Chapter 56

104K 649 214
                                    

Dedicated to JamaForShort. Idol ko yung pick-up niya e! XD 

Pick-up Line: 

CN: Alyssa

"Alyssa ka ba? Kasi ang sarap mong ALYsin SA buhay ko" 

CN: Yneh 

"Yneh ka ba? Kasi NaiYNEHs ako sa pagmumukha mo" 

O di ba panalo?! XD Laughtrip ako dito e :))

 ***

Oy! @lylemikaelforhel!!!! MASAYA KA NA?!~ Hahahaha

***

Chapter 56: 

Kyle's POV


Andito na ako sa loob ng kotse ko. Kakatapos ko lang kausapin si Ella about sa issue nung kay Lyle... Di naman siguro nakakapagtaka kung bakit mahuhulog si Lyle kay Natalie. Kumpara mo naman kay Yneh, si Natalie yung taong madaling mahalin. Yung tipong kahit na sa mga simpleng galaw lang niya, nakakatuwa na. Kaya siguro nahulog agad sa kanya si Lyle... at ako... 


Pero wala na akong magagawa kung hindi talaga kami itinadhana para sa isa't isa. Aaminin ko, kahit gwapo, sexy at hot ako at nasa akin na ang lahat ng bagay na gusto ng isang lalaki sa isang babae... Hindi ganun kakapal ang mukha ko para sa isang babae. Torpe din ako minsan

-_____________- 

Pero hindi na yun ang importante ngayon... Ang importante ay mabantayan si Natalie ng husto. Lalo na ngayong mahal na siya ni Lyle at maaring mahal niya na rin si Lyle. Anytime mula ngayon ay possibleng bumalik si Yneh...

Naalala ko tuloy yung pinag-usapan namin nung gabing yun... 

*Flash Back* 

Habang kinakausap ko ang Nanay ko, napatingin ako sa may stage kung saan nakita kong kumakanta si Lyle. Sabi ko na nga bat may problema tong isang to. Kilala ko siya, siya yung tipong hindi marunong mag-share ng mga problema sa ibang tao. Nagtaka ako dun sa tinitingnan niya, napansin ko kasi yung tingin niya ay halos malapit dito sa side namin. Sinundan ko naman yung tinitignan niya at nakita ko si Natalie, na kasalukuyan ding nakatingin sa kanya, eye contact siguro? 

[Luis? Anak? Andyan ka pa ba??? MAGSALITA KA NGA?!]

Naalala ko bigla na kausap ko pala si Mommy 

"Ma, baba ko na po muna, I'll call you later."

Tpos binaba ko na yung phone. Nakita ko namang umalis na palabas si Natalie... Susundan ko na sana siya, pero nakita ko na may babaeng tumayo at naglakad din palabas nung Bar. Kung hindi ako nagkakamali, yun si Alyssa Villacorte, yung girl friend ni Bryan Sandoval na may gusto kay Yneh noon. 

O_O

Bakit magkasama si Alyssa at Lyle??? Don't tell me na may something between them? Alam ba ni Bryan to?! Dam! Si Bryan ay isang Gang leader as far as I know... At kung hindi ako nagkakamali, malaki ang galit nito kay Lyle dahil nga kay Yneh. And now...... 

Marrying My Mortal Enemy [Complete] [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon