Chapter 5 : Helping Hand

21.2K 697 13
                                    

"Ayos ka lang, Janine?" Xevier's first instinct was to kneel down and pull Janine into his arms, but he couldn't. Hindi siya pwedeng magpakita na naaawa siya nito dahil isa itong wanted. At matagal na rin silang tapos.

"I'm so stupid." napahilamos ito sa mukha habang umiiyak. Hindi lang basta umiiyak ito, kundi humagulgol talaga.

Sa nakikita niyang paghihisterical nito parang hindi na ito ang Janine na nakilala niya noon. Hindi man lang kasi ito umiyak nong magkahiwalay sila.

"Baka...hindi ko na siya...makita..ulit." she hiccuped.

"Ano ba yang mga pinagsasabi mo?"

"Ang anak ko, si Robi. Tinangay nila ang anak ko. Hindi ako makapaniwalang pati ang anak ko ay tinangay nila.." hagulgol pa rin nito.

Nang hindi niya makayanang pagmasdan lang ito, he knelt until she looked him in the eyes. "Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko sayo, Janine. Palagi mong sinasabi na anak mo. Sa pagkakaalam ko kasi ang bagong panganak na sanggol palang ang natala namin na nakidnap sa kasalukuyan."

"Pati si Robi ay tinangay rin nila."

"Ang gusto mo bang sabihin na dalawa ang kinidnap na bata at isa doon ang anak mo?"

Her bottom lip trembled and her head dropped as she pulled her knees in close to her chest again. Kaya naman hindi na masyadong maintindihan ni Xevier ang sinasabi nito dahil nakasubsob na ito sa dibdib niya. At isa pa hindi pa siya fully recovered sa itinurok nitong drugas, hindi pa rin kasi masyadong gumagana ang kanyang utak. Kaya naman ang mga sinasabi nito ay parang halusinasyon lang.

Pero teka lang, may anak na ito? Si Janine may anak na?

Kahit nababalot pa sa luha ang mga mata nito, hindi pa rin nawawala ang taglay nitong kagandahan.

Matapos ang ilang segundong pag-iisip, inilahad niya ang mga kamay sa dating nobya, para tulongan itong makatayo. Pero bigla nalang nanumbalik sa isipan niya ang pagkakaroon nito ng anak.

"Bakit hindi mo sinabi sakin?" aniya sa nanunuyong lalamunan. "Kailan ka pa ikinasal?"

Ang swerte naman sa napangasawa nito. Janine was very smart and beautiful. Pull yourself together, Ruiz. You made your choice four years ago.

"Ang kanyang ama ay...Gusto sana kitang tawagan, Xev." napapikit ito at bumuntong-hininga. "Hindi ko pala pwedeng sabihin sayo. They said not to involve any police or the NBI. I couldn't risk it."

"Teka lang, huminahon ka muna. Magsimula tayo sa una."

"At the beginning? Namasyal lang naman kami ni Robi sa parke."

"Bakit hindi mo sinasabi sakin na may anak ka na?"

"Bakit mo naman naisip na kailangan mong malaman iyon? I thought it was better to just keep things the way you wanted." anito sabay upo sa sofa. "You were undercover and couldn't be reached."

Yeah, he's undercover for almost three years. At marami na ngang kaganapan na nangyari sa buhay nila.

"Akala ko ba in good terms tayong nagkahiwalay. Bakit hindi mo man lang ako tinatawagan?" sumbat niya rito.

"Hindi mo na rin kasi ako tinatawagan eh."

Para naman siyang sinampal sa katotohanan at nagi-guilty nga siya. Yeah, he could have found her. Marami namang paraan para makontak niya ito. Pero mas pinili niyang putolin nalang ang kaugnayan niya rito.

"Teka lang." aniya pa. "Hindi ako pwedeng tumawag sayo pag nag u-undercover ako. Alam mo yon."

"Sinubokan kong mag email sayo ng ilang beses, pero ano naman ang isusulat ko? Lininaw mo na sakin noon na mas mahalaga sayo ang trabaho mo kaysa sakin." sabi nito na napahingos-hingos.

Tough Hunks Series (1) Xevier : The SaviorWhere stories live. Discover now