Chapter 7: Hasmin Salamin

34 2 9
                                    

A/N: At dahil naka 200 reads eto naaaaaa!!! Salamuch! :D

Chapter 7: Hasmin salamin

"Viola?" Tinanong niya ko.

Huh? Viola? Sino yun?

Bago pa ko makapagreact at maitanong sa kanya yun, laking gulat ko na lang ng bigla na lang niya kong tinignan ng masama at parang galit at nandiri siya sakin. Bigla na lang din niyang dinampot yung salamin ko saka patuloy na nagmadaling umalis.

What the heck?!

What just happened?!

Problema nun? Dahil ba nabunggo ko siya kaya siya ganun? Magsosorry naman ako ah? Bakit niya ko kelangan tignan ng ganun?!

HAY NAKO! Sayang lang ang ganda niya! Nasira ng ugali!

At sino naman yung Viola na yun?!!

"Jazz? Are you ok?" Tanong sakin ni Ace.

"Huh? Ah...yes. I’m fine..." I answered absentmindedly. Prinoprocess ko pa din yung mga nangyari...

"Really now? I'm fine, huh? You know? That’s the number one lie most people tell. More than the ’I agree with the terms agreement’ that no one ever reads." Ace pointed out.

"Hay nako Ace! Wala kong panahon iprocess yung mga english mo ha!" Sagot ko naman, although nagets ko naman talaga yung sinabi niya.

Tama naman kasi siya eh.

"See? Nakakunot yung noo mo oh! Asan yung ’I’m fine’? Sa muka mo pa lang wala na eh!"

"Wow! Eh alam mo naman pala magtatanong ka pa!"

"Sungit mo naman! Nagaalala lang yung tao eh..."

"Nakita mo ba yung nangyari?! Sinong magdidiwang dahil dun? Porket nabunggo ganun na agad?! Wagas makatingin!"

"Oh tama na. Tama na. Malay mo naman may problema yung tao? Di natin alam kung ano yung pinagdaanan niya diba? Hayaan mo na yun." Sabi naman ni Ace.

"Eh kung may problema siya, eh bakit nandadamay pa siya?! Pwede naman niyang---"

"Ok. Ganito. Isipin mo na lang constipated siya. Ok na? Diba yun yung madalas mong sabihin sakin dati pag may gusto kong suguring nangaway sayo?"

Napatigil ako.

Oo nga no! Baka nga constipated?

"Uyyyy...ngingiti na yan!" Pangaasar pa ni Ace.

At di ko na nga napigilan mapangiti. May ngiti din kasi si Ace na hindi mo mapipigilang mahawa eh. Mapapangiti ka rin talaga eh.

"O diba? Malay mo nagmamadali siya pumunta sa cr tapos nabunggo mo pa! Sayang din yung ilang minutong yun! Saka malay mo kaya nagkaganun yung tingin sayo kasi hirap na hirap na siyang pigilin yung...alam mo na? Tapos tapos---"

"HAHAHAHAHAHAHA! Tama na Ace! Oo na! Oo na! HAHAHA! Sakit na sa tiyan!" Humagalpak naman ako sa tawa. May point kasi talaga si Ace eh!

"Ayan. Mas bagay sayo nakangiti. Ang ganda mo oh..." sabi niya sakin.

Medyo natigilan ako dun sa sinabi niya ah. Nakakagulat din palang masabihan na maganda ka. Mapapangiti na sana ko kaso...

"Nagmumuka kang gurang pag nakasimangot eh. Hahahahaha!" Dagdag pa ni Ace.

"Ah ganun? Gurang ah? Ok na sana eh! Dinagdagan mo pa eh! Tss!" Sabi ko naman na may kasamang hampas siyempre!

"Araaay! Bugbog sarado talaga ko sayo Jazz eh! Pero seryoso naman ako ah. Maganda ka. Lalo na pag walang salamin. " sabi naman niya. Kumindat pa!

"Oh shoot! ACE! Yung salamin ko!!! Kinuha niya yung salamin ko! Ace! Kinuha niya yung salamin ko!!!" Sabi ko sabay takip sa muka ko.

"Eh bakit mo tinatakpan yung muka mo?" tanong niya sakin.

Tinignan ko lang siya. Tinaasan naman niya ko ng kilay. Nagaantay siya ng sagot.

Huminga muna ko ng malalim. Mahaba-habang paguusap na naman to kung sakasakali...

"Ace... Ano ba? Eto na naman tayo. Diba antagal ko ng sinagot yung tanong mo na yan?!" sagot  ko sa kanya. 

"Yun nga Jazz eh. Antagal ng issue yan pero hindi mo pa rin sinasabi sakin yung totoo. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit nagsusuot ka ng salamin kahit wala namang grado yung mata mo. Medyo, maiintindihan ko pa kung ngayon mo lang ginawa yan. Pagkakaalam ko kasi yan yung uso ngayon eh. Kaso, Jazz! Bata pa lang tayo gawain mo na yan eh. Ikaw nga ata nagpauso ng ganyang porma eh!"

"Ace..."

"Ano bang meron? Ganun ba kaseryoso kaya hindi mo masabi sakin? Diba magkaibigan naman tayo? Di ko kasi talaga gets Jazz eh. Gusto mo itago yung muka mo? Bakit? Maganda ka naman ah? Bakit kailangan mong itago?"

"Ace...please?"

"Jasmine."

Oh no! Lalo kong kinabahan. He never calls me Jasmine unless he's serious about something.

"C'mon Ace! Alam mo naman na yun diba?"

Tinignan lang niya ko.

Shocks! Nakakatakot talaga si Ace pag ganito siya. 

Sasabihin ko ba?

Nagtitigan lang kaming dalawa for a while. Parehas ayaw magpatalo.

Pero ako yung unang umiwas ng tingin. Ayokong nakikitang ganyan si Ace.

But I've decided.

"Ace...Sorry..."

"...I have my own reasons."

"I have my own reasons..."

Sabay naming binanggit.

"Yan naman lagi mong sagot eh." sambit pa niya. Sabay umiling at nagwalk out... 

_______________________________________________________

A/N: Halaaaaaa!!! Tingin niyo bakit ganun? Any assumptions? ;)

Thanks for Reading!!!

VOTE! COMMENT! :)

More Than Meets the EyeWhere stories live. Discover now