Liù

32.9K 1.1K 34
                                    

PATRICIA POV

Nagising ako dahil may kumakatok sa pinto ko mukhang si manang ito dahil kung si mommy ito ay pangbubunganga ang gagamitin niyang pang gising sakin o kaya naman papasok agad ito sa kwarto ng hindi kumakatok.

"Ishia, gumising kana kakain na!" Malakas na sabi ni Manang sakin. Kinusot ko ang mata ko at kinapa ang phone ko para tignan kung anong oras na. Maaga pa at sobrang sakit ng mata ko dahil sa kakaiyak kagabi. Bumangon ako at sinuksok ang cell phone sa bulsa ng short ko.

"Opo, gigising na. Give me a One hour manang I'll be there." Sabi ko kay manang na nasa labas ng kwarto ko. Pumasok ako ng cr at tinignan ang mukha ko sa salamin na nasa itaas ng sink. Ilang beses pa ako napakurap at nilapit ang mukha ko mismo sa harap ng salamin dahil hindi ako makapaniwala sa itsura ko.

What the heck? bakit ganito yung itsura ko? para akong zombie! Magang maga yung mata ko at nakalimutan ko pa tanggalin yung make up ko sa mata dahilan para kumalat ito noong umiyak ako.

Napabalikwas ako ng mag vibrate ang phone ko sa bulsa ng short ko. Kinuha ko ito at tinignan kung ano ang natanggap na notification. Puro sa social media at isang message galing kay francheska na agad kong binuksan.

Francheska:

Patricia, guess what? Sinagot ko na yung bestfriend mo. Oh my G!! ang saya ko. Are you free today? Let's meet in Arca yard. See yah!

Hindi ko alam kung ilang minuto kong tinitigan ang message ni francheska at nag iisip kung te-text ko ba ito na hindi ako makaka sipot sa meet up namin dalawa.

Ayoko siyang lalo na dahil sila na ni Flex baka ma-insecure lang ako pero kasi napaka babaw ko naman kung iyon lang ang dahilan para hindi ko siya siputin at kaibigan ko pa rin siya kahit papaano.

"Patricia, ano ba?! sabi ni Manang One hour. Mahigit isang oras kalahati kana diyan. Pinaghihintay mo ang pagkain mo. Bilisan mo kung hindi wala kang makakain ng isang linggo." Banta ni mommy sakin napabuntong hininga na lang ako at napailing saka binilisan ang pag lilinis ng katawan ko.

Ilang minuto palang ako sa loob ng cr pero para kay mommy isang oras at kahalati na iyon. One of the impatient people in the earth.

Matapos ko gawin ang morning skin routine ko ay bumaba na ako at pumuntang kitchen para doon kumain. Ayoko sa dining hall ako lang naman mag isa kakain.

Naabutan ko pa si mommy na patapos ng kumakain sa kitchen table tinitigan niya ako ng masama at alam ko na ang ibig sabihin nun. May kasalanan naman ako sa kanya.

Sabi ko kasi One hour at hindi ilang minuto lang! May tao bang pag pasok palang sa cr tapos na agad maligo? Diba wala. Symepre matagal maligo! Hays.

Pag katapos kong kumain ay pumunta agad ako ng Arca yard. Hindi ako nag commute dahil hiniram ko ang kotse ni mommy kaya mabilis akong nakapunta. Buti na lang at walang check point dahil wala pa akong driver license.

Habang nandito ako sa Arca yard ay tumingin tingin muna ako sa mga tindahan ng pagkain dito sa loob. Wala akong balak bumili dahil mahal at busog pa ako. Ang dami din mga couple na nandito para kumain.

Thirty minutes. Ganyan katagal ako nag hintay kay francheska bago ito dumating sa meeting place namin.

"Patty, I'm sorry. Galing pa kasi ako kila flex. Pinakilala pa niya kasi ako sa family niya." Paliwanag nito sakin habang malaki ang ngiti sa labi. Umupo siya sa upuan sa harap ko at inimom ang mineral water na kanina pa niya hawak.

Patty? Si flex lang ang puwedeng tumawag nun sakin!

"Patty, ganun ba talaga yung kapatid ni flex? ang brat masyado! binigyan ko kasi siya ng regalo ang sinabi pa naman niya hindi daw siya tumatanggap ng suhol." Malungkot na sabi nito habang nakalabi pa sakin.

Mukhang seryoso si Flex sa kanya. Hindi nagpapakilala si flex ng babae sa pamilya niya kung hindi ito seryoso sa pakikipag relasyon.

"Trish, on the earth." Sabi nito sabay wagayway ng kamay niya sa harap ng mukha ko.

"Huh?" Sambit ko ng matauhan ako sa pagkakatulala.

"Hello, kanina pa ako nag ku-kwento pero hindi ka nakikinig. Are you ok?" Sabi nito  habang nag aalalang naka tingin sakin.

"Yeah, I'm ok." Masayang sambit ko habang naka ngiti saka nag iwas ng tingin dito.

"Patricia,  try mo kayang magkaroon ng boyfriend tapos double date tayo? Good idea right?" Masayang tanong nito sakin habang parang kumikinang pa ang mata nito dahil sa naisip niyang ideya.

Ganda ng idea mo. Try mong makipag hiwalay kay Flex? Mas nakakatuwa iyon. Parang ang dali magkaroon ng boyfriend ah? Ang hirap kaya lalo na kung hindi naman ideal yung face mo.

"Okay." Walang ganang sabi ko sa kanya.

"Patty, can you help me? bibigyan ko kasi ng gift si Flex tutal ikaw ang bestfriend niya alam mo kung ano ang gusto niya." Sabi niya sakin habang naka ngiti at kinikilig.

Ano kaya kung tanggalan ko ito ng ngipin ng hindi na maka ngiti at pagkatapos ipa- murder ko?

( ̄∀ ̄)

"Sigesige!" Masayang sabi ko dito. Paumalakpak pa ito dahil sa pag payag ko sabay yakap sakin ng mahigpit at nag paalam na bibili lang ito ng pagkain dahil nagutom siya bigla.

Napangisi ako ng may pumasok na masamang ideya sakin. Mag su-sugesst ako na bibilhin niyang regalo na kinaayawan ni Flex para ma turn off ito kay francheska.

I Fell Inlove With My Bestfriend (UNEDITED)Where stories live. Discover now