37 --- Trap

17.6K 866 142
                                    


"Isang araw, naging importante na sa akin ang mga ngiti niya."

________ _ _ __

ARES' POINT OF VIEW

"NGAYON KO LANG ULIT naramdaman ito, Damasen." Napatingin sa akin si Damasen habang inaayos niya ang mga buhangin niya. Lecheng mga buhangin, ang kalat tuloy sa sahig ng kwarto.

"Ang ano?" Tanong niya.

"Ang maging masama," simpleng tugon ko.

"Ha? Di kita maintindihan." Lumapit na siya at tumayo sa harapan ko. Inayos niya ang pagkakahati ng buhok niya sabay tingin nang masama sa akin. "Baka gutom ka lang?" 

Umiling ako. Hindi na ko naghahanap ng ganung klaseng pagkain. Hindi na ako papatay para mabusog. 

"Naniniwala ka bang posibleng tayong magmahal ng mortal?" Wika ko.

Tumawa nang tumawa si Damasen sabay sabing, "Nahihibang ka na ba?" Tumawa pa siya ulit. "At sino naman yang mahal mong mortal? Si Leah?" Tumawa muli siya pero pahina na ito nang pahina noong tumingin ako nang seryoso sa kanya.

Tumigil siya sa kakatawa at natahimik na lang.

"Seryoso?" Pambasag niya sa katahimikan.

Tumango lamang ako.

Napamura siya sabay sabing, "Kapag nalaman ni milady 'to, alam mong hinding-hindi niya ito magugustuhan." Mas lumapit pa sa akin si Damasen at humawak sa magkabilang balikat ko. "At alam na alam mo ang namamagitan kay Leah at Lucas! Tanga ka talaga 'no?!" 

Inalis ko ang mga kamay niya sa balikat ko. Tumingin ako nang masama sa hellhound na may wirdung buhok na 'to. Sinimangutan ko siya.

"Sige, ipagsigawan mo pa! Sige, ilakas mo pa baka di ko pa alam yan ha?!" Tinulak ko siya at naglakad ako hanggang sa kabilang dulo ng kwarto. Baka masipa ko lang siya nang di oras pag magkalapit pa kami. Nasa mismong harapan ko tapos sisigawan ako nang ganon? Aso siya. Aso. 

"Eh bakit mo minahal?" Tangang tanong pa ni Damasen.

"Malay ko! Hindi ko alam. Bakit, ginusto ko ba?" Tugon ko nang lumingon ako sa direksyon niya. "Kaya nga sinabi ko sa'yo na nagkakaron na naman ako ng masamang hangin sa utak eh." Sumandal ako sa pader. "Parang gusto ko na lang mawala si Lucas. Gusto ko na lang mamatay siya. Mawala ng parang bula."

Binato ako ng unan ni Damasen. Napamura ako sa gulat.

"Tanga!" Iyon lang ang sinabi niya at lumabas na siya.

Binato ko pabalik sa kama ang unan. Inis na inis ako sa sarili ko. Bakit ko ba kasi naramdaman ito? Hindi naman ako ganito noong umpisa. Bakit ba bigla na lang naging maganda sa paningin ko ang mortal na iyon? Isang araw, naging importante na sa akin ang mga ngiti niya. Sa kahinaan niya, parang pakiramdam ko'y kailangan ko siyang protektahan. Kahit nakakairita siya minsan, di ko kayang mairita sa kanya nang matagal.

Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang inis. Humarap ako sa salamin.

"Bakit ka ba kasi naging hellhound? Bakit hindi ka na lang naging mortal?" Tanong ko sa sarili ko.

Napabuntong-hininga ako.

"Tignan mo, kinakausap mo na ang sarili mo ngayon," Wika ko pa.

Umalis na lang ako sa harap ng salamin at dumiretso sa banyo. Kinuha ko ang tuwalya ko. Nakita ko ang tuwalya ni Damasen at dahil sa inis, kinuha ko ito. Pinunas ko sa inidoro at binalik ulit sa pagkakasampay nito.

"Tanga pala, ha?" Bulong ko sabay ngiti.

Naligo ako. Mabilis lang akong natapos. Nagbihis at lumabas na ako ng kwarto. Tinatawag ko si Damasen ngunit mukhang wala siya. Maging si Leah din ay wala. Nasaan ang dalawang iyon? Baka kung ano na ang ginawa ng dalawang iyon ah? Baka kung ano na ang sinabi ng hellhound na 'yon kay Leah?! 

Huminga ako nang malalim para medyo kumalma ako baka kasi bigla na lang akong maging hellhound at mag-apoy. Ayoko namang masunog itong tinitirhan namin.

Napagdesisyunan kong pumasok sa kwarto ni Lucas upang malaman kung buhay pa ba siya o patay na. Natawa ako sa sarili kong biro.

Sa pagpasok ko palang ay nakarinig na ako ng mahihinang bulong. Saka ko nakita si Lucas na nakatalikod at may kaharap na isang nilalang. Kung hindi ako nagkakamali----

Isang demonyo.

Nakaharap sa akin ang demonyo. Kalbo siya, puting-puti ang buong katawan, pulang-pula ang mga mata at sa bawat pagbukas ng bibig niya ay may dugong lumalabas mula rito. Nagkatitigan kami ng demonyo na iyon. Ngumiti siya nang malapad. Doon lang ako napansin ni Lucas at nilingon ako.

"Anong pangalan ng demonyong iyan, Lucas? Bakit ka nakikipag-usap sa tulad niya?" Agad kong tanong habang dahan-dahan na lumalapit sa kanila.

Malakas na tumawa ang demonyo. Palakas nang palakas. Nakakabingi. Napuno ng tawa niya ang buong kwarto habang si Lucas ay walang imik na nakatingin sa akin.

Ano naman kayang palusot ang gagawin nitong Lucas na 'to? Ngayong may rason na ako, pwede ko nang tapusin siya...

Sa isang iglap ay nawala ang demonyo at naiwan kami ni Lucas sa kwarto niya.

"Bakit hindi mo sinasagot ang tanong ko?" Muli kong pagtatanong sa kumag na 'to.

Tumalikod siya sa akin sabay sabing, "Wala kang pakialam, hellhound."

Nag-init ang dugo ko. Naramdaman ko ang pag-init ng balat ko. Hindi ko kaya ang ganitong klaseng kayabangan.

"Isa pa, bakit mo kausap ang demonyong iyon?" Tanong ko muli ngunit imbis na sagutin ang tanong ko ay umupo siya sa kama at kumuha ng libro't nagbasa. 

Hindi ko na kaya.

Unti-unti kong naramdaman ang paglabas ng mga buto sa katawan ko. Ang pag-iba ng porma ng katawan ko't paglabas ng mga matatalim kong pangil. Sa isang sandali ay lumitaw ako sa mismong harapan niya. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha nito. Kinagat ko ang librong hawak niya at itinapon ito.

"Ares ... ayoko ng away." Tanging sinabi ng gago.

Tumayo si Lucas at lumayo sa akin nang bahagya.Kita ko ang paglabas niya ng apoy sa kaliwa niyang kamay. Kung may mukha lang ako ngayon, baka tinawanan ko siya nang tinawanan. Anong epekto naman ng apoy sa isang hellhound na tulad ko? Hindi lang ako ang tanga rito, ito ring kumag na 'to.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Tumalon ako hanggang sa kayang-kaya ko na siyang sakmalin. Nakakapagtaka na hindi siya nanlaban. Nakapatong ako sa kanya at kung tutuusin, kayang-kaya ko na siyang tapusin ngayon,

Wala siyang ginagawa na kahit anong panlalaban. 

Hanggang sa napansin ko na nakatingin siya sa may likuran ko. Lumingon ako. Nakatayo si Leah at Damasen sa may pinto at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa amin.

"Ares, bakit mo papatayin si Lucas?"

Iyon lang ang lumabas sa bibig ni Leah... habang takot na takot na nakatingin sa akin.

________ _ _ __

Let Me Tell You About Lucas | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon