Short Story #2: Leslie at _______

1.1K 7 0
  • Dedicated to Alexandra Lhes
                                    

Ang sama ng pagkakatitig ng isang babae kay Leslie (Mendez) habang nagpapakalunod siya sa beer. Kung yelo lang siya, kanina pa siya natunaw. Mukhang permanente na ang pwesto ng mga mata nito na naka-align na naka-align sa kanya. Walang kurapan. Kahit may dumaan pa sa may gitna nila, pagkalampas nito, tiger-look pa rin ng stranger na ito ang bumabalandra sa kanya. Lumagok siya ng malaki. Sinubukan niyang umiba ng tingin, tapos ikot ulit sa pwesto ng nakatitig, wala pa ring pagbabago. Mukha na ngang picture. Gusto na niyang lapitan ang babae. Sumisirena na kasi ang dalawang tainga niya na may usok pang kasama. Balak niyang tumayo at lapitan ito, ilapit ang pisngi sabay sabing, “O.. sampalin mo na nga ako.”

Sinampal na nga siya.. pero hindi ng babaeng namamaya kung hindi ng bestfriend niya, si Bianca Reynoso, ten years ago noong elementary pa lang siya. Binigyan kasi niya ito ng laruang singsing sabay sabing, “I love you”. Noong first year high school siya, dito siya kauna-unahang nanligaw pero pangalawa niyang pagka-busted. Ang name ng girl ay Mary Ann de Ocampo. Tuluy-tuloy na ang panliligaw niya dahil sa pagbabakasakaling may magkamali sa kanya. Pero biglang naging perfect ang mga babae noon at hindi siya pinagsasasagot. Binasted siya ni Catherine Tan, ni Nikki Reyes, ni Aira Salvacion, Christine Cervantes, Rina Benito, Pia Roque, Cherry Quizon, Queenie de Ramos, Jamaila Luwalhati at Andrea Padillo. Ang bilang ng niligawan niya ay isang dosena na, hindi pa kasama ang dahilan ng kanyang paglalasing ngayon, si Krisha Lagrason. Ika-thirteen kasi ang babaeng ito na isa pa ring perfect.

Ang tugtog ay ang kantang Judas ni Lady Gaga. Sounds familiar talaga.

“I’m inlove with Juda-as. Judas..”

Ang daming tao, wet look. Nakakasilaw ang mga patay-sinding ilaw na iba-iba rin ng kulay. Masikip. Magulo. Maingay. Masaya.. pero hindi umabot ang aura na ito sa kinauupuan ni Leslie. Ang dami ng baso sa harapan niya, nadagdagan pa ito pagkaubos niya ng alak sa isa pa. Sinusuntok niya ang ulo at sinasabunutan ang buhok: “Ang hina mo talaga, Leslie. Wala kang kwenta.” Napatingin siya ng sumandali sa kanyang kanang pwesto. Nakita niya ang isang babaeng nakatitig sa kanya. Hindi niya ito kilala. Kinusot pa niya ang kanyang mga mata para magbakasakaling mamukhaan niya ito pero.. hindi pa rin. Naisip niyang galit ito sa kanya. Maaaring nakaaway niya noong minsan, tapos hindi lang niya maalala. Maaaring galit lang talaga tapos siya ang nakita kaya siya ang napagbabalingan. Inatake siya ng kaba sumandali. Maya-maya na-isip niya na isa pala itong opportunity. Papabugbog siya sa tiger-looking girl na ito para makuha ang deserving niyang pain sa kanyang kapalpakan pagdating sa pag-ibig. Tumayo na siya at gumagawa ng tiyempo para lumapit. Ngunit, naunahan pa siya nito, at naka-pwesto na malapit sa harapan niya. Tiger-looking pa rin.. IMAX ang dating. Aaaahhh.. “Okey lang, sampalin mo ‘ko! I deserve it! Slap me!” sabi niya sa isip niya pero napakahigpit naman ng pagkakapikit ng mga mata.

Gumalaw ang kanang kamay ng babae. Patungo ito sa kanya at mahinahong nagsalita ng, “May I have this dance?”

Biglang umurong ang plaka. Tumigil ang paligid. Namilog ang mga mata ni Leslie at napanganga na rin. Unti-unting nabanat ang labi niya at napangiti. Ini-abot naman niya ang kanyang kamay doon sa nang-alok. Pumunta sila sa gitna. Hindi na sayaw ang nagagawa niya kung hindi ‘suray’na lang. Medyo blurry na ang paningin niya. Nakikita niyang umiikut-ikot sa kanya ang babae. A-appear sa harap niya tapos biglang mawawala, tapos a-appear ulit. Appear. Disappear. Feeling niya ay safe na safe siya sa piling ng stranger na ito. Walang flashback na pagsisisi sa nakalipas o planong gawin bukas. Puro ngayon, mabagal na takbo ng oras ngayon kung kailan kasama ang panibago na namang babae para sa kanya.

Woah... I’m inlove with Juda-as. Judas..”

Natapos ang tatlong kanta. Hinila siya ng I-don’t-know-who-you-are-but-I’m-with-you girl pabalik sa dating kina-uupuan. Papikit-pikit na siya. Nagiging slow motion na ang paligid. Lantang gulay na talaga. Nalunod sa alak ang kokote niya pati na rin sa id. Biglang may nalaglag, cellphone niya. Pinulot ito ng kasama. Nag-dial ito ng number, si-nave pagkatapos ay nagpa-ring pa ng isa. Ibinalik sa kanya ang phone sabay alis habang nakangiti sa kanya. Tiningnan niya ang phone, may nakita siyang pangalan. Ang pangalan ng ika-fourteen na babae sa buhay niya pero ngayon ay hindi siya ang taya, pero ngayon ay siya ang susuyuin, pero iyon nga lang, blurry. Nalaglag na naman ito, nabitawan niya dahil sa sobra talagang panglalambot. Sinasadya ng panahon na hindi tumapat ang ni isang ilaw sa parteng kailangan niya ito. Kinapa niya ang cellphone sa sahig pero flat na surface ang nararamdaman ng kamay niya. Inilayo niya ng konti ang kamay papunta sa mga katabing upuan. Una.. Pangalawa.. May nakapa siyang bagay. Dinampot niya ito at nalamang ito nga ang kanyang hinahanap. Nang makita niya, wala na itong ilaw. Mabilisan siyang pumindot ng isang key para lang lumiwanag ulit ito. Heto na! Malalaman na niya ang pangalan ng pag-asa niya. Lumantad sa kanyang kalahating pikit na mga mata ang pangalang teka.. Aahhhmm.. Bianca Reynoso?!!! WAKAS.

BIFEMALE: SHORT STORIESWhere stories live. Discover now