CWWY Summary

104 1 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SUMMARY

***

Si Claudine Joy Custodio o mas kilala bilang "Clang" ng kanyang ina at mga kaibigan ay kilala sa social media. Umaabot agad ng libo ang mga likes niya sa facebook, instagram at twitter. Mahilig siyang mag-upload ng mga videos at selfies niya kaya naman marami rin siyang tiga-hanga. Kilala rin si Claudine na "Queen of Musical.ly" dahil sa galing niya rito na maihahanay sa ibang mga celebrities.

Sa di inaasahang pagkakatao ay nakatagpo siya ng isang lalaki—si Dwayne. Nakaramdam agad siya ng kakaiba sa binata kahit pa sa facebook niya lamang ito nakita. Noong una ay hindi niya ito pinapansin kahit panay ang pngungulit ng lalaki sa kanya. Ngunit tila ini-stalk siya ni Dwayne. Sa pakiwari ni Claudine ay parating may nagmamanman sa kanya kung kaya't pinagbigyan na rin niya ito bandang huli. In-add niya ito sa facebook at nagkakausap na sila kahit papaano.

Subalit habang tumatagal ay mas nararamdaman ni Claudine ang pgiging malapit niya sa binata. Hindi niya alam kung anong pinapahiwatig sa kanya ng kanyang nararamdaman para kay Dwayne. Masay asiya kapag ka-chat o nakakausap ito. Pinagsabihan na siya ng kanyang mga kaibigan na 'wag umasa pero tuloy pa rin siya. Nadadala siya sa mga matatamis na salitang sinasabi ng lalaki sa kanya. Maraming nanliligaw kay Claudine ngunit para sa kanya ay walang makakapantay sa pagtingin niya para kay Dwayne.

Sumugal siya kahit hindi pa sila nagkikita. Nagkaroon ng aminan sa pagitan nilang dalawa. Mas lumalim ang namamagitan sa dalawa kahit pa wala itong kasiguraduhan dahil hindi naman sila nagkikita. Hanggang isang araw ay naisip na ni Claudine na sagutin na ang lalaki para maging pormal na silang dalawa. Subalit nang dumating ang araw na iyon ay isang pangyayari ang di inaasahan. Hindi sila nagkita kahit pa sabay naman silang nagtungo doon.

Ilang years pa ang lumipas at hindi na sila nagkaroon pa ng komunikasyon. Nakapangasawa na si Claudine ng iba at nagkaanak na rin ito. Twenty years na ang nakalipas mula ng hindi siya siputin ni Dwayne. Kung kailan naman nakalimot na si Claudine ay saka pa magku-krus ang kanilang landas. Magkikita sila ni Dwayne.

Doon pa lang mare-realize ni Claudine na ang minahal niyang lalaki noon ay isa lamang ilusyon o di kaya naman ay mga bagay na napakahirap paniwalaan.

Closer When We're YoungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon