Chapter 6

19.2K 320 5
                                    

Kath's POV

Hayyy- teka pano ako nakarating sa kama ko????? 0__________0
WHAT THE?! SINONG NAGPALIT NG DAMIT KO?!!

Imposibleng 'siya' kasi hindi naman pumapasok sa kwarto ko yun ee. Baka sa sobrang antok ko hindi ko na siguro namalayang nagpalit ako ng damit tsaka nagligpit ng gamit ko?

Ang linis ng desk ko? ganun na ba ako makakalimutin? at hindi ko alam na naglilinis pala ako ng desk ko? shet! sakit ng ulo ko kakaisip makaligo na nga lang.

After kong maligo at magbihis, inayos ko na gamit ko. Habang naglalagay ako ng gamit sa bag ko may napansin lang ako....

NAWAWALA YUNG SKETCH NG 'DREAM WEDDING GOWN' KO!!!

Huhuhu.. Pinaghirapan ko yun! san ko kaya nahulog yun. Naiiyak na ko..
Bumaba na ko para magluto ng almusal, pero paglabas ko palang ng kwarto naamoy ko na yung ulam. Sino nagluluto? Si Dj?!

Dj's POV

I woke up early, to cook breakfast for the two of us, I promise to myself na ibabalik ko na yung 'dating DJ'..

So here I am starting again and fixing 'my marriage'. Kailangan kong bumawi kay Kath, malaki kasalanan ko sa kanya.

Narinig kong may nag-urong ng upuan sa dining, nakita ko si Kath, parang malungkot at tulala. Anong problema niya? My nagawa nanaman ba ako sa kanya? May kasalanan nanaman ba ako sa kanya?

Nilapag ko yung mga pagkain sa lamesa "Kain na" umupo na ko at nagdasal, pagkatapos ay kumuha na ko ng pagkain ko, napansin kong tulala pa din si Kath.

"Kath? kath? KATH?!!" hay salamat natauhan din. "Ha?!" anu bang nangyayari sa kanya? "Sabi ko kung may problema ka ba?!" Umiling lang siya at kumain na. Anu kayang problema niya?

On the way na kami sa school, Wala ee tahimik pa din siya. Anu kayang problema niya?

Nandito na kami sa school, bumaba lang siya at nagthankyou. Nakita namin sila Marco, Miles, Diego at Julia.

"Hi Kath, Hi dj!" Bati sa amin nila Julia at Miles..

"Hi! kanina pa kayo?" may 30mins pa naman bago ang class nila Kath.

"Hindi naman. Pare, nag-away nanaman ba kayo ni Kath?! bat ang tahimik at tulala?" Marco. abat! ako talaga may kasalanan kung bakit tulala yan? Tumingin ako kina Diego, ansama nanaman ng tingin sa akin ne to.

"Hindi kami nag-away. Kanina habang nagluluto ako ng breakfast naming dalawa, narinig ko na lang siyang umupo sa dining. Kanina pa yan tulala at hindi nagsasalita. Di ko alam problema kasi ayaw naman sumagot. Porket tulala at hindi nagsasalita ako agad may gawa? di ba pwede may iniisip lang siya?" kaasar kasi. though alam ko naman na minsan pagtulala yang si Kath, ako dahilan niyan kasi sinigawan ko siya.

"Aba anung malay namin kung anung nangyayari sa inyo ng asawa mo. Basta alam ko lang sinasaktan mo siya emotionally, buti na lang hindi physically kasi black eye aabutin mo sa akin." Julia. Siniko siya ni Miles. Ang pranka talaga ne to.

"Hindi pa ba kayo pupunta sa rooms niyo? malapit na magtime." Diego. Nagready na kami maglakad tapos narinig na lang namin na sinisigawan nanaman nila Julia at Miles si Kath.

"KAAAAAAAAAAAAATH!!!I" Julia and Miles. Anu bang nangyayari dito sa taong to.

Buti naman at natauhan ulet siya "Bakit? anung meron?" napasapo na lang sa noo yung dalawa.

"Teh? out of this world lang? lapit na magtime tara na." Miles. sabay tayo ni Kath.

"Ha? ahh oo sige.." Anu bang nangyayari sa kanya?!

Julia's POV

Grabe!!! Hindi ko na ma-take ang pagkatulala ne tong si Kath. What's happening to her?!

"Girl, anu bang problema at tulala ka diyan? Pati tuloy si Dj napagbintangan na namin ee." sana naman magsalita to.

Tumingin sa akin si Kath na parang maiiyak? Hala anu nangyari? "Uy Kath anu bang problema?" kasi naman umiiyak na talaga siya ee.

"Sinaktan ka ba ni Dj? binugbog ka ba?" umiling lang siya. "Anu bang problema?" Hay sa wakas ok na.

"Julia." parang maiiyak nanaman.. "Nawawala yung sketch ng dream wedding gown ko. Sniff. hindi ko alam sniff kung san ko nalagay" Iyak nanaman niya. Buti na lang talaga wala kaming prof. Baka kasi bigla magsumbong sa family ni Kath baka akalain nagkakaproblema silang mag-asawa, though oo malaking problema.

Pinaghirapan kasi ni Kath na i-drawing yung dream wedding gown niya "baka naman nahulog mo kung san. Hayaan mo na, isip tayo ng bago tapos drawing na lang natin ah?" She nods. Nga pala, sonething that you don't know about Kath? She's a childish, a Matured childish. Gulo no?

After class diretso agad kami sa canteen para kumain, eksakto nandun silang lahat. Tuwing wednesday lang kami nagkakasabay sabay kumain.

"Sis? anung nangyari? bat namamaga mata mo?" Miles. Hindi nanaman nagsasalita si Kath, hayyy..

Nung wala silang makuhang sagot sa akin na sila tumingin "nawawala kasi yung Dream wedding gown ni Kath, Alam niyo naman importante yun kasi pinaghirapan niya yun. Halos pagpuyatan pa niya yun para lang matapos niya yun." Nakita kong nakahinga na silang lahat ng mabuti.

"San mo na lagay baka namissplace mo lang yun. Don't worry hanapin natin yun, kung hindi man, uhm, gawa na lang ulet ahh?" Diegomylabs. Spoiled kasi si Kath sa kanya ee. Kath nodded.

"O kain ka na. Diba favorite mo yan? Yan na yung binili ko para sayo." Dj O.o anyare?

Lahat kami dito ganito itsura O__o kasi naman nakakagulat, bat ganyan trato ni Dj kay Kath ngayon? Even Kath na iyak ng iyak lumaki mata.

"Bakit? bat ganyan kayo makatingin? Masama bang bilhan ng pagkain Asawa ko?" O.O gassssshh! I need oxygen!!



DJ'S POV

Anung nangyari sa kanila? Bat ganyan makatingin tong mga to?

"Guys? may problema ba?" tanong ko sa kanila. Even Kath na iyak ng iyak kanina napatigil at lumaki mata.

"Ah.. haha! ahh.. wala, tara kain na tayo! Haha!" Miles said. weird ahh.

Habang kumakain kami, medyo naguilty ako kasi kaya naman pala tulala at hindi nagsasalita si Kath dahil sa Sketch niya. Alam ko namang pinaghirapan niya yun, halos hindi na nga siya natulog dahil dun. Project kasi nila dati ang magdrawing ng dream gown nila, mag-asawa na kami ni Kath ng gawin niya yan. Halos puro kalat nga ng kwarto niya kakadrawing niya, hindi niya kasi ma-perfect yun kaya puro scratch paper na kakalat sa kwarto niya.

Bat ko alam? habang nagdodrawing siya, binuksan ko ng onti yung pinto niya, pag may ginagawa si Kath o busy siya laging bukas ang radio niya at nagpapatugtog kaya hindi niya ako napansing pumasok sa kwarto niya. tsaka nakatalikod siya sa akin. Nakita ko kung pano siya magpuyat para dun.

Kaya ko lang naman tinago yung sketch niya, para gamitin in the near future.

"Hoy! pare! nahahawa ka na kay Kath tulala na diyan. Tara na may klase pa tayo!" Marco. wala na pala yung 3 girls di ko napansin.

"Sila Kath?!" tanong ko. "Nauna na tulala ka kasi ee."Marco "Anu bang iniisip mo Dj?" Diego. sabihin ko na kaya para hindi mamomblema tong mga to.

"Nasa akin yung 'dream wedding gown ni Kath" nanlaki mga mata nila ng sabihin ko yun.

"Hanep pre! halos hindi na makausap ng matino Asawa mo dahil dun tapos na sayo lang pala!" Marco.

"Bat nasayo Dj?" Diego






"Gagamitin ko yun pag-kinasal kami ni Kath sa Simbahan."

Mistreated Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon