A KathNiel Story: Chapter 2

8.2K 112 21
                                    

eto po ang chapter 2 ng storya na ginagawa ko. :)))) sana naman magustuhan niyo. LOL

_______________________________________________________________________

Kathryn's Point of View

Uwian na. "Bye Julia!" sabi ko kay Julia kasi pauwi na rin siya..

Nakarating na ako sa bahay at nagaral na... 

"Kathryn!!! Anak bumaba ka dito, may bisita ka kaklase mo daw!" sumigaw si Mommy galing sa baba.."Okay po Ma, bababa na po!!!" sigaw ko naman. Sino naman kaya yun? Baka si Julia lang..

Pagbaba ko sa hagdan, may nakita akong lalaki sa may sala. Sino naman yung lalaking yun? Wala naman akong ka-close na lalaki ahh.. Tapos humarap na siya.. Nagulat ako SIYA pala.. Oo SIYA nga.. Si Mr. Heartthrob ng school namin..

"Hello Kath!" sabi niya nakangiti na naman.. Ang gwapo talaga niya pag nakangiti..:"> Ano ka ba tumigil ka nga Kathryn!! Kalimutan ko na dapat na crush ko siya dahil alam ko namang hinding hindi niya ako magugustuhan... Sa pangit ko ba namang toh? hahaha. nagdrama ba?

"Ah.. Hello Daniel. Bat ka nandito?" tanong ko sa kanya...

"Magpapaturo sana ako para sa quiz natin next week sa Math..:)" Ayan ngumiti na naman siya ng pagkalaki-laki hahaha..:"> LOL. Aba himala kinakausap na ako at magpapaturo pa. Bakit kaya ako naisip nitong magturo sa kanya?

"Bakit ako?" Oh Kath wag kang assuming diyan hahaha...

"Ikaw kasi ang naisip kong magaling sa Math, di kasi ako magaling masyado sa Math eh, tsaka malapit lang ang bahay ko dito, di mo ba alam?" sabi ni Mr. Heartthrob.

Ha? Malapit lang? Ahh oo nga noh? Magkatapat lang nga pala ang bahay namin. Sorry naman! Dahil sa sinabi ko dati na hindi ko na iisipin na may crush ako sa kanya nakalimutan ko na magkatapat lang ang mga bahay namin..

"Ahh oo nga pala..Alam ko yun." sabi ko naman, medyo natatawa.. "Sige magsimula na tayo mag-aral" Kinuha ko na yung libro namin sa Math at nagsimula na kaming mag-aral..

Kung ano-ano na naturo ko sa kanya tapos binigyan kami ni Mommy ng snacks.. Kumuha ako nung sandwich tapos nagkasabay kami kumuha, nagkapatong yung mga kamay namin..at nagkatinginan kami...

_____________________________________________________________________

Please vote:) and put a comment:)

next chapter tomorrow.:))

A KathNiel StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon