Chapter 4 : Meet Again

20K 715 9
                                    

Nine tedious hours at nawawalan na ng pasensya si Janine. Ang magmaneho habang napakalakas ang ulan ay bangungot para sa kanya. Ang hindi inaasahang pagbabaha sa kalsada ay ang sanhi sa pagka delay niya ng ilang oras. Kinailangan pa nga niyang lumihis ng ibang daan para hindi siya ma apektohan sa traffic.

How she wished she could be like normal little girls. Na naglalaro lang ng manika kasama ng mga kaibigan niya at walang pinoproblema. Pero hindi eh, kahit pilit pa niyang e divert ang atensyon sa ibang bagay, si Robi pa rin ang sumasagi sa kanyang isip.

Kung hindi lang sana nadiskubre ng mga kidnappers ang kakayahan niyang gumawa ng gamot, e di sana malinaw ang paninirahan nilang mag-ina.

Kumidlat naman ng malakas at saka kumulog dahilan sa panginginig ng buong kalamnan ni Janine. She drove past two barricades on the last turn and parked the car in a drive leading to an unused field. The ground was normally a mixture of small pebbles and dirt, but was now mainly water and mud. At dahil masyadong madulas ang daan kaya hindi niya nakayanang ipagpatuloy pa ang pagmamaneho. Kaya bumaba siya sa kotse at nang sa kanyang pagbaba sa lupa nalubog lamang ang mga paa niya sa putikan. Kung minamalas nga naman siya oh.

Pero kinailangan talaga niyang magplano, at doon niya pag-iisapan ang kanyang mga hakbang sa kanilang bahay bakasyonan, para hindi talaga siya madaling matunton ng mga kidnappers.

Nagpatuloy pa rin siyang naglalakad sa putikan na daan. Anyway, malapit na siyang makarating sa kanilang rancho. Pero ang ipinagtataka lang niya sa mga bahay na nadaanan niya ay halos lahat walang ilaw. Brown out kaya? Eh wala namang napabalitang bagyo. Malakas lang talaga ang ulan.

Sa isang kilometrong nilakad niya ay nakarating din siya sa wakas sa bahay bakasyunan nila na basa at puno ng putik ang paa.

Binuksan na niya ang pintuan gamit ang susi at sa pagbukas nito, tahimik naman siyang pumasok sa loob na para bang isang eskapo mula sa priso.

Nanginginig pa rin siya sa pagpasok niya sa loob ng bahay at dumiretso na lamang siya sa banyo para makapaghugas agad ng paa. Buti nalang din at may nahagilap siyang tuwalya sa sampayan. Pinahiran niya ang kanyang mukha at basang buhok. Medyo inaantok na nga siya dahil dalawang araw siyang walang tulog. Matapos niyang patuyuin ang mukha, dali-dali naman siyang umupo sa sofa at ipinatong ang mga paa sa center table. Sa wakas nakapagpahinga rin siya, nalulungkot nga lang siya dahil wala ngayon sa tabi niya si Robi.

"Fancy meeting you here."

Napasigaw naman sa gulat si Janine, at ang kanyang antok ay bigla-biglang nawala. Di makapaniwalang tinitigan naman niya si Xevier na para bang isa itong multo na nabuhay, medyo madilim nga lang ang paligid pero nasisiguro naman niyang si Xevier ito. Ang malusog at buhay na buhay na si Xevier. Eh ano ba sa palagay mo Janine, na multo na itong si Xevier?

Humugot naman siya ng isang malalim na hininga at dahan-dahang pinakalma ang sarili.

Pero in fairness, ang nakatindig ngayon sa harapan niya ay isang matipunong Machete. He looked handsome. Gosh! really handsome. Too perfect for words. And to sum up: he was absolute, excellent, flawless, masterful, and super duper hunk. Nagmumukha tuloy itong si Stephen Amell sa Arrow.

Xevier's brow wrinkled, and the tiny laugh lines around his eyes were emphasized. She'd been gaping at him, but couldn't help another look down his long, lean torso and back again to his lightly whiskered face. Isang sulyap nalang, promise! at hindi na siya muling titingin pa kay Xevier.

But dear God in Heaven, she'd missed everything about him. Na mi-miss niyang hawakan ang tangos ng ilong nito, tingnan ang namumungay na kayumangging mga mata nito, at gulohin ang malinis nitong gupit. She wanted so much to throw herself into his arms but she couldn't. She'd made her choice four years ago. At kailanman hindi na pwedeng maibabalik ang nakaraan.

"Nagulat ka yatang makita ako?" He blocked the door leading into the rest of the house. He was dry and immaculate except for the little bit of stubble that drove her crazy. "Di ba, binilinan mo ako ng note para hindi ako tuloyang matigok?"

Oo nga pala. "Akala ko kasi may ibang nakapasok dito." Pagod siya at ayaw na niyang makipagtalo pa nito. All she wanted was to warm up and dry off. Curl up and cry. At kung pwede ipaubaya nalang niya ang lahat sa NBI.

"Nakaka hang over pala yong itinurok mo sa akin." Ani Xevier at hinilot-hilot pa ang kanyang sentido. "Pero tingnan mo, kahit may hang over pa ako mas nauna pa rin akong nakarating sayo."

"Ikaw lang ba? Saan na ba yong iba mo pang asungot na mga kasamahan?"

"Bakit, hindi ba pwedeng ako lang ang mag-isa?" Napahilot ulit ito sa kanyang sentido. "Naka medical leave kasi ako ngayon matapos akong turukan ng unknown drug sa ibang tao diyan." parinig nito.

"Halata namang gumana sayo ang antidote kaya wala kanang dapat ipag-alala." turan naman niya.

"Alam mo sa isang promil kid na kagaya mo, you're not making much sense anymore. Binilinan mo ako ng note ng antidote, pero nasurprisa ka naman nang makita ako." at ginulo-gulo nito ang buhok niya. "What's going on, Janine? Bakit niloko mo ang mga awtoridad?"

"Iyon lang kasi ang naisip kong paraan." Yumuko siya dahil hindi niya kayang tumingin sa mga mata nito. "Sinadya ko talagang ilagay ang picture nating dalawa sa libro na binigay mo, para mabigyan kita ng clue. At nandito ka nga."

"Bakit hindi ka nalang sumuko, Janine? Kidnapping has a serious consequences. Mas mabuti pang sabihin mo nalang sakin kung saan ninyo dinala ang sanggol, at ang perang ipantubos sana sa sanggol?"

"Ano ba yang mga pinagsasabi mo?" tama nga siya na pinagbentangan siya nito na sangkot sa kidnapping. "Ang sabi kasi ng mga kidnapper na palalayain nila ang mga bata basta sumunod lang daw ako sa gusto nila."

Ibinuka niya ang bibig para magtanong sana tungkol kay Robi pero tinalikuran lang siya nito. Siguro dissapointed ito sa ginawa niya. At dissapointed rin siya sa sarili dahil hindi niya magawang ipagtapat kay Xevier ang tungkol kay Robi.

Nakita niyang hinugot naman ni Xevier ang kanyang cellphone mula sa bulsa.

"Tatawagan ko ang kasamahan kong si Dela Vega para ipaalam sa kanya na nandito ka."

"Hindi ako sasama sa kanila!"

"Oh yes! you are. Hindi ko alam kung pano ka nasangkot dito, pero--"

Pilit naman niyang inagaw mula sa kamay ni Xevier ang hawak nitong cellphone. Pero dahil sa sobrang ilap nitong makahawak, tuloy hindi niya maagaw-agaw ang cellphone. "Please Xev, kailangan mong makinig sakin."

"Sabihin mo na, bilis! Dahil tumatatak ang oras."

"Kasama sa mga nakidnap na bata si Robi." pero hindi, ayaw niya sa ganitong pagkakataon na malaman ni Xevier ang tungkol kay Robi. Pero ang gulo-gulo na talaga ng utak niya. Idagdag pa na wala siyang tulog sa nakalipas na dalawang araw.

"Robi?" So wala ngang alam si Xevier na kasama si Robi sa nakidnap na sanggol. "Di ba ikaw yong may dala sa perang ipantubos sana sa bagong panganak na sanggol?"

Bagong panganak na sanggol?

My God! Bagong panganak na sanggol pala ang kinuha ng mga ito. She stumbled against the washer and slowly slid to the floor.

Sweet mother of God, makikita pa kaya niya si Robi?

*****

Tough Hunks Series (1) Xevier : The SaviorWhere stories live. Discover now