Previous Page of 2Next Page

Fifteen Days

spinner.gif

DISCLAIMER: I don't own the "belief" but I own the plotline. (Sinabi lang sa akin ng friend ko ang 15 days wallpaper and I don't know where she got that idea)

---x

"Alam mo na ba?"

"Ang alin?"

"Na kapag ginawa mo daw wallpaper 'yung picture ng taong mahal mo sa cellphone mo tapos walang nakakita nito within 15 days, magiging kayo."

"Totoo ba 'yun?"

"Ewan ko, kasi sa akin...nagkatotoo"

---

Simula nung nalaman ko 'yung "sabi-sabi" na 'yun ay para akong ewan na naniniwala at ginawa nga 'yung wallpaper thingy within 15 days na hindi makita ng kahit na sino eh magiging kami nung nasa wallpaper ko. Wala namang masama maniwala di ba? Wala namang mawawala sa akin di ba?

Parang paniniwala lang sa 11:11 na kadalasan ay ginagawa sa tuwing 23:11 na pagwish ng isang bagay na gusto mo makamit. Karamihan sa atin, alam na hindi totoo 'yun pero kahit ganun nga, napapawish na lang tayo bigla kapag nakita nating 11:11 ang nasa orasan natin.

Actually, hindi naman talaga ako nahihirapan itago 'yung cellphone ko para hindi makita 'yung wallpaper ko. Wala naman kasing kahit na sinong interesado kung ano meron sa cellphone ko. Kaya keri lang at naghihintay na mag 15 days na para magkatuluyan na kami ng taong mahal ko.

Speaking of mahal, gusto ko lang ipakilala sa inyo ang lalaking nasa wallpaper ng cellphone ko. Si Justin. Maraming nagsasabi at nangangantyaw sa amin na bagay daw kami o kaya naman soulmates daw dahil parehas kaming Justin. Justine nga lang ang spelling ng akin. Syempre, ako naman kilig.

Pogi siya, ako na nagsasabi sa inyo. Hindi siya mahilig sa sports dahil ang cute lang niya kasi lalampa lampa siya. Isang aspring photographer at nerdy, ang cute nga ng salamin niya kasi parang kay Ninoy 'yung frame.

Basta, to sum it all up, ampogi niya.

Ang problema lang, hindi kami close. Nakakapag usap kami minsan pero hindi kami 'yung tipong masasabi mong "friends". Siguro magkakilala, siguro magkaklase pero never, as in never pa kaming nag usap na parang friends kami. Kasi nga, hindi kami friends!!! huhuhu.

Tska kung iniisip niyong may kaagaw ako sa kanya, siguro meron pero ang lahat ng 'yun eh mga nagkakagusto din sa kanya. Simple nga kasi siya. Nakakainlove ay 'yung boses niya na sa tuwing naggigitara sila ng mga kaklase namin sa may likod ng classroom, makikinig kaming lahat lalo na pag siya ang kumakanta.

Pero wala akong nababalitaang nagkagirlfriend na siya, wala nga din akong nababalitaan na may gusto siyang babae. Ayoko naman magmukmok sa isang tabi at malamang bakla pala siya kaya ganun. Sabihin na lang nating, hindi pa kasi niya nakikita si Ms. Right para sa kanya.

--

Minarkahan ko ang date bukas dahil 'yun na ang 15th day. Gusto ko lang magcelebrate dahil naka15th day ako ng walang nakakakita. Pumasok na ako sa school, syempre same routine. Aral, recess, aral, lunch, aral tapos dismissal.

Previous Page of 2Next Page

Comments & Reviews (1390)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Cast

Niña Angelica Andayaas Justine
Kingsley Calungcaginas Justin
James Sarrealas Boy1
Faye Capaciaas Girl1
Jesicca Abodagoas Girl2

Who's Reading

Recommended