Chapter 7

20.2K 323 6
                                    

Dj'sPOV

Its already 10pm, when I got home. Pinadaan pa kasi ako ni Mama sa bahay. Hindi ko na sinama si kath, baka kasi hindi makausap ng matino ni Mama si Kath. Hanggang kanina nga daw pauwi na sila nila Julia, tahimik pa din daw siya. Kung alam ko lang nang dahil lang sa pagkuha ko ng Design niya, Magiging ganito siya.

Pagpasok ko sa loob ng bahay, nakita kong madaming kalat. 'Maayos to kanina, bago kami umalis ahh..' Biglang uminit ulo ko, nakita ko si Kath, hindi ko alam pero uminit talaga ulo ko, sa lahat kasi nang ayaw ko magulo ang bahay. Napatingin sa pwesto ko si Kath, at nanlaki pa yung mga mata niya ng makita niya ko.

"S-sorry, promise liligpitin ko din tong mga to." Kath. Anu bang problema niya at nagkalat pa siya dito.

"Bakit ang daming kalat dito?!! Diba sabi ko ayaw ko ng may kalat dito?!!!" Nakita kong parang natakot nanaman sa akin si Kath, kinalma ko muna yung sarili ko.

"S-so-sorry t-talaga. Sige liligpitin ko na." Tumayo na siya at nagsimulang magligpit. Umakyat ako nang hagdan narinig ko pa yung sinabi niya bago ako tuluyang maka-akyat.

"Kumain ka na diyan, nakaready na yung pagkain diyan. Pasensya na kung nagkalat ako. Hinahanap ko kasi yung yung design ko." Then it hit me. Ako ang may kasalanan kung bakit siya nagkalat dito sa bahay. Hinahanap niya pala yug design niya. Nakunsensya naman ako.

Pinabayaan ko na lang siya sa baba. Pagpasok ko ng kwarto, Kinuha ko sa drawer ko ang design ni Kath. No wonder kung bakit gusto niyang maging Designer. Maganda yung drawing ng Gown na gusto niya.

Lumabas na ko ng kwarto at pagbaba ko. Ang linis na agad ng bahay. wala ka ng makikitang bakas ng kalat. pumunta ako ng Kusina para tignan dun si Kath, pero wala siya dun. malamang nasa kwarto na yun at nagkukulong.

Napaupo na lang ako sa silya at nag-isip. 'Gosh! sabi ko magbabago na ko. Onting kalat lang uminit na agad ulo ko. Kailangan bumawi ako kay Kath bukas.'

Next Day

Maaga akong nagising para ipagluto ko ulet ng breakfast si Kath. After kong magluto nilagay ko na sa lamesa yung mga niluto ko, nagtaka naman ako kung bakit hindi pa bumababa si Kath.

Pinuntahan ko siya sa kwarto niya kaso bago pa ko makapsok sa loob, nakita ko yung note niya na nakadikit sa pinto niya.

"Nauna na kong pumasok, Sorry, di na kita ginising."

-Kath

Bat ang aga naman niya pumasok? 6:15 pa lang ahh. Anung meron ba ngayon?!


Kath's POV

Natakot ako kay Dj kagabi ng dumating siya. Di ko naman sinasadyang magkalat, hinahanap ko lang talaga yung design ko.

Pumasok ako ng maaga, para hindi na kami magpang abot ni Dj, natatakot kasi ako sa kanya ee. Tinext ko na lang si Julia na wag na kong sunduin, gusto ko kasing mapag-isa ngayon, para makapagisip isip na din.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ahh." Nagulat ako ng may narinig akong nagsalita sa likod ko.

Nakita ko si Enrique. Enrique Gil, classmate ko sa Math subj ko kay Dj. Dun lang kami magkaklase. Tumabi siya sa akin at ningitian ako.

"May problema ba kayo ni Sir. Dj?!" Quen. Hay quen, kung alam mo lang dati pa niya ko problema.

"Wala naman." tipid kong sagot sa kanya.

"Kung wala e bat ganyan ang itsura mo? hindi maipinta?" he chuckled. Medyo natawa na din ako.

"Wala naman. Nawawala kasi yung project ko dati yung dinisign kong wedding gown. Yun kasi yung pinakagustong kong drawing ko kaya, I reserve that as my 'Dream Wedding Gown' napatango na lang siya.

Mistreated Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon