Step 3:

5 0 1
                                    

Delete ALMOST everything



Tanggap mo na? Nasaksak mo na ba utak mo na wala na kayo?



Delete ALMOST everything.

Almost lang kasi hindi lahat.

Bakit hindi lahat? Kasi hindi naman lahat ng memories nyo masama kasi aminin mo man o hindi eh naging masaya ka sakanya kaya nga nahihirapan ka makamove on diba? Atska dapat baunin mo din lahat ng learnings mo sa past relationship mo para sa future.




Eh ano ang dapat idelete? Simple things. Lahat ng bagay na nagpapaalala sayo sakanya. Umpisahan mo sa number niya well based on my experience hanggat di ko pa kasi nadedelete yung number ni ex parang kusang pumipindot yung kamay ko para itext siya so yun. Delete his/her number para iwas tukso na rin na icontact pa siya. Kulitin siya or habulin. Hindi ko sinasabi na masamang maghabol okay? Pero ang paghahabol at pagpapakamartir ay may hangganan. Unli na load nga nageexpire eh kamartiran pa kaya?





Pag dinelete mo ang number niya, delete mo na din pati convo niyo phone mapatext man yan o chat or viber o kung ano man. Idelete mo na para hindi ka na mukhang ewan diyan na magbabasa ng convo tapos iiyak, magbabasa tapos iiyak. Hindi naman thursday para mag throwback ka. Alam mo na malulungkot ka pag binasa mo yun tapos babasahin mo pa eh di idelete mo na lang diba?





Delete mo yung pictures niyo together. Para saken isa to sa pinakamahirap gawin. Delete mo yung pictures niyo para bawasan naman yung mga bagay na nagpapaalala sayo sakanya. Oo memories yun pero kung tuwing makikita mo naman yun eh malulungkot at babalik ka nanaman sa Step 1 eh idelete mo na lang.






Kung may mga binigay siya sayo itago mo sa lugar na hindi mo makikita. Kung pwede mong ibaon sa lupa, ibaon mo! Pero wag mo itatapon sayang yun. Itago mo lang sa lugar na hindi mo makikita para hindi mo na msyadong maalala yung mga effort niya. Kung mas lalo mo kasi nakikita yung mga bagay na binigay niya sayo mas lalo mo lang siya maalala. Mas lalo mo lang maalala kung gaano mo siya kamahal.





For sure pag ginawa mo to sasabihin nanaman ng kaibigan mo na ang bitter mo. So what? At least patunay lang yun na nagmahal ka ng totoo. Hayaan mo sila hindi naman sila ang nagmomove on ikaw eh.


Simula kasi ngayon kailangan mo ng sanayin ang sarili mo mag-isa.

Move OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon