hindi ko man lang naisip na may inom nga pala yang gagong yan. Dapat hindi ko sya iniwan. Sorry. " napasabunot pa sa sarili niya si Roy. Pero wala naman akong galit o tampo sa kanya.

" Wag mong sisihin ang sarili mo Roy. Aksidente ang nangyari. " wika ko.

" Hindi eh. Nagkasagutan kasi kami nyan kaya nauna akong umalis. Sana hindi ko pinairal ang init ng ulo ko, edi sana hindi mangyayari 'to. "

" Roy, tama na. Walang may gusto sa nangyari. Ipagdasal na lamang natin na maging maayos ang lagay nya. " tinapik tapik ko ang balikat niya at nginitian sya. Para maramdaman niya na hindi naman ako galit o ano.

Si tatay ay tahimik lamang. Sya na ang may kandong sa anak ko. Yakap yakap nya lang si Sam na mahimbing na natutulog.

Ilang sandali pa ay lumabas na ang doktor. Agad akong tumayo para salubungin siya.

"Doc, asawa ko po yung nasa loob. " wika ko.

Tiningnan nya muna kami saka bumuntong hininga.

" Malayo na sa piligro si Sir. Ligtas na sya.... Pero misis may mga bubog kaming nakuha sa may bandang mata niya. Ipagdasal na lamang natin na hindi nito na-damage ang optic nerves ng iyong asawa dahil ito ang magiging sanhi ng pagkabulag niya. " mahinahong sabi ng doktor.

Nablanko ang isip ko ng sabihin iyon ng doktor.

Tinapik niya ang aking balikat at pinalakas niya ang loob ko nang ngumiti siya.

" Magpakatatag ka misis. Magdasal lang tayo. Aaminin kong damaged na ang kanyang mga mata dahil sa mga bubog na nakita namin doon. Pero hindi ibig sabihin non ay hindi na sya makakakita. Pagkagising niya ay doon natin malalaman kung kailangan nya ng operasyon o eye transplant. Let's just pray for a positive result. Nothing is impossible with Him. " wika pa nung doktor.

Napa iyak na lang ako sa sinabi niya. Tingnan ko si tatay na lihim na lumuluha sa sinapit ni Enrique.

May sinabi pa ang doktor pero wala na akong narinig. Pumikit na lamang ako at nagdasal. Si Roy na ang umasikaso ng lahat.

***

Nasa recovery room na kami. Dumating ang asawa ni Roy at pansamantalang iniuwi ang anak ko.

Si tatay at si Roy ang kasa-kasama kong nagbabantay kay Enrique. Lumapit ako sa kama ng asawa ko at hinaplos ko ang kanyang ulo.

Awang awa ako sa kanya. Panay pasa ang buo niyang katawan. May cast ang kanyang binti dahil sa fracture na tinamo niya. Pero sabi ng doktor ay hindi naman daw ganoon kalala. Talagang yung mga mata lang niya ang napinsala.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung anong mangyayari.

Tumayo ako saglit para kumuha ng tubig. Pero biglang umikot ang paningin ko. Napahawak ako sa aking ulo.

" Sandra, anak! "

Iyon ang huli kong narinig. Ang pagtawag sakin ni tatay.

*********

To be continued.....

AN: Very short update to end this weekend.

Guys, please wag umasa, masasaktan ka lang. Char! Hindi nga. Seryoso, wag po kayong mag expect sa kwentong 'to lalo na sakin. Gustuhin ko mang bigyan kayo ng magandang flow at istorya ay hindi keri ng aking writing skills. Huhu.
Honestly, nape-pressure ako sa story na' to. Kaya please po wag kayo masyadong mag expect kasi isang hamak lang akong hampas'writer'.

PS. I'm considering Book 2 for this story. Bahala na.

Beyond ReasonsWhere stories live. Discover now