Chapter 70

55.8K 427 23
                                    

Hi guys! 

Sorry po kung ngayon lang ako makaka-update. Sobrang busy kasi nitong nakaraan kaya hayun. Thank po guys sa mga nagbabasa nito tsaka dun sa mga messages na natatanggap ko. :)) I Love you guys! ^_^ <3 

Thank you po talaga sa sumuporta ng story na to hanggang ngayon... Wala tong 5M reads kung wala kayo. Thank you po talaga... :)) Gusto ko kayong i-hug lahat! <3 Naiiyak ako grabe... :"> Thank you po talaga... Thank you po... *hugs*

PS: Kung gusto niyo lang po, Follow niyo ako sa Twitter... @Curisulalabear  

*** 

Chapter 70

Natalie’s POV

 

Kakarating ko lang dito sa hotel na paggaganapan ng ‘party’ na sinasabi nila. Actually, pagbaba na pagbaba ko pa lang mula sa sasakyan bigla akong nanlamig sa kaba. Natatakot kasi ako sa mga tao ngayon, imagine… all my life, kilala lang ako bilang isang simpleng tao na naging asawa ng isang lalaking gwapo at mayaman. At ngayon, hindi ko talaga aakalain darating sa punto na makikilala na ako ng mga tao bilang apo ng isa sa mga mayayamang tao dito. Ngayon kasi yung formal introduction sa akin ni Lolo, bilang apo niya at the same time as her heiress niya sa lahat. Nagdecide na kasi si Lolo na ako na yung magtake-over ng company niya, na dapat sana ay kay Lyle mapupunta nung ikinasal kami, gusto kasi nila na dapat daw na ako yung makinabang sa mga bagay na ako daw talaga ang nagmamay-ari. He can still have the right to manage our company, pero hindi daw muna ngayon. Para nga akong binuhusan ng malamig na tubig nun e! Imagine, ako? Magmamahala ng company and everything?! Eh yung pagiging simpleng maybahay nga lang ata di ko magampanan e :( Ikinababahala ko talaga yun kasi di ko alam kung kakayanin ko, pero sabi nila iguguide naman nila ako. So hayun, ayoko naming madisappoint sila sa akin kaya okay na. Pero di talaga ako makapaniwala na nangyayari sa akin ang mga bagay na to, I don’t even dreamed of this…

Actually, aside sa formal introduction blahblah na yan, birthday ko din ngayon… nakakatuwa nga kasi ngayon ko lang narealize na may ilang araw lang na pagitan ang birthday namin ni Lyle. After ko, siya naman… ang cute nga e! Parang meant to be lang! Chos~

Pero ang hindi ko lang alam, ay kung alam niya ba na birthday ko ngayon… di pa kasi talaga kami nag-uusap ng matino mula kanina. Hindi ko nga siya kasabay pumunta dito e, nauna kasi siyang umalis. May aasikasuhin daw siyang bagay.

“Happy Birthday, ulit Nattttttttt!!!~”

“Ang ganda mo girl!”

“Naiiyak ako para sayo Sis! Happy Birthday!”

Pagpasok na pagpasok ko sinalubong agad ako nina Ella, Lyka, Yana, Eunice at Christine. Natuwa nga ako sa kanila kasi, paggising na paggising ko mga messages agad nila yung tumambad sa akin. Nakakakilig lang~ I’m so lucky to have friends like them. Mga loka-loka xD

“Ang ganda mo ngayon girl, blooming na blooming! Halatang mahal na mahal ang Bebe niya~”

“No wonder kung bakit minahal ni Kokoy yan! Hahaha~”

“Agree! Happy Birthday Nats!”

Marrying My Mortal Enemy [Complete] [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon