Part 1

7.7K 108 52
                                    

SA SCHOOL 

Pumasok si Carrie sa kanilang classroom at umupo katabi ng kaibigang si Maureen.

"Hoyyyyyy Mau! Ang aga aga ang layo ng nilalakbay ng utak mo!" bati ni Carrie sa kaibigan na halatang malayo nga ang iniisip.

Ngumiti si Maureen sa kanya na halatang pilit lang.

"O, Carrie. Ikaw pala yan...hindi kita napansin na pumasok ah?"  sabi nito.

"Paano mo ako mapapansin eh nakatunganga ka dyan. Muntik na ngang tumulo ang laway mo? Sino na naman ang naglalaro dyan sa imagination mo ha? Si Andrew na naman ba?" tanong ni Carrie, si Andrew ay ang matagal ng crush ni Maureen, kaklase nila. 

Namula ang pisngi ni Maureen.

"Ano? Hindi ah!" tanggi naman ni Maureen. "Pag ba nakatunganga lalaki na agad ang iniisip? At saka, yang bibig mo puwede isara mo na bago pa may makarinig sa'yo. Naku, nakakahiya baka makarating kay Andrew!" gigil na sabi nito sa kanya.

Napatawa si Carrie sa kaibigan at umismid.

"Hmmmp! Okay fine. Hindi na ako magsasalita. Pero seryoso ako, okay ka lang. Mukhang mabigat yang dinadala mo. Iniisip mo. Andito lang ako friend. Alam mo naman di ba. Makikinig ako lagi sayo," biglang seryoso ang tonong sabi ni Carrie sa kaibigan.

Napangiti si Maureen.

"Ikaw talaga, kahit kailan napaka-dramatic mo. Wala, may konting problema lang sa bahay. No big deal. Sige na, mukhang andyan na ang teacher natin eh," sabi ni Maureen ng makitang mabilis na nagsiupuan ang mga kaklase na kanina lang ay busy sa pag-chi-chikahan.

Naupo naman is Carrie katabi ng upuan ng kaibigan at itinikom ang bibig.

Alam ni Carrie na may mas malalim na dahilan kung bakit nagkakaganito ang kaibigan pero ngayon hahayaan na muna nya itong manahimik. Kusa namang nagko-confide sa kanya ang kaibigan pag ready na ito.

First day of school nila. Excited si Carrie sa mga bagong kaklase nila, kung meron man. At kung sinong teacher ang na-assign sa kanilang klase.

Inilagay in Carrie ang bag sa likod ng kanyang upuan at umayos ng upo. 

Hinintay ang pagpasok ng kanilang class teacher.

Maya-maya narinig nila ang mga hakbang patungo sa kanilang classroom.

Parang suspense.

Dalawa lang ang gusto nila sa kung sino man ang ma-assign sa kanilang klase.

Una, hindi strikto. Pangalawa, cool at down-to-earth. 

Pag isa sa mga iyon ang natupad, magbubunyi ang buong klase nila. 

Hindi sila masyadong masuwerte last year. Isang old maid na masungit ang naging class teacher nila. Laging nakasinghal at tambak tambak ang homework sa kanila. Horror at nightmare ang tawag nila sa kanya, si Ms. Perfecto. Bagay sa kanya ang pangalan nito kasi perfectionist. Masungit, perfectionist, at menopausal! 

Napangiti si Carrie sa naisip. Sana naman hindi old maid ngayong taon. Sana....sana mabait at magaling magturo, sa isip nya. 

Matalino si Carrie, siya ang laging napipiling Presidente ng klase nila. Nakikinig sa kanya ang mga boys at naiinggit naman ang mga girls. Pero magaling syang mag-handle sa mga kaklase. Professional sya ika nga. Kaya for sure, this year baka sya na naman ang piliin nila.

Isang Saglit LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon