Step 8:

0 0 0
                                    

Be the best version of yourself.

Ano mahal mo na sarili mo? Natutunan mo na ba iaappreciatte ang sarili mo?


Now be the best version of yourself.

Hindi to katulad ng nababasa niyo na POV sa wattpad at napapanuod niyo sa teleserye na iuupgrade o magiimprove yung bida para lang patunayan sa ex niya kung anong sinayang niya. Para saken yun yung pinaka nonsense na reason para i-improve ang sarili mo. Ano aayusin mo ang sarili mo para lang mapamukha sa ex mo kung anong sinayang niya? Oo natural na isipin yun pero dapat hindi pa din dun yung focus mo. I-improve mo yung sarili para sa sarili mo. Do it for your own good.


Magpagupit ka, magpakulay ka o magshopping ka. Your choice pero dapat hindi puro physical dapat pati yung buong pagkatao mo. Lahat ng natutunan mo sa past relationship mo iapply mo or gamitin mo para iimprove ang pagkatao mo.

Before you look for the right person, be the right person first. Bago ka maghanap ng bagong love life eh ayusin mo muna sarili mo. Mas magfocus ka kung pano mo maiimprove ang sarili mo. Magaral ka or magtrabaho mabuti, magserve kay God etc.


Hindi naman issue kung gaano ka katagal mawawalan ng love life no. Habang wala kang pang love life ayusin mo sarili mo, mahalin mo yung mga taong nakapaligid sayo at most especially mahalin mo si God. Okay lang kahit ikaw na lang ang single sa tropa mo walang kaso yun. Wag kang maiinggit kasi ibig sabihin nun hindi pa tapos si God isulat ang love story mo.




Tandaan ang love hindi yan hinahanap kusa yan dumadating sa pinaka hindi inaasahang panahon at sa pinaka unexpected na tao kaya maghintay ka lang. Hindi ikaw ang lalapit sa love, ang love ang kusang lalapit sayo.


At wag ka matatakot mainlove ulit. Wag ka matatakot masaktan. Pain is part of love. You just have to wait for the person who is worth of all the pain. Love is the best feeling a human can experience ♡

Move OnWhere stories live. Discover now