CWWY 5

25 2 0
                                    

5

***

Pauwi na si Claudine galing sa simbahan kasama ng kanyang ina na si Aling Mirasol. Bumili pa sila ng sampaguita para isabit iyon sa krus na nakadisplay sa kanilang sala sa bahay. Hindi pa man siya nakakapasok sa loob ng kanilang nang biglang mag-vibrate ang kanyang cellphone. Pagtingin niya dito ay may mga bago na naman siyang notifications. Kahit kailan talaga ay hindi siya naubusan.

"Magsaing ka na para mamayang lunch." Utos ni Aling Mirasol na kasalukuyang nasa kwarto. Malakas ang boses nito kaya naman naririnig niya iyon mula sa sala. "Clang... Naririnig mo ba ko?"

"OPO!" pasigaw din niyang tugon. Nakadapa siya sa sahig habang nakakalat ang mga books at notebooks niya na puro assignment.

Nagtataka lang si Claudine kung bakit binibigyan sila ng kanilang mga teachers ng tadtad na gawain tuwing weekends. Hindi ba nila naisip na iyon na lang ang araw na pwede silang mag-enjoy? Monday to Friday na silang nag-aaral tapos gusto pa yata na pati Saturday at Sunday ay magsunog sila ng kilay. Paano nga naman sila gaganahan kung puro gano'n ang kanilang gagawin? Walang thrill at nakaka-boring kung paulit-ulit ang kanilang routine. Imbes na nag-gagala sila with their friends, ay nasa bahay lang sila, nakakulong at nagawa ng homework.

Nakita niyang lumabas na ang kanyang ina mula sa kwarto nito.

"Oo nga pala... Nakausap mo na ba ang papa mo?" tanong sa kanya ni Aling Mirasol. "Ipakita mo raw sa kanya 'yung grades mo. Sinabi ko kasing mataas ang nakuha mo ngayong frist grading."

"Mamaya pa lang kami mag-uusap ni papa." Tugon nito kay Aling Mirasol pero nananatiling nakatutok sa kanyang ginagawa.

"O siya... 'Yung bilin ko ha? Magsaing ka na para mamayang lunch. Magbabayad lang ako ng bill natin sa kuryente at sa wifi... Ang mahal ng bill natin! Kaloka!" ani Aling Mirasol.

Hindi na siya sumagot at nagpatugtog na lang siya sa kanyang cellphoen nang makaalis na si Aling Mirasol.

***

"Arghhh! Bwisit!" asar na sabi ni Claudine habang binabasa ang message ni Dwayne.

In-accept na kasi niya ang friend request nito matapos ang ilang araw na pangungulit. Ngunit mukhang nagkamali siya dahil mas lalo yata siyang hindi titigilan nito.

Dwane: Good evening! :)

Claudine: i-unfriend kaya kita ulit tapos i-block?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Claudine: i-unfriend kaya kita ulit tapos i-block?

Dwayne: Ayy wag naman gano'n! Hindi pa nga tayo nakakapag-usap eh...

Claudine: Duhh!? We're talking already. >.<

Dwayne: Aww nosebleed! Don't english me. Don't me!

Claudine: Paano mo ba kasi nalaman ang nickname ko? Sino ka ba? Kilala ba kita?

Dwayne: Ang dami namang tanong. Interview ba 'to?

Closer When We're YoungWhere stories live. Discover now