33.7K 1.2K 45
                                    

Matapos ang ilang minuto sa pag upo sa bench at pag iisip sa lugar na iyon ng mga bagay-bahay nag desisyon na akong umalis sa mall at pumunta sa East City. Kung saan pinapapunta ako ni Luther dahil may importante daw itong sasabihin.

"Luther!" Malakas na tawag ko ng makita ang lalake sa hindi kalayuan. Kumaway ako dito saka nag lakad ng mabilis para puntahan na ito at alamin kung ano ang importante niyang sasabihin sakin.

"Oh, you are here." Sambit nito sakin ng maka harap ko ito. Ngumiti ito sakin at ginulo ang buhok ko na lagi niyang ginagawa sa tuwing nagkikita kami.

Dati ko pang napansin lahat ng kakilala kong mga lalake pag nakikita nila ako ay ginugulo nila ang buhok ko. Hindi ko alam kung ano at bakit para saan iyon.

"What is the important message that you wanted to talk about that can't talk it on the cellphone, Luther?" Iyan agad ang bungad ko sa kanya habang naka taas ang kilay.

Hindi ako galit sa kanya binibiro ko lang ko ito na galit ako sa kanya para next time ay through phone na lang kami mag usap kung may importante siyang sasabihin dahil puwede naman iyon. Sayang ang pamasahe.

"Here open it." Sabi nito matapos niyang ilabas ang isang black envelop at ibinigay sakin. Tinitigan ko muna ito saglit sabay baling ng tingin sa kaharap kong lalake na kanina ay naka ngiti ngayon sobrang seryoso nito. Kinakabahan tuloy ako!

Dahan-dahan ko itong binuksan at kinuha ang isang plain na papel na naka tuping maayos sa loob ng envelop saka ito binasa.

London College of Fashion.

Dear Ms. Alcantara Patricia,

We would like to Announce that you are one of the takers who pass the exam for fashion designer. Your great talent can make a huge contribute in fashion industry.

Congratulation.

Mr. Vygotky, H.

"Congratulation, Patricia!" Malakas na bati ni luther sakin. Habang ako parin ay naka tulala sa papel na hawak ko dahil hindi makapaniwala na naka pasa ako sa fashion industry.

"Nanaginip ba ako? Totoo ba ito? Luther, sigurado ka bang naka pasa ako?" Sunodsunod kong tanong sa kaharap kong lalake habang nanlalaki ang mata at mahigpit ang hawak sa papel na natanggap.

"You're not dreaming, you are fully awake. And you pass the exam." Masayang sabi nito sakin sabay gulo naman sa buhok ko at akbay nito sakin saka tumawa ng malakas.

Umalis ako sa pagkaka akbay nito at nagtatalon sa tuwa saka pinaghahampas ito sa braso. Tumigil lang ako ng ma-realize kong nasa East City ako kung saan maraming tao na ngayon ay naka tingin na sakin.

Nakakahiya!!

Matapos ang ilang oras ay naka uwi na ako sa bahay namin. Nag celebrate pa kami ni luther sa pagkaka pasa ko ng exam kaya medyo natagalan pa at sobrang daldal nito.

Hindi ko siya maitindihan pag dating sa ibang babae ay tahimik ito pero pag dating sakin akala mo ilang years kami hindi nakapag usap dahil ang dami niyang kuwento. Natutuwa naman ako dahil alam kong komportable kami sa isa't isa. Pang second crush ko siya.

Natauhan ako ng biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Agad ko itong binuksan at bumungad sakin ang mukha ni Flex. Tinitigan ko lang ito saglit saka nag lakad na pabalik sa kama upang umupo at tignan ito ulit.

"Oh, why are you here?" Tanong ko matapos itong umupo sa kama ko na naka harap sakin. Hindi ito nag salita at nakatingin lang ito sakin.

What's wrong with him? Nakaka trauma ba kasama si Francheska kaya ganito siya ngayon hindi makapag salita sa harap ko?

"I have something to tell you." Seryoso niyang sabi sakin na hindi pa rin inaalis ang tingin nito sakin. Yumuko naman ako at pinaglaruan ang kamay ko.

"Ano naman yun?" Mahinang tanong ko dito pagkatapos ay inagat ang ulo habang naka ngiti sa kanya. Kunwari strong.

"Kami na ni francheska. Sinagot niya na ako." Sabi nito sabay dahan-dahan nito pinakita ang masayang niyang mukha  sabay yakap ng mahigpit sakin.

Wait. Ano daw? Sinagot na siya? Pucha. Kanina na lang ay nanliligaw palang ito tapos sinagot niya na? Bakit ang bilis? Ganito ba kagusto ni francheska si flex ng sagutin niya ito ng mabilisan?

"What the heck?" Biglaan na sabi ko ng matauhan ako sa sinabi nito sakin habang naka taas ang kilay. Inalis naman niya ang pagkakayakap sakin at tinignan akong naka kunot noo.

"I mean what?" Pag ibang tanong ko sa kanya sabay tinulak ito ng mahina para medyo lumayo sakin dahil ang lapit ng mukha nito sa mukha ko.

"Sinagot na ako ni Francheska. Yung kaibigan mo sinagot na ako. Itong bestfriend mo ngayon sinagot na." Ulit nitong sabi sakin pagkatapos ay ngumiti saka ginulo ang buhok ko.

Parang gusto ko na lang kainin ng lupa hindi dahil sa kahihiyan kung hindi sa nararamdaman ko ngayon. Akala ko talaga na game lang ito para sa kanya.

"Kelan?" Mahinang tanong ko dito saka pinilit na ngumiti para makita niyang masaya ako sa nangyari sa kanya ngayon.

"Kanina lang sa may park. Akala ko talaga ay matagal pa niya ako sasagutin pero nabigla ako ng sagutin niya ako. Ilang beses ko pa siya tinanong kung sure ba siya at parang ang bilis naman pero sabi niya gusto naman namin ang isa't isa kaya bakit pa daw papatagalin." kuwento nito sakin. Habang naka tingin ako sa kanya nakita ko yung tuwa sa mata niya at sa pag express nito ng mga salita na lumalabas sa bibig niya.

"Okay, Congratulation kung ganun. I feel so tired, can you please leave? I'm sorry." Mahinang sabi ko dito sabay yuko ulit at pinag laruan ang kamay ko. Tumayo ito at ginulo ulit ang buhok saka nag lakad papalabas ng kwarto ko.

Hindi ko na kaya pigilan ang luha ko kaya pina alis ko na siya. Ang babaw ko. Ganito ba talaga pag nag mahal ka? Nagiging mababaw ka? Nakaka asar at ang sakit. Ayoko nito. Kanina lang masaya ako dahil sa pagkaka pasa ko ng exam pero ngayon hindi na. May expiration pala ang saya. 

Tahimik lang ako umiiyak dahil baka nasa labas lang ng pintuan si Flex at hindi pa ito umaalis. Humiga ako at tinabunan ang mukha ko ng unan habang kagat kagat ang labi para pigilan ang hikbi.

Kelan ba nag simula itong pagkaka gusto ko kay Flex? Dati naman wala ah. Bakit ba kasi ako nagka gusto sa kanya? Dapat nanatili na lang ako bilang kaibigan. Bakit pa kasi ako nag hangad pa ng mas mataas pa doon? Kasalanan ko ito.

I Fell Inlove With My Bestfriend (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon