Chapter 21: Payo

2.1K 59 0
                                    




Kulay abo ang kalangitan ng hapung iyon. Malamig rin ang hangin na syang dahilan ng pagwagayway ng bandilang nakapwesto sa gitna ng St.Caedwalla Academy.

Tulad nang nakagawian, mag-isa nanaman si Oliver sa likod ng malaking gusali ng kanilang paaralan. Naka upo lamang siya sa damuhan at nakasandal sa pader. Kanina pa sya dun nagtatago upang manigarilyo. Malalim ang kanyang iniisip at malayo ang tingin.

"Sarili rin natin ang syang gumagawa ng gulo sa ating buhay. Sana ang problema ay parang isang usok na lang na ibinubuga sa hangin. Unti-unti ay makikita itong nawawala. Kailan ko ba masasabi sa aking sarili na wala na ang bigat sa aking puso na syang gumugulo saken." Humithit muli ang binata sa malapit nang maubos na sigarilyo. Nilasap niya ang nakakahilong usok na nito, umaasa na baka dahil sa usok ay maglaho rin agad ang kanyang mga problema.

Matagal rin niyang pinagmasdan ang isang kwintas na may pendant na krus. Matagal na nya itong suot simula pa noong araw na binigay iyon ng dating nyang kasintahan sa kanya. Iyon nalamang ang naiwang bagay sa kanya na magpapaalala sa matamis na kahapon nila ni Mary. Kulay ginto iyon na kung itatapat sa liwanag ng araw ay sadyang kumikislap. Mahalaga para kay Oliver ang nasabing kwintas dahil simbolo iyon ng kanilang dating pagmamahalan.

Ganito nalamang ang palaging ginagawa ng binata tuwing sasapit ang hapon. Madalas wala na syang ganang pumasok sa mga subjects niya.

"KRIIIIIIIING!!!" tunog ng bell ng kanilang paaralan hudyat na oras na ng pag-uwi. Ilang sandali pa'y nagsilabasan na ang mga estudyante mula sa kani-kanilang classroom.

"Sa wakas pwede nang lumabas," bulong niya sa kanyang sarili.

Pikit mata nyang hinithit ang kapirasong siragilyo na kanyang hawak. Pagmulat niya, nakita niya si Mary na mag-isang papalabas ng gate. Pagkakataon na nya iyon upang kausapin ang dalaga. Agad nyang itinapun ang sigarilyo upang lapitan si Mary. Ngunit napahinto nalamang sya sa kanyang paglalakad papalapit sa dalaga nang makita nya si Ricardo.

Lumapit si Ricardo kay Mary at inakbayan nito ang dalaga. Matapos iyon ay sabay na silang naglakad palabas ng gate.

Muli na namang nadurog ang puso ni Oliver dahil sa kanyang nakita. Hindi talaga nya kayang makita na magkasama sina Mary at Ricardo. Subalit anuman ang kanyang gawin, wala na siyang magagawa. Bigo sya sa pag-ibig ni Mary. Ang dalagang kanyang minamahal ay wala nang pag-ibig sa kanya at sa iba na ito masaya.

Wala nang nagawa pa si Oliver. Naipikit na lamang niya ang kanyang mga mata kasabay ng biglang pagtulo ng kanyang luha.

***

Inalis ni Mary ang kamay ni Ricardo sa kanyang balikat. "Ricardo, diba ang sabi ko ay iwan mo muna ako?"

Napangiti nalamang si Ricardo sa inasal ng kanyang nobya. Ipinakita niyang wala dapat silang maging problema. "May nagawa ba akong masama? Galit ka ba dahil hindi ako nakadalo noong nakaraang JS prom natin?"

"Hindi yun. Sa ngayon, wag muna tayong magkita."

"Bakit naman Mary? Isang linggo ka ring absent sa school. Syempre bilang boyfriend mo, na-miss kita ng sobra." Napatitig si Ricardo sa dalaga. "Bakit may naging problema ba? Masama ba ang pakiramdam mo ngayon?"

"Wala yun. Walang problema sayo. Ako ang may problema."

"Mary, wag kang mag-alala. Alam ko naman na marahil ay pinagbawalan ka ng parents mo na makipagmabutihan saken. Ipinangako ko naman sayo diba, na hindi ako magiging masamang impluwensya sa iyo. Saka magiging mabuting boyfriend ako sa iyo."

In Loving Memory Of Mary Cherry ChuaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon