Chapter 24: Ilog Pasig

1.9K 59 1
                                    


Napakalamig ng hangin ng gabing iyon. Mahamog sa bawat lansangan. Basang basa pa rin ang semento dahil sa katatapos lamang na bagyo. Ramdam pa rin ni Ricardo ang malamig na hangin habang tinatahak niya ang isang kalye sa Tondo. Kaunti lang ang mga dumadaang sasakyan ng mga oras na iyon. Mangilan-ngilan lang din ang makikitang tao sa daan.

Dis-oras na ng gabi pero ano ang ginagawa ni Ricardo sa lansangan ng Maynila? Habang wala sa sariling naglalakad ay patuloy ang pagbuhos ng kanyang luha. Nagdurugo ang kanyang puso at pakiramdam niya'y pinagsakluban siya ng langit at lupa nang mga oras na iyon. Malalim ang kanyang iniisip habang sya ay naglalakad. Ang kanyang mga paa ay punong-puno na ng putik mula sa squaters area na kanyang dinaanan. Ilang sandali pa, nakasalubong niya sa gitna ng kanyang paglalakad ang kanilang kapitabahay na si Tisoy.

"Oh pre, madaling araw na ah, nasa labas ka pa? Saan ang punta mo?" anito.

Tumingin ng masama si Ricardo dito. "Buti pa,wag kang humarang sa dinaraanan ko!" sigaw nito.

"Oh cool ka lang tol!" saka ito tumabi sa daan.

Nagpatuloy ang binata sa paglalakad at mas binilisan pa. Hinabol naman ito ni Tisoy.

"Pre, b-bakit, may problema ba?!"

"Pwede ba, wag kang makialam!!?" galit na galit na wika ni Ricardo.

Dahil doon ay nanibago si Tisoy sa inasal ni Ricardo. Hindi ganun ang pagkakakilala nya sa kanyang kapitbahay. Para makaiwas sa gulo ay pinili na lang niyang huwag sundan ang binata.

***

Wala sa sariling tumayo sa gilid ng tulay si Ricardo. Matagal niyang pinagmasdan ang ibabang bahagi nito na tila pinag-aaralan kung gaano ito kataas.

"Oh mahal ko. Bakit mo ako iniwan? Hindi ko kayang mabuhay sa mundo kung wala ka na. Kung nasaan ka man, susundan kita. Gusto ko nang wakasan ang buhay kong ito. Wala na akong silbi kung wala ka na. Buong buhay ko, inilaan ko na para sa iyo."

Tatalon na sana si Ricardo nang may narinig syang palakpak mula sa madilim na bahagi ng kanyang kinaroroonan.

"Sino ka? Magpakita ka!" bulalas ni Ricardo.

Lumabas ang isang binata mula sa kawalan. Nakangiti ito at patuloy sa pagpalakpak. Dahil sa dilim, hindi makilala ni Ricardo kung sino ang misteryosong lalake. Naglabas ito ng sigarilyo mula sa bulsa at pagsindi ng lighter, doon na niya naaninag ang mukha nito.

Natigilan si Ricardo. "Oliver?? Ano ang ginagawa mo rito?"

"Hahahaha! Pag-ibig nga naman, lahat gagawin masunod ka lamang." Patuloy sya sa pagpalakpak.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Ricardo.

"Tama nga, nagiging hangal ang taong tinamaan ng pana ni Kupido. Nagiging mangmang sa kung ano ang tama sa mali. Minsan hindi na nya alam ang kanyang ginagawa. Bilib naman ako sa iyo Ricardo, sa kabila ng nangyari sa nobya mo, magagawa mo pang magpakamatay para sa kanya. Dapat sa iyo, ginagawan ng rebulto gaya ng mga santo sa simbahan," natatawang wika ni Oliver. "Wag ka mag-alalala. Pag patay ka na, may susunod na sa rebulto ni Rizal..." Humithit sya ng usok sabay buga sa malamig na hangin. "Baket, gusto mong ibuwis ang iyong buhay sangalan lamang ng pag-ibig?" Inilapit ni Oliver ang kanyang mukha kay Ricardo.

Sa mga oras na iyon ay hindi parin maintindihan ni Ricardo ang mga sinasabi ng kanyang matalik na kaibigan.

"Oliver, anong lalaman mo sa pagkamatay ni Mary?" Kinakabahang tanong niya.

"Alam mo, ang sarap ng nobya mo... Literal na lasang cherry ang kanyang katawan. Parang candy sa tamis." Inilabas niya ang kanyang dila at pikot iyon sa kanyang nangingitim na labi.

"HAYOP KA! BAKIT MO SYA PINATAY!!!?" kasabay ng malakas na suntok ni Ricardo kay Oliver. Sa lakas nito ay napatumba niya ang kanyang kaharap.

Pinilit ni Oliver na makatayo. Dumugo ang kanyang bibig pero hindi parin nawawala ang kanya ang nakakapikon na ngiti. Pinunasan lamang niya ang kanyang dugo gamit ang matigas niyang kamao. Gusto niyang makaganti kaya naman agad siyang sumugod kay Ricardo at sinuntok din ito ng malakas sa mukha.

"PAAAAK!"

Doon na sila nagsimulang magpalitan ng malalakas na suntok at sipa. Kumuha si Oliver ng malaking kahoy at sinubukan iyong ipukpok sa ulo Ricardo subalit nakaiwas ito. Sinipa naman ni Ricardo si Oliver sa tiyan at ininda naman nito ang sakit na sinapit.

Nagpalitan sila ng malalakas na suntok, sipa, tadyak at buntal. Bawat isa sa kanila ay hindi magpapatalo. Handa silang magpatayan dahil sa sobrang galit sa isat-isa. Sa yugtong iyon ay kinalimutan na nilang minsan silang naging matalik na magkaibigan.

Halos maghilamos na ang dalawa sa sarili nilang dugo. Nagpagulong-gulong sila sa lugar kung saan maraming basag na salamin. KRAAAAAAASH!!!

Hindi na makatayo ang dalawa. Pareho silang duguan at may malalaking pasa sa katawan. Pinilit ni Ricardo na makatayo pero nabigo siya.

Katulad ni Ricardo ay pinilit din ni Oliver na iunat ang kanyang katawan at tumayo. Tiniis nya ang sakit ng kanyang katawan. Halos hindi na siya makilala dahil sa dami ng dugo sa kanyang mukha. Nagawa naman niyang bumangon at agad na dumampot ng matalim na bubog.

"O-Oliver," wika ni Ricardo sabay suka ng dugo.

Papilay-pilay na lumapit si Oliver kay Ricardo. "Hehehehe! Sa ngayon Ricardo, matutupad na ang kahilingan mo. Makakasama mo na si Mary Chua. Hahahahaha!"

"Wala kang kasing sama!" sigaw ni Ricardo.

"Akala ko ba kaibigan mo ako? Bakit mo inagaw ang babaeng naging parte na ng buhay ko!? NGAYON Magsama- sama NA kayo sa impyerno!" sabay sipa sa tagiliran ni Ricardo.

"Ahhhrrrrgggg!"

"Kung gaano kasakit ang gagawin kong pagsaksak sa iyo, ganun din kasakit ang ginawa ninyo sa akin!" wika niya habang pinapakita ang isang napakatalas na pahabang bubog kay Ricardo.

"P*tang In* nyo!"

Walang awang panagsasaksak ni Oliver ang bawat bahagi ng katawan ni Ricardo. Sa sobrang galit ay hindi nya ito tinigilan. Sinaksak niya ito na tila hayop.

"SINIRA NYO ANG BUHAY KO! SINIRA NYO ANG BUHAY KO! SINIRA NYO BUHAY KO!!!"

Halos hindi na mabilang kung ilang saksak ang ginawa niya kay Ricardo dahilan upang magkalat ang masaganang dugo sa paligid.

Damang-dama ni Ricardo ang bawat pagpasok ng mahabang bubog sa kanyang katawan. Hindi niya maipaliwanag na sakit na kanyang nadarama. Hindi na niya nagawang magsalita pa. Nagsimula nang manginig ang kanyang katawan. Nagdilim na ang kanyang paningin hanggang sa tuluyan na lamang niyang ipinikit ang kanyang mga mata.

Sa kabila nito, wala pa ring humpay sa pagsaksak si Oliver sa katawan ng kaibigan. Tuwang-tuwa pa ito sa kanyang patuloy na ginagawa. Alam na niyang wala nang buhay si Ricardo ngunit patuloy pa rin sya sa pagsaksak.

Halos magkalasug-lasog na ang katawan ni Ricardo dahil sa grabeng tinamo nito. Ilang sandali pa, nakaramdam naman ng pagod si Oliver kaya sandali itong huminto sa kanyang ginagawa. Tila may naisip na naman siyang panibagong ideya kung ano ang susunod na gagawin niya sa bangkay.

Matapos iyon, nagpasya nalamang siyang itapon ang bangkay ng kaibigan sa Ilog Pasig dahil wala siyangibang maisip na paraan upang mailihim ang krimeng ginawa. "Ikamusta mo  nalang ako kay Mary! At sabihin mong mahal na mahal ko sya," nakangiting sabi ni Oliver habang lumuluhang animo'y isang baliw.


In Loving Memory Of Mary Cherry ChuaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon